Who likes Andoy more than our Jaime? Haha, wala po akong protrayer kay Andoy.
Kay Jaime po ako ngayon. Hindi siya pwede sumingit rito, haha. Peace , everyone! I want to know your thought about this story. Thank you for the 300+ reads! ❤️ enjoy!Pang-pito
Hug
Hinatid ako ni Andoy sa gate ng bahay. Masaya siya kasama at kakwentuhan, masasabi kong sulit ang oras na inalang ko sa kanya. Hindi ako nairita o nainis, tila nawala kahit sandali sa isip ko si Pepper at Jaime.
Pero dahil nandito na ako sa loob ng bahay, muling bumalik ang dalawa sa isip ko. Agad nawala ang ngiti ko kanina bago pumasok ng magtama ang tingin namin ni James na nag-aantay sa main door ng bahay. Masama ang tingin nito sa akin na tila may ginawa akong mali.
Problema nito?
"Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Kung meron lang pool dito sa bahay, aba'y nilunod ko na 'tong lalaking 'to.
"I was worried for someone." usal nito. "Pero mukhang masaya naman siya sa iba habang ako, nag-aalala." puno ng riin ang boses nito habang nakatingin sa akin ng sinabi 'yon.
"Well, you shouldn't worry too much. Masaya naman pala sa iba 'yang someone mo."
Nagtiim bagang siya at mabilis na lumapit sa akin. Nahigit ko ang hininga nang lumapit ang mukha nito sa akin. Ang bibig nito'y malapit sa tenga ko. Ramdam ko ang hininga nito sa aking tenga.
What will you do, Jaime?
"Sorry for worrying about you too much. I even rushed the things I did this after just to see you again." pagak itong tumawa. "Hindi ko na pala sana ginawa." huminga siya nang malalim. "Masaya pala siya sa iba."
With that he left me, puzzled with his words. Hindi ko alam pero lahat ng sinabi niya, tumatak sa akin. Like he made me think that I did the worst thing in the world. Na para sobra akong makasalanan at walang patawad sa nagawa ko.
What did I even do? Kaibigan ko lang si Andoy!
Lumingon ako sa kanya at nakita kong palabas na ito ng gate. I wanted to stop him and ask. Pero dahil sa naiinis ako sa kanya, hinayaan ko siyang umalis. Anong magagawa ko kung gusto niyang umalis, 'di ba? Tss. Bahala siya. Wala sa ugali ko ang naghahabol, ano.
Mabilis akong pumasok sa bahay at nakita ko si Pepper na nanunuod ng tv. "Kamusta lakad mo?" tanong ko ng maupo ako sa tabi niya.
"Ayos naman." usal nito bago uminom ng tubig. "Ikaw, kamusta date n'yo nung lalaking pogi?"
Agad kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman? 'Wag mo sabihing-
"Oo." usal nito. Napatingin ako sa kanya. "Nakita kayo ni Jaime." umiling siya. "Nagmamadali pa naman 'yun umuwi, wala ka raw kasama rito paniguradong bored na bored ka na. Papauwi na kami ng makita namin kayo. Binuhat ka pa na parang bride noong lalaki. Nagdilim agad mukha ni Jaime, eh. Nagmadaling umuwi. Tapos 'yun, inantay ka na niya diyan sa labas."
Hindi ako makasagot. Ano namang pakialam ni Jaime, 'di ba? Tss. Akala mo naman single kung makaakto. Akala mo naman lungkot na lungkot siya kanina noong sinabi niya 'yun. Peste! May girlfriend 'yung tao.
"Hayaan mo siya. Buti nga 'yung nakita niya 'yon."
"Anong 'buti nga'? Aba. Hindi ko alam na ganyan ka kasama. Hindi mo ba nahahalata 'yung tao? Nagseselos 'yon." usal nito.
Umiling ako. "Selos? Tss. Bakit naman? Wala siyang karapatang makaramdam ng ganoon. Hindi naman kami at lalong hindi magiging kami."
Pagak itong tumawa. "Wow! Akala ko ba gusto mo 'yung tao. Hindi ka naman uuwi ng Manila kung hindi ka naapektuhan ng dahil doon sa tao. Tsaka kahit prinsesa ka kung ituring, kaya mo lumaban mag-isa. You don't even need someones help when someone is bullying you. You know how to handle a situation. Pero kay Jaime? You freaking escaped, darling! Umuwi ka sa bahay n'yo na parang talong-talo ka noong tao. You can handle him but you chose not to."
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...