[13] Kuya Jaime

519 42 4
                                    

Thank you so much, everyone! ❤️ 1K+ reads! ❤️❤️❤️ Dapat kahapon 'to eh. Hindi ko natapos.

Pang-labing tatlo

Kuya Jaime

"Aba'y kay ganda naman niyan." puri ni Manang sa bago kong telepono. "Saan mo nakuha, 'nak? Pinadala ng ama mo?"

Umiling ako at ngumiti kay Manang. Itinapat ko sa amin ang telepono. "Smile, Manang." nakangiti kong usal. Ngumiti rin ito kaya mabilis kong pinindot ang bilog. "Ang ganda ng kuha natin." komento ko sa litrato.

"Sinong nagbigay, 'nak? Hindi ba't nakabaon sa bigas ang telepono mo?"

Ngumiti ako. "Galing 'to kay Jaime, 'nang. Siya kasi may kasalanan kung bakit nasira telepono ko." ipinakita ko sa kanya ang telepono. "'Di man pareho sa telepono ko, maganda naman ang nakuha niya. Hindi ko malaman bakit parang sumabog siya na parang bulkan kanina. Hindi ko malaman kung sa'n niya hinuhugot mga sinasabi niya."

"Ano ba kasing problema n'yo't nagkaganyan kayo?" tanong ni Manang.

"Bati na kami, promise, 'nang. Okay na ako sa kanya. Pupuntahan ko nalang siya mamaya para maka-usap."

"Naku, salamat naman. Hindi 'yon mapalagay kahapon." nakangiting usal sa 'kin ni Manang. "Kinuwento niya lang sa 'kin kung anong nangyari. Maaga 'yon kahapon, eh. Inaantay kang magising. No'ng nagising naman gano'n ang pakitungo mo. Malamang masakit para sa kanya 'yon."

Kumurap nalang ako bilang tugon. Aayusin ko na talaga mamaya. Mag-so-sorry na ako at makikipag-usap na ako sa kanya. Sana lang, umayon sa plano ko ang lahat. Sana naman hindi siya ngayon ang umiwas sa 'kin.

Inayos ko ang sarili ko para sa kanya. Hindi na ako nag-make up. Nag-ipit lang ako at naghanap ng maayos na susuotin. Nag-rubber shoes ako kahit ayaw ko. I want to look simple. Hindi muna ako mag-iinarte ngayon.

Tinitigan ko ang sarili ko sa teleponong bigay ni Jaime. Mabilis kong kinuhanan ang sarili ko. "Ang ganda ko parin kahit anong ayos ko, hihi."

Mabilis akong umalis para puntahan si Jaime. Una kong tinignan ang bahay niya. Pero wala siya roon. Mabilis akong pumunta sa bukid. Sinilip ko roon kung nandoon siya, pero gaya ng kanina, wala. Dumaan na ako sa barn para makasigurado, pero wala talaga.

Bumalik ako sa bahay niya. Bukas naman iyon maging ang bahay niya. Hindi ata nila ugaling magsara ng bahay kahit wala sila. Tiwalang-tiwala na talaga sila sa lugar na 'to.

I invited myself in. Eh, sa hindi ko siya mahanap sa kahit saan. Dito nalang ako mag-aantay hanggang sa dumating siya. Hindi ko naman papakialaman ang gamit niya. I won't even try to steal, I'm not a freaking thief. I won't even dare to eat his food here, like I freaking own the house. I won't make myself comfortable here for the peace of his mind.

Sa tagal kong nag-antay, nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad sa sala. Tinitignan ang nga litrato na naka-kwadro. Alam kong nakita ko na ang mga iyon ng unang beses na pumunta ako rito. Pero habang tinitignan ang mga iyon ay may pagkamangha parin akong nararamdaman.

Habang nakatitig ako sa litrato ng pamilya ni Jaime, ang tanging naiisip ko lang ay ang pagmamahal niya sa pamilya niya. Halata ang pangungulila niya rito pero ewan ko kung bakit hindi nalang siya bumalik sa bansa niya para hindi maghirap.

Kinuha ko ang teleponong mula kay Jaime at kinuhanan ang mga litrato ni Jaime noong bata pa siya't nagbibinata pa lamang. Ang cute cute niya.

Tumigil ako sa tapat ng litrato ni Jaime at ng babae. Binuhat ko iyon at mabilis na tinitigang maigi. Hindi ko maalis sa puso ko ang kung anong nararamdaman ko. Gusto kong mawala ito rito. Pero anong karapatan kong gawin 'yon? Wala.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon