[18] Nathan

538 32 9
                                    

THANK YOU!!! Back to Nadila's POV na tayo.

Pang-labing walo

Nathan

Nasa hapag kami ni Papa ng bukasan niya ang topic tungkol sa Manila. Gusto kong tapusin muna ang pagkain dahil ayokong agad na mawalang ng gana, pero mapilit si Papa.

"Tumawag ang Mama mo. Maaga raw siyang uuwi dahil may naging usapan sila ng mga kaibigan niya. Isasama ka raw niya dahil kasama ng mga kumare niya ang anak nilang babae."

"Ilang araw po ba ako sa Manila, Pa?" tanong ko. Panigurado naman hindi ako magtatagal mahirap nang hindi makita si Jaime, 'no. Maagaw pa ni Maricel 'yon.

"Uuwi ka na, 'nak."

Natigilan ako sa pagsubo. Hindi pa nga tuluyang nakakalapit sa labi ko ang kutsara dahil sa sobrang pagkabigla. Nanlalaki lang ang mata ko at parang umawang pa ang labi ko sa sobrang pagkabigla.

A-Ako? U-Uuwi? T-Teka? B-Bakit?!

"Pa, p-paano ang San Diena? Hindi ba't pag-aaralan ko pa 'tong lugar na 'tong mabuti para 'pag ako na ang namahala, wala ka anng problema. I-Isa pa, w-wala pang isang buwan. M-May isang linggo pang nantitira."

"Ayaw mo na bang umuwi, anak? Hindi ba't miss na miss mo na nga ang Manila? Bakit tila nagbaliktad ata ngayon?" Ani ni Papa. Napatitig ako sa kanya. A-Ayokong magsalita. Baka masabi kong si Jaime ang dahilan, mahirap na. Tumikhim si Papa. "Ano namang dahilan ang meron kaya mas gusto mo rito? Meron bang maganda rito? Hindi ba't ayaw mo nga rito ng iwan kita?"

"O-Opo, p-pero unti-unti kong naintindihan ang lugar na 'to pagtapos no'n. Nakita ko ang pinagkaiba ng dalawang lugar at masasabi kong mas maganda rito, Pa." bumuntong hininga ako. "Mas gusto ko rito."

Natigilan si Papa. Kumurap ito bago ngumiti ng mapakla. Umiling siya. "Hindi dito ang gusto naming buhay ng Mama mo para sa 'yo. Bakit ka pa naman pinalaki sa Manila kung nanaisin mo rito? We just made you stay here for you to know about the business. Hindi naman namin inasahang gugustuhin mo. Habang maaga pa'y doon ka na sa Manila. This place is just for purely business, hindi ko gustong dito ka mamalagi ng mas matagal pa."

Hindi ako makapagsalita.

"Tignan mo 'ko. Ang buhay nati'y nasa Manila. This place is just for business. Ni hindi ko nga kayo pinatigil ng Mama mo rito noog bata ka pa ng matagal. Dahil alam kong hindi maganda ang buhay rito gaya ng sa Manila. Iba ang takbo ng bukid, Nadila. Hindi laging puro maganda, hindi laging lahat ng itinanim ay maganda ang ani. Hindi tulad sa Manila. If you find a stable job, keep it. Habang tumatagal ay tataas pa ang sweldo mo. You want business, make business, lalago rin 'yan. Dito hindi. Once na dumating ang mga sakuna, mahirap na."

Hirap akong lumunok. Hindi ko naiintindihan ang gustong palabasin ni Papa. Pero isa lang ang nasa isip ko. Ayoko sa Manila. Ayokong magtagal do'n, gusto kong bumalik agad rito. Hindi ko pwedeng iwanan ng matagal si Jaime.

"Kaya umuwi ka na bukas, anak. I'm sure your mom wants to spend time alone with you. Alam kong may kasama kayong kumare niya pero it's a mom and daughter bonding. Just enjoy the place where you'll be going. 'Pag umuwi kayo'y sabihan n'yo ako. Pag-iisipan ko kung kelan ka babalik rito. Isang buwan lang naman ako rito, e."

Agad akong nabuhayan ng dugo ng dahil doon. Isang buwan! Isang buwan lang. That would be fast, right? Sana lang ay hayaan ako ni Papa na bumalik rito.

"But," usal nito na ikinatigil ng saya ko. "In my opinion, and even in your mom's opinion, mas magandang mamalagi ka nalang sa Manila. Don't you miss your friends? Your easy-going life there? Ang siyudad? Alam kong mas matututwa ang Mama mo kung pipiliin mong manatili doon, alam mo namang gustong-gusto ka niyang kasama, 'di ba?"

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon