Thank you. 1K followers! <3 VERY VERY SHORT UPDATE! Haha. I love you everyone!
Pang-dalawampu't lima
Pangako
Maayos na maayos ang gamit na naihanda ko sa pagbalik ko nang San Diena. Handa na ang mga dalahin kong gamit. Pasalubong kay Manang Ester, regalo kay Jaime, at ilang groceries.
Madaling araw pa lamang ay nagpahatid na ako sa driver ni Papa. Alam niya na naman iyon. Paniguradong nasabihan niya narin ang driver niya. Hindi ako nakatulog sa biyahe sa sobrang excitement ko. Paniguradong magugulat si Jaime, sinikreto ko kasi ito. Hindi na surpresa ito kung sasabihin ko sa kanya.
"Kuya, tulungan n'yo po ako sa pagpasok nito." nakangiti kong sabi ng buksan niya ang trunk ng kotse. Tumango ito at mabilis naming pinasok sa loob ng bahay. Kitang-kita ko si Manang Ester na gulat na nakatitig sa amin.
"Manang!" masigla kong bati. "Na-miss ko kayo!" Niyakap ko nang mahigpit si Manang. Tinapik niya ang balikat ko kaya lumayo ako at ngumiti sa kanya.
"Akala ko'y sa susunod ka pa dadating dito. Hindi ko alam na mapapaaga ka pala."
"Si Papa po kasi, pinayagan niya na akong makapunta agad rito." Nilapag ko sa mesa ang dala kong plastik. "Ayos lang po ba kayo rito?"
"Naku, kung pwedeng 'wag na akong umalis rito ay mas gugustuhin ko. Napamahal na ako sa lugar na 'to, 'di tulad sa Maynila, maraming ginagawa. Dito 'di gaano at tahimik rin."
Tumango ako at dumiretso sa kusina. "Manang, pwede n'yo po akong samahang mag-bake? Cookies lang naman po. Ibibigay ko po kay Jaime."
Ngumiti si Manang at nagsimula kaming mag-bake. 'Di naman gano'n ka tagal. Natapos rin kami matapos ng dalawang oras. Ilang beses kasi akong nagkamali, merong ibang na sunog at ibang kulang sa luto.
Tinanggal ko ang apron sa katawan ko at nagpunas ng kamay. Kumuha ako ng tupperware sa plastik na dala ko. Naglagay ako doon at mabilis na tinakpan. Hinanda ko iyon sa lamesa at mabilis na umakyat para maligo ng mabilis. Pawis ako at ayokong maamoy ni Jaime 'yon.
Nagbihis ako ng pants na fit at polo na checkered, nagsuot ako ng ankle boots at nagpabango. Naglagay ako ng light make-up at inipitan ko ang buhok ko ng french braid. I went down immediately after.
Hawak ko ang tupperware sa kamay ko nang tinahak ko ang daan papunta sa bahay ni Jaime. Excited ako. Paniguradong magugulat si Jaime pagkakita niya sa 'kin. Wala naman kasi akong sinabi na uuwi na ako ngayon.
Natanaw ko na ang bahay niya at maging siya. Palabas ng bahay niya habang nakasuot ng sumbrero at nakasuot na ng damit pang-trabaho.
"Jaime!" masaya kong sigaw. Agad siyang napalingon sa 'kin at nanlaki ang mata niya. Napaawang pa ang bibig niya. I was right! Masu-surprise nga siya!
"No way." mahina nitong usal ng makalapit ako sa kanya.
"Jaime!" masaya kong sabi bago ako ngumiti ng pagkatamis-tamis. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. "I'm back. mahina kong bulong sa tenga niya.
Sinilip ko ang mukha niya at natuwa ako ng ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit pabalik. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko't balikat. Napangiti lang ako sa ginawa niya.
Lumayo siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "You're really here." mahina niyang sabi. Tumango ako at ngumiti. "Shit, you're here to stay, right? Please tell me you're here to stay, baby."
"Yes." mahina kong sabi. "I'm staying." bulong ko. Kinagat niya ang ibaba niyang labi bago ngumiti sa 'kin.
"Thank you." hinalikan niya ang noo ko bago ang magkabilang pisngi ko. Pinisil niya ang dalawang pisngi ko at nangigil sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...