[14] Papa

602 38 2
                                    

Thank you everyone! ❤️❤️❤️

Pang-labing apat

Papa

"Sigurado ka bang okay ka na talaga? Baka mamaya pagbaba ko iiyak ka nanaman."

He chuckled. His hands reached for my hair. "Stop worrying, hindi ako iyakin para umiyak habang wala ka." he smiled at me afterwards. "Now go and rest. Paniguradong pagod ka rin. I'll fetch you tomorrow, we'll clean the barn and I'll teach you how to plant."

Tumitig muna ako sa kanya nang matagal bago ako tumango. "Okay. Ingat ka."

"Yeah, you, too. Dapat maayos ka 'pag nakita kita bukas."

"Parang may mangyayari sa 'kin dito sa bahay. Ligtas ako rito." natatawang usal ko.

"You don't know what will happen. Just be careful everytime, okay?" nakangiting tanong niya. Tumitig ulit ako sa kanya. Ngumiti ako bago tumango.

"Ikaw rin." usal ko.

"I'll be careful." sabi niya. Pinindot nito ang unlock ng lock ng kotse bago tumingin sa akin. "Have a good night sleep, Nadila."

"Have a good night, too, Kuya Jaime." biro ko.

"Nadila." usla niya. Agad kong tinaas ang dalawang kamay ko bilang pagsuko.

"Hindi na po, hindi na po." magalang kong sabi. Ngumiti ulit ako sa kanya bago ako kumaway. Binuksan ko ang pinto at tumingin muli sa kanya, ngumiti siya't kumaway pabalik sa akin. Naglakad ako palapit sa gate at tumingin sa kanya, bumaba ang bintana ng sasakyan nito kaya nakita ko ulit ang kagwapuhan niya.

"Go inside." utos nito. Umiling ako.

"I'll see you off." kahit malapit lang naman ang bahay nito sa bahay ko. Gusto ko lang siyang makitang umalis habang nakatanaw ako. Gusto kong maramdaman ang gano'ng pakiramdam ngayon.

"Pumasok ka agad pagkaalis ko." mabilis akong tumango sa kanya. Kumaway ito at sinarado ang bintana bago nagsimulang umandar ang sasakyan nito. Tinitigan ko ang kotse niya na medyo malayo na ngayon. Pagkaraa'y lumiko't nawala na sa aking paningin.

Bumuntong hininga ako bago pumihit paharap sa gate at mabilis na pumasok. Binati ko si Manang na nag-antay sa akin. Sabay kaming kumain at 'pag katapos ay pumunta ako ng kwarto para maligo't magpahinga.

It's not a tiring day. Pero pakiramdam ko naubos ang lakas ko. Dahil ata 'yon sa mga luha ni Jaime na nakita ko. My heart won't stop aching after seeing him like that. Even just upon hearing his cries made my heart ache.

Naalala ko ang mukha nito ng may pumatak na luha sa mata niya. Ramdam ko an pangungulila't sakit na nararamdaman niya. Hindi man lang ba siya hinanap ng magulang niya? Hindi man lang gumawa ng effort ang mga ito na hanapin man lang kahit iyong lugar lang kung nasaan ang anak nila?

Mahina akong bumuntong hininga bago tumitig sa bintana ng kwarto ko. Madilim sa labas, tanging ilaw lang sa poste ang nagbibigay ng liwanag sa parteng labas.

Anong pwede kong gawin para malaman ang lugar ng magulang niya? I don't even know their names to begin with. Kahit nga apelido ni Jaime ay hindi ko alam. 'Yon ang nakalimutan namin sa "getting to know each other" kuno na pinag-usapan namin.

"I just need to know his surname and even his parent's name. Then done. Makikita ko na panigurado 'yon."

Masyadong malapit ang mundo ng social media sa mga tao ngayon. Paniguradong meron at merong account ang magulang nito sa social media. Paniguradong kahit isa sa kapatid nito'y meron. Imposibleng wala.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon