This is my favorite chapter. Hope you'll like it ❤️
Pangatlo
Balot
"Hay! Kapagod!" usal ko matapos kong mahiga sa kama. Tapos na akong maghapuna't malignis. Antok na antok na ako. Sa dami ba naman ng ginawa ko, sinong hind mapapagod at aantukin?
Nalala kong 'yung hinatid ako ni Jaime. Nalaman kong kanya ang pick-up na 'yan, ibinigay daw ni Papa para sa kanya kasi madalas siyang utusan na lumiwas. Buti pa siya't nakakaalis kahit hindi taga-Pilipinas. Ako parang ibon na kinukulong sa hawla dahil nag-iisang anak. Bantay sarado.
Siya rin an gumamot ng sugat ko. Hindi niya ako hinayaan umuwi hangga't hindi siya siguradong ayos ang mga gasgas ko. OA lang talaga siya, walang naman nakaka-tetano doon, ano.
Narinig kong tumunog ang telepono ko pero sadyang antok na antok na ako para dumilat at hagilapin ang telepono ko para lang masagot ang tawag. Panigurado namang si Papa o si Mama lang 'yan.
Kinabukasan, late ako nagising. Sobrang sarap ng tulog ko, pero nananakit ang katawan ko. Sobra itong nabanat kahapon, nabigla ata. Ang sakit. Parang hindi ako makabangon. Pinahatid ko nalang ang pagkain ko sa kwarto ko dahil hindi ko magagawang bumaba ng hagdan o umakyat pataas.
Hirap akong naligo noon. Ang sakit sakit. Binigyan ako ng pain reliever ni Manang. Mukha umepekto namang pero hindi na ako lumabas. Papahirapan ko pa ang sarili ko.
Nakatulog ako ng hapon. Nagisin akong ng may kumatok sa kwarto ko't naramdaman kong bumukas iyon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jaime iyon.
"Anong ginagawa mo rito?" agad kong tanong habang nakahiga. Ayoko nang pilitin ang sarili kong umupo para sa kanya. Ako lang ang masasaktan kaya kung saan ako komportable, doon ako.
"Sinabi ni Manang na masakit raw ang katawan mo." usal niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Panigurado dahil sa ginawa mo 'yan kahapon."
"Malamang, ano pa bang magiging dahilan ng pagsakit ng katawan ko?"
"Ikaw ang makasalanan niya, e!" usal niya. Nanlaki ang mata ko at agad na napaupo. Aish! Ang sakit. Agad akong napadaing. Dadaluhan niya na sana ako pero tinuro ko siya.
"Ang kapal ng mukha mo! Kung hindi mo ako pinaglinis hindi ako mahihirapn ng ganito!" masungit na sigaw ko. Umiling siya.
"Kung hindi ka naghabol ng manok, hindi sasakit ang katawan mo o magagasgasan man lang!"
"Ako pa ngayon? Masama bang magmagandang loob? E, hindi ba't sa bibig mo nanggaling na dapat matuto akong tumulong?"
Hinilot niya ang sentido niya. "Hindi, hindi, hindi, hindi! Hindi ito ang ibig kong sabihin. Sinabi kong aralin mo at alamin! Hindi ko sinabing tumulong ka't gawin ang mga bagay na hindi mo naman dapat gawin." paliwanag niya.
"Aba't kasalanan ko bang iniwan ako noong bantay ko?"
Natigilan siya. "Fine, it's my fvcking fault then."
Natahimik kaming dalawa. Parang may dumaang anghel sa pagitan namin. Umiwas nalang ako nang tingin dahil parang natutunaw ang kung ano sa loob ko habang napapatitig ako sa mata niya.
"Ano pang masakit sa 'yo?" malumanay na tanong nito matapos bumuntong hininga. Sumilip ako sa kanya at pinagkrus ang braso ko.
"Katawan ko lang. Para akong nag-hardcore work-out na um-over." nakanguso kong sabi habang nakaiwas ng tingin. Muli kong narinig ang buntong hininga niya.
"Bilisan mong gumaling. Marami ka pang dapat malaman."
Mabilis akong napatingin sa kanya ngunit nakatalikod na ito at paalis na. "T-Teka!" pigil ko. Tumigil siya't sumilip lang. Hindi ito humarap man lang sa akin. "Nag-alala ka ba?" nahihiya kong usal.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
أدب الهواة[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...