[1] Trabahante

1K 43 3
                                    

Trust me, hindi ko alam ang ginagawa ko. Hahaha! Enjoy!

Una

Trabahante

"Papa, sigurado ka po bang dito ako titigil?" malungkot kong tanong kay Papa habang kumakain kami nang hapunan. Mamayang madaling araw at tutulak na ito pabalik ng Maynila, nag-aalala ako. Mama's not with him, tanging driver lamang ang kasama niya.

"Princess, this is a practice for you... paano kung mawala kami nang Mama mo? Sinong hahawak nito? There's no other child than you, ikaw lang ang tanging bubuhay nito at ang magiging asawa mo."

Hindi ako nasagot. Lumabi na lamang ako at kumain na. I can't help but think of that as well. My parents are healthy, alam kong hindi mangyayari iyon. But the way Papa said it, gave me chills all over. Natakot akong bigla sa sinabi niya.

Being alone is the least thing I want. Takot akong mag-isa.

Natulog ako noon nang maaga. Nag-alarm ako nang madaling araw just to see my father off. Mamimiss ko sila pero hindi ko pinahalata kay Papa. I know my father has so much reasons for assigning me here.

Hindi ko pwedeng talikuran ang nais niya, just for my own satisfaction. I should try living out a life like this. Anong malay namin, it's not always that we have the wealth we have now.

Pwedeng mawala iyon ng isang kurap sa mismong harap namin.

Kinaumagahan, maaga palang ay nasa bahay na si Joel, sumabay siya sa akin mag-umagahan. Sinabi nitong ililibot niya ako sa buong lugar kaya mas lalo lamang akong nagmadali.

It's not all the time the you see breathtaking scenery, nakakita na ako noon dito kahapon. City lights at night are great sceneries, I never expected breathtaking sceneries are found away from cities.

"Gusto mo bang magbota? Maputik doon dahil paniguradong nagdilig ang mga trabahante." nakasuot ako nang jumper na pants, nakasando akong puti sa loob, nakasuot ako nang sapatos.

His offer was nice. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Meron naman siguro si Papa'ng bagong bota para sa akin since I'll start managing and working here. Hinanap ko ang bota mula kay Manang Ester at sinuot iyon.

It's in black, just like all. Tumulak muna kami sa mga plantations ni Papa. Marami ang sa amin, never did I expect it to be this big. More than 3 hectares ang sakop namin dito. Ang greenhouse ni Joel ay nasa kakarampot na parte lamang ng lupa namin.

"Ganyan kayo kayaman. Maganda ring mahasa ka na habang maaga palang. Wala kang mga kapatid na pwede umako nito kaya sa'yo talaga ito at sa mapapangasawa mo." tumawa ako sa sinabi nito.

"Yup, I really need to take care of this. Baguhan pa ako so mangangapa talaga ako. Hindi ko pa naman gamay ang course ko e." sabi ko.

"Sigurado naman akong makakapag-asawa ka nang business-minded person. Maganda ang quality na iyon, he can help you out here. I bet your father would like you to marry someone related to business as well." nanahimik ako.

"Wala pa sa isip ko iyan. I'm just turning 21 this October, I don't feel the need to have a boyfriend. I still can't find the perfect guy, though." sabi ko.

"There's no perfect guy, Nadila. You should think of it, too. Paniguradong kung may hihingi nang kamay mo at matapang para harapin ang Papa mo'y ibibigay ka niya agad. It's not all the time that brave guys face the girl's parents asking for her hand. Isa iyon sa pinakagusto nang magulang, especially here, they still practice the old way of courtship and asking of the hand."

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon