[12] Cellphone

566 37 1
                                    

Pang-labing dalawa

Cellphone

Iniyakan ko 'yung telepono kong may putik na. Nandidiri ako habang nakatitig ako rito na nakapatong sa lamesa. Nasa tabi nito ang tabong may malinis na tubig. Nandito na ako sa bahay, si Jaime ang naglagay nito sa kahoy na lamesa rito sa labas, sa may hardin.

Hindi ko maipaliwanag ang inis ko sa kanya. Inis na inis talaga ko. Pa'no 'yan? Wala akong telepono? Paano ako ngayon? Ito na nga lang ang libangan ko minsan mawawala pa? Haist!

Binuhusan ko ng tubig ang telepono ko. Nakasuot ako ng rubber gloves. Mabilis kong kinuha an hand soap at sinabon ang screen. Kailangang mawala ang amoy ng dumi dito ano. Hindi ko gagamitin ang bagay na 'to habang ganoon ang amoy!

Mabilis kong hinugasan ang telepono. Nang matiyak kong malinis na'y kumuha ako ng paper towel at mabilis na pinunasan iyon. Tinanggal ko ang sim card at memory card. Hindi ko na pinilit na subukang buhayin. Mabilis akong kumuha ng tupperware at nilagyan iyon ng bigas. Binaon ko ang telepono do'n at hinayaan. Bubukasan ko 'yan paglipas ng isa o dalawang araw para siguradong-sigurado.

'Pag talaga hindi gumana ang telepono ko, kakalbuhin ko si Jaime sa sobrang inis ko! Wala pa naman akong extra na telepono. Pinapairal niya kasi 'yang selos selos na 'yan, eh. Pero bakit kailangang telepono ko pa? Bakit ang libangan ko pa? Nandito ang buhay ko sa telepono ko. Kasama ko na 'yon bago ko pa siya makilala. Bago pa man ako pumunta ng San Diena pero gano'n ang ginawa niya sa telepono ko?

Hindi katanggap-tanggap!

Hindi ko kikibuin ang lalaking 'yon. Bahala siya sa buhay niya. Kahit pa suyuin niya ako ng bonggang-bongga. O kahit ba ilang sorry ang sabihin niya'y hindi ko tatanggapin. Bahala siya, tss.

Akala niya siya lang ang masama? Ako rin.

Tinitigan ko ang sim card ko at memory card na kahit papaano'y ligtas. Nasa mabuting kalagayana ng mga iyon na ikinatuwa ko. Lahat ng kanta ko'y nasa memory card, maging ang mga litrato na importante sa akin. Most of my memories are there. I can't afford to lose them.

Bumuntong hininga ako bago umakyat at tinago iyon sa drawer ko. Mabilis akong nagpalit ng damit, naghilamos at nahiga sa kama. Mahigpit kong niyakap ang unan ko bago ako mariing pumikit.

Hindi kita papansinin. Tss. Bahala ka!

Nakatulog ako't nagising ng hapon. Hindi pa ako nanananghalian. Ramdam na ramdam ko ang gutom dahil biglang kumalam ang sikmura ko. Mabilis akong bumaba. Ni hindi ko binisita ang banyo para tignan ang itsura ko.

Dinaanan ko ng daliri ang aking buhok para kahit papaano'y hindi ito kalat, para lang mapanatiling maayos kahit laglag. Barefaced akong lumakad pababa ng hagdan. Kinapa ko lang ang gilid ng labi ko at ang sulok ng mata ko para mapanatiling maayos ang itsura ko.

'Pag dating ko sa baba, may pagkain sa lamesa. May plato rin. Ako nalang ang hindi nakain sa amin. Nagsimula na akong kumain para makabalik na rin sa kwarto ko. Gusto ko lang mag-drawing. Mag-di-disenyo nalang ako ng damit para may magawa.

Hindi ako makakapagpatugtog ng kanya dahil wala rin. 'Wag na nating pag-usapan.

"Aba'y gising ka na pala." masayang bati ni Manang. "Hindi na kita inabalang gumising dahil alam ko at sigurado akong pagod ka. Okay ka na, 'nak?"

Ngumiti ako. "Opo, manang. Masarap ang tulog ko. Parang nabawi ko ang lakas ko na naubos kanina." uminom ako ng tubig. "Sa'n po kayo galing?" tanong ko.

"Diyan sa labas. Nakakuha ako ng prutas." itinaas nito ang basket niya. "May mansanas, saging at mangga. Meron ring mais dito. May gusto ka bang kainin?" tanong nito.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon