Pangalawa
Ugali
Bihis na bihis akong bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay ng magising ako kinaumagahan. Maganda ang gising ko dahil muling bumalik sa isip ko ang sinabi ni Papa.
Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay mag-antay. Malapit ko nang marating ang huling hakbang ng hagdan ngunit agad akong napangiti ng makita ko itong nakaupo sa sofa sa sala. Hindi ko napala kailangan mag-intay.
Kunwari'y hindi ko siya napansin at nagtuloy-tuloy ako sa lamesa. "Manang, ano pong almusal?" masigla kong sabi bago ako naupo.
"Sinangag, pritong hotdog, itlog, at ham lang, 'nak." usal nito madapos lumabas ng kusina. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang pagsilbihan pa ako nito. Baby nila ako e.
"Tumawag po ba ulit si Papa o si Mama?" tanong ko pagtapos kumagat ng hotdog.
"Naku, iyong Papa mo kanina. Nagbilin lang."
Tumango ako at mabilis na tinapos ang pagkain ko. Habang nainom ako nang tubig ay saktong tumayo si Jaime mula sa sofa at lumapit sa lamesa. Mabilis kong tinignan si Jaime.
"Nandito ka pala." nakangiting usal ko. "Kumain ka na ba?" tanong ko. Ngumiti lang siya.
"Magbihis ka na't marami tayong gagawin." nakangising usal niya. Napatitig ako sa kanya.
"Ano namang gagawin natin?" tanong ko. Nagtaas siya nang kilay at ngingiti-ngiting tumalikod.
"Ano sa tingin mo?"
Nagbihis ako nang jumper ulit. T-shirt na puti at bota. Ayokong maputikan ano. Nagsuot rin ako ng rubber gloves para surebol na. Umalis kami ng bahay at dinala niya ako sa isang lugar na ni isang beses ay hindi ko naisip puntahan kahit noong nadalaw kami rito.
Halos tumigil ang mundo ko habang nakatingin sa bukas na pinto ng barn dito sa lupain namin. Alam kong may mga alaga kaming hayop, pero ni minsan ay hindi ko inisip na puntahan man lang iyon para silipin.
Mula sa labas ay agad kong naamoy ang masang-sang na amoy ng dumi ng mga ito. Rinig ko ang tunog nila na animo'y inaanyayaan pa akong pumasok at makihalobilo sa kanila.
Tumingin ako kay Jaime na nakatingin sa akin. "Anong gagawin natin dito?" inosenteng tanong ko. He smirked at me.
"What do you think?"
"Don't tell me..."
"Don't tell me, what?" nakangising usal niya. Umiwas ako nang tingin at inis na bumuntong hininga. Sinapo ko ang noo ko pagkatapos kong tumalikod sa kanya.
"Shit, just get me out of here." mahina kong bulong.
"Ke bata bata mo pa, kung makapagmura ka kala mo tanda-tanda mo." usal niya. Tumingin ako sa kanya na nasa tabi ko na pala.
"Hindi ako nagmumura ng walang dahilan. Tuwing nabwi-bwisit ako't naiirita, saka ko lang nasasaba 'yan. Isa pa, hindi ako bata. Mag-two-twenty one na nga ako bago bata? Excuse me."
"Tss, dami pang satsat. Bilian mo't pumasok ka na. Marami ka pang lilinisin doon sa loob. Mga kakadumi lang ng mga 'yon ngayon dahil kanina'y pinakain ko sila." mabilis siyang tumalikod at papasok na ata sa barn.
"Hindi mo 'ko mapapapasok sa diyan." umiling ako nang humarap ako sa kanya. "Never!"
Ngumisi siya. "Bakit? Kayang-kaya kitang hilahin papunta rito. Kailangan mong maglinis ngayon din habang ilalabas ko sila, gusto mong hayop mismo ang linisan mo?" tanong niya.
Lumapit ako sa pinto at sinilip ang loob. Agad akong parang tinakasan ng dugo sa dami ng dumi. Nilalangaw iyon at alam kong marami pang ganoon. May mas malaki pa roon at merong mas maliit.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...