[32] Paano?

408 27 2
                                    

Pang-tatlompu't dalawa

Paano?

Bumalik ako sa coffee shop kung saan ko nakita si Stanley. Kailangan ko siyang makausap. Marami akong gustong itanong at marami rin akong gustong malaman.

Just who is he?

Puno ng kaba ang dibdib ko habang inaantay na mag-break si Stanley, sinabihan ko siyang kailangan ko siyang makausap. Inaayos ko na sa isip ko ang lahat ng pwede kong sabihin at itanong. Hindi ako matatahimik kung hindi masasagot ang lahat ng ito.

Christmas is just around the corner. Kung sila ang pamilya ni Jaime, it would be a perfect gift for Christmas.

Sumipsip ako sa frappé at mabilis ko ring binalik iyon sa lamesa ng makita kong umupo si Stanley sa tapat ko. Ngumiti siya sa 'kin at tinitigan ako.

"Bakit?"

"I have some questions. Gusto kong sagutin mo 'yon sa about ng makakaya mo."

"Are you a detective? Sa pagkakaalala ko, wala naman akong kaso."

"I just need to know somethingg about you. I just want to make sure."

Tinitigan niya ako bago siya sumandal sa upuan niya. "Spill it."

Humugot ako ng hininga bago ako nagsimula sa tanong ko. "Did you came from a broken family? Well, I mean, is your parents divorced or what?"

Tinitigan niya akong mabuti. "Divorce?" kumunot ang noo niya. "They were about to do that, pero 'di rin natuloy dahil sa isang pangyayari."

Tumalbog ang puso ko. Could it be?

"D-Dahil ano?" tanong ko.

"Well, sorry to disappoint you but that's too private. I don't even know you. I don't even know how the hell you knew about these things."

Lumunok ako. Humigop ng konting frappé bago ako tumitig sa mata niya. "Sorry about that." kinagat ko ang ibaba kong labi bago ko nilapit ng konti ang mukha ko sa kanya. Malayo parin naman dahil nakasandal siya.

"May kapatid ka bang umalis? An older brother who left?"

Ilang beses niyang kinurap ang mata niya sa 'kin. "Just who the hell are you?!" inis niyang sabi sa 'kin. Lumunok ako.

"Just answer me!"

Tinitigan niya ako. Umiwas ito ng tingin sa 'kin. "Oo, meron."

"Can you tell his name? I just really need to make sure."

Titig na titig ako sa kanya. He was about to tell it but someone came to talk to him.

"I'm sorry to interrupt your conversation, Stan." tumingin siya sa 'kin at tumango ng konti. "Your sister called, you need to go home, there's an emergency."

Mabilis na tumayo si Stanley para umalis pero pinigilan ko siya. "Please give me your number." malakas ang pakiramdam ko na siya na 'yon. Na sila talaga ang pamilya ni Jaime.

He was hesitant at first, but eventually he still gave it and left me immediately.

Tinitigan ko ang numero niya. I'll give him three days then I'll bug him again. Kailangan kong malaman ang pangalan ng kuya niya.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon