[24] San Diena

453 31 2
                                    

Thank you, really. Maraming salamat sa inyong lahat. Thank you for making me want to still continue this piece.

Pang-dalawampu't apat

San Diena

THIRD PERSON

TINITIGAN ni Nadila ang kanyang ina matapos mabasa ang mensahe ni Pepper. Mabilis siyang nagtipa ng isasagot at sinabing nasa center ng mall sila. If her mother wants proof, parating na ang proof niya.

Naniningkit ang titig nito kay Nadila. Tila hindi masaya sa inaakto niya. Ipinagkibit balikat nalang iyon ni Nadila habang inaantay ang kaibigan na dumating. She just hope they good make a good show, good enough to convinve her mother.

"Nadila!"

Parehas na lumingon ang mag-ina ng marinig nila ang boses ni Pepper na tumawag kay Nadila. Nanlaki ang mata nito ng makita ang nanay ni Nadila.

"Oh, hi tita!" bati ng dalaga. Humalik siya sa pisngi ng ina ni Nadila habang lihim na kumunot ang noo kay Nadila.

"Sorry talaga, Peps, at hindi ka namin na-antay ni Mama sa restaurant. Alam mo naman 'to si Mama, minsan." usal ni Nadila. Hinawakan niya pa ang braso ng dalaga para ma-gets nitong sumakay nalang.

"Ano ka ba, it's fine!" sabi ni Pepper. Tumingin siya sa ina ng dalaga. "'Y-Yun nga lang Tita hindi pa kami nakain." nakangiwing sabi ni Pepper.

"Oo nga, Ma. Mag-u-umpisa palang kami, dumating ka na."

"Tss." mahinang sabi ng ina ni Nadila. "Tara na kayong dalawa, ililibre ko kayo."

"'Yon naman!" masayang sabi ni Pepper. Ngumiti si Nadila bago nanguna ang kanyang ina. Sinilip niya ang telepono, umaasang may mensahe mula kay Jaime ngunit wala.

Mahinang bumuntong hininga si Nadila at ngumiti kay Pepper at sa kanyang ina na nakatingin sa kanya. "What?" nakangiting niyang tanong. Umiling ang ina at ngumiwi si Pepper.

"'Wag mo naman ipahalata, Nadi. Mabubuking tayo, e." mahianng usal ni Pepper sa kanya habang naglalakad sila ng magkasabay sa likod ng ina ni Nadila. Tumango lamang si Nadila.

"I-text mo sa 'kin ang plot storyline ng date na 'to, ha? Para naman updated ako, mahirap magsinungaling, e." bulong ni Pepper. Tumango lang ulit si Nadila sa sinabi niya.

TULALANG nakatitig si Jaime sa baso niyang may red wine. Hindi niya alam kung paano niya kakainin ang pagkain niyang in-order kanina. Blangko ang upuan sa tapat niya habang nilalamo ang laman ng baso.

"Excuse me, Sir, may I know if you need anything?" tanong ng babaeng waitress kay Jaime. Umiling lang si Jaime at nag-excuse na ang babae.

Tinignan ni Jaime ang labas at nakitang gano'n parin ang dami ng tao. Pero iba ngayon, pakiramdam niya tinago ng mga taong 'yan si Nadila. Pero naiintindihan niya rin naman, who was he to act like he was something when he's not? Alam niya ang lugar niya kaya doon lang siya.

Lumunok si Jaime at mabilis na inubos ang laman ng baso. Nasa bulsa niya ang perang iniwan ni Nadila. He felt ditched, pero anong magagawa niya? Ano bang mas pipiliin niya, ang makasama ang dalaga sa susunod ulit o hindi na kahit kelan? Of course, he'll choose the first one.

He's not selfish or he is. Sadyang meron lang sigurong oras na alam niya ang dapat gawin at hindi ang gustong gawin ang sundin. He clearly knows what this kind of relationship they have has end and so much things.

Hindi malaya, hindi rin naman kulong. They just need to find time, act like freaking ninjas, and to this whole thing in secret.

Ano bang magagawa niya. The moment he took the risk, there's no turning back. Nandito ka na, e, aattas ka pa ba? No way! Ito na, o. Ramda niya na. Alam niya na sa sarili niyang may puwang na siya sa puso ng dalaga. Alam niya nang kahit papaano'y may nagbukas na lugar sa puso ng dalaga para sa kanya.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon