[23] Mama

477 27 1
                                    

Syempre kung may Papa, may Mama. HAHA! Thank you for the 2k+ reads. Thank you for the support, too.

Pang-dalawampu't tatlo

Mama

Masaya naming tinitigan ni Jaime ang langit na madalim. Kakatapos lang namin maghapunan. Nandito kami sa dalampasigan at tinitignan ang langit na puno ng bituin at buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na gabi.

Nakayakap ako sa bewan ni Jaime habang ang ulo ko ay nakasandal sa balikat niya. Ang isang braso niya'y naka-akap sa balikat ko.

"Pa'no ka uuwi bukas?" tanong ko.

"Biyahe ulit. Ano oras ba tayo uuwi?" tanong niya.

"Hapon siguro nando'n na tayo sa bahay. After lunch siguro tayo aalis."

"Kaya pa 'yan. Gabi nga lang ako makakabalik ng San Diena." ngumiti siya sa 'kin bago sinuklay palayo sa mukha ko ang buhok kong hinahangin.

"Konting tiis nalang. Ramdam kong malapit na akong umuwi." nakangiting sabi ko. "Antayin mo 'ko do'n, ha. Bawal mambabae."

Tumawa siya nang dahil doon. "As if I can? Ikaw na nga lang lagi kong inaalala maliban sa trabaho at sarili ko. Tingin mo makakapag-isip at makakahanap pa ba ako ng oras para maghanap ng iba?"

Ngumuso ako bago umiwas ng tingin. "Siguraduhin mo lang. Ibabaon kita sa lupa 'pag nalaman kong may ibang babae ka bukod sa 'kin."

Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ikaw nga lang kulit." ngumiti siya bago niya ako niyakap sa may leeg. "Aantayin kita sa pagbabalik mo sa San Diena, sa pagbalik mo sa 'kin." humina ang boses niya ng sabihin niya ang huling parte.

"B-Bakit pagbalik ko sa 'yo? U-Umalis ba ako sa 'yo?"

Umiling siya. Hindi ko makita ang mukha niya. "Sa Manila, teritoryo ni Nathan 'yon. Wala akong magagawa dahil wala ako do'n. 'Di tulad sa San Diena, I can call that place my land. Ako ang nakilala mo doon at walang Nathan."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Dinampian ko ng halik ang leeg niya bago ko pinatong ang baba ko sa balikat niya. "Kahit nasa'n ako, laging mong tatandaan na ikaw lang ang iniisip ko. Ikaw lang ang inaalala ko, ikaw lang ang gusto kong makita't makasama. Teritoryo mo man ang San Diena at hindi ang Manila, basta ikaw ang naiisip ko, wala lang 'yan teritoryo, teritoryong 'yan." Dahil sa 'yo naman ako kahit hindi mo man alam.

Humiwalay siya sa yakap pagkalipas ng ilang sandali. Niyakag niya akong tumayo kaya sumama ako. Hinila niya ako sa may fountain sa loob ng resort. Tumayo kami doon at tinignan ko ang mga baryang nandoon sa tiles na sahig.

'Wag niya sabihing magbabato kami diyan? Binibigyan kang namin ng pera ang resort, hindi naman tumutupad ng kahilingan 'yan.

"O, barya." inabot niya sa 'kin ang limang pisong barya. Nginitian niya ako. "Make a wish, baby." malambing niyang sabi. Gusto kong tumanggi pero hindi ko alam kung paano. How can I say no when he's being like this?

Tinitigan ko siya. Talagang pumikit pa siya at parang binubuhos lahat ng asa niya sa baryang ihahagis. Dapat mo kasing i-shoot doon sa parang pasong may tubig sa gitna. Asa namang ma-i-sho-shoot namin ang sa amin.

Dumilat siya pagtapos ng ilang sandali. Nakangiti siya ng bumaling sa 'kin. "Tapos ka na?" tanong niya. Umiling ako at mabilis na tumitig sa barya. Anong wish ko?

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon