[9] Touch

641 38 3
                                    

Thank you for the 500+ reads!

Pang-siyam

Touch

Nanlalaki ang matang nakatitig ako sa kanya. Se-Selos? N-Nagseselos siya kay Andoy? I-Imposible. Ni hindi niya nga ako gusto, eh.

Walang nagsalita sa amin. Nagtitigan lang kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ano nga ba? Ahm... Ano ba?

Nawala ang tingin ko sa kanya nang tumunog ang telepono nito. Ramdam ko ang titig niya, tila babaliwalain niya nalang sana ang tawag. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Sagutin mo na."

Mabagal ang galaw niya. Tila nagdadalawang isip pa siya. Kung susundin ba ako o ang gusto niya. Ewan ko kung anong dahilan pero ginapang ako ng kaba ng makita ko kung sinong tumatawag. A-Alam ba nilang nandito ako kay Jaime?

Incoming Call...
Sir Juancho

Tumitig ako kay Jaime ng maramdaman ko ang titig niya. Baka puno na ng takot ang mukha ko ngayon. A-Anong dahilan ng pagtawag nito? At kay Jaime pa?

"Good evening, sir." bati ni Jaime. Tumingin muli siya sa akin bago siya nag-iwas at mabilis na lumabas ng bahay. Sinapo ko ang dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang puso ko. Para akong kakainin ng kabang nararamdaman ko.

Nilaro ko ang daliri ko habang naglilikot ang mata ko. Kahit naman ganito ako may takot parin ako, ano. Kahit naman prinsesa ang turing sa 'kin, takot parin ako ng sobra-sobra sa magulang ko.

Parang may kung anong gumaan sa akin ng pumasok si Jaime sa kayang bahay. Pilit ang ngiting ibinigay nito sa akin bago naglahad ng kamay. "Iuuwi na kita." usal niya. Tinitigan ko siya.

Gusto kong magtanong tungkol sa pinag-usapan nila ni Papa, pero alam kong wala akong karapatan. Hindi ako dapat makialam. Hindi naman rin ako parte ng buhay niya na dapat pagsabihan.

Mahina akong bumuntong hininga bago ko tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Nagpatianod nalang ako sa kanya. Nasa labas na kami ng bigla niyang pinagsalikop ang kamay namin. Tumigin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.

"Kaya mo bang mag-antay?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.

"Saan?"

"Basta. I just want to know if you can wait? Nagsisimula pa lang ang lahat, everything might look fast, but believe me, it's true." nagpakawala ito ng hininga. "I can't tell it directly now, but soon, I promise. I will. Marami lang talagang bagay ang hadlang ngayon kaya please, tell me if you can wait and hold onto me?"

Hindi ko naiintindihan. Nakita ko nalang ang sarili kong sumang-ayon sa kanya. Hindi ko naman kasi alam talaga ng sinasabi niya, kung hihindi naman ako'y baka malungkot ito. Napakagwapo nitong tignan habang nakangiti. I want him to smile at me like that always.

Hinatid niya ako sa bahay pero hanggang gate lang siya. Inantay niya muna kong makapasok bago siya umalis. Nagmadali akong umakyat sa balkonahe para makita ito.

Nakangiti ako habang nakikita ko siyang maglakad. Bumuntong hininga ako. Ni minsan hindi ko ginawa ang bagay na ganito sa Manila. Sa probinsyang 'to pa pala ako magiging ganoon.

Kinabukasan, nasa sala si Pepper ng makita ko ito. Bukas ay aalis na ito pabalik ng Manila. Ewan ko pero nalulungkot ako. Kahit naman singkit ito sa amin ni Jaime, kaibigan ko parin ito. Malalayo nanaman kami sa isa't isa.

Lalapit na sana ako sa kanya pero mukhang may kausap 'to. Nakangiti pa siya habang parang kilig na kilig. Akala mo kinikiliti kung maka-irit, eh.

"Paolo, naman. Ano ka! Shhh. Uuwi na ako bukas... Magkita naalng tayo sa condo... Ngayon na? Baliw ka. Walang internet dito!" tumawa ito. "Basta bukas nalang, ha. Bye bye, love you."

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon