[36] Home

601 26 3
                                    

Ready na ba kayo sa pagtatapos?

Pang-tatlomput anim

Home


THIRD PERSON

GUMISING si Nadila na may ngiti sa labi. Kahit ata naantala ang tulog niya kagabi ng dahil kay Jaime ay wala lang. Masaya siyang lumabas mula sa kwartong tinulugan niya at natigil sa paglalakad at nanlalaki ang mata ng makita ang kasintahan na nasa kusina at nagluluto.

"Jaime?" tawag niya rito. Lumingon si Jaime at ngumiti sa kanya.

"Morning!" masiglang bati nito. Pinihit nito ang kalan bago pinunasan ang kamay sa basahan. Hinubad nito ang apron at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit bago hinalikan ang sentido niya.

"Ang aga mo rito." usal niya habang nakatingin sa gwapong mukha ni Jaime. "Kanina ka pa?"

"Medyo." ngumiti ito sa kanya. "Umalis si Pepper. I-lock nalang daw 'yung pinto 'pag umalis tayo."

"Ba't nandito ka?" tanong ni Nadila. "You should be with your family."

Pinisil ni Jaime ang pisngi ni Nadila bago siya lumayo. "Ayaw mo 'ko rito?"

"Hindi naman sa gano'n." nakangusong usal ni Nadila. "Pero konti lang naman ang oras na kasama mo sila, don't you want to spend the remaining time with them? Magkakasama naman tayo pagbalik ng San Diena."

"Uuwi na tayo."

Nanlaki ang mata ni Nadila at tumitig kay Jaime na ngayon at nakatingin sa kanya na parang wala lang ang sinabi.

"A-Ano?"

"Uuwi na tayo mamaya." usal ni Jaime. Ilang beses kumurap si Nadila at mabilis siyang umiling kay Jaime.

"Kung ginagawa mo 'to dahil iniisip mo 'ko, don't do this." umiling si Nadila. "We could stay here for more days, ayaw mo bang makasama ang pamilya mo-"

"Do you want me to leave?" putol ni Jaime sa kanya. Agad siyang natigilan.

"No." kagat ang labing sabi ni Nadila bago siya muling yumakap kay Jaime. "Gawin mo na lahat, 'wag lang 'yan."

Hinaplos ni Jaime ang buhok ni Nadila bago niya hinalikan ito sa noo. Napangiti si Jaime.

"Kain na tayo." yaya ni Jaime.

UMILING si Esmeralda ng makitang wala sa hapag ang anak na si Jaime. Nakita niya itong umalis kagabi, pagbalik ay natulog na agad. Ngayong bumangon siya wala ulit ang anak.

"Stanley, nasa'n ang kuya mo?" tanong niya sa anak na nagsisimula nang kumain.

"I don't know." simpleng sagot nito.

"Jaimie, where's your brother?" tanong niya sa bunsong anak.

"He went out to his girlfriend. He'll be back here later."

Agad na umiling si Esmeralda. Ngayon na nga lang nakasama ulit ang anak, nahahati pa ang atensyon nito.

"Stop worrying about Jaime too much, Esmelralda. Our son is not a teenage that needs to be looked after. He's old enough to even live alone for years. Hindi mo ba naisip 'yon? He knows what to do, and he does the right thing. Hayaan mo siyang sumama sa girlfriend niya, who knows if she'll be the one?" usal ng asawa niya.

"Our son spent 5 years without us, ano sa palagay mo ang ma-iisip ko? That he can really live alone just like that? No, anak ko parin si Jaime, and no matter how old is he, I'll forever look after him, anak ko siya."

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon