Thank you for the 700+ reads! ❤️
Pang-sampu
Harana
Natulog ako ng maaga ng gabing iyon. Hindi nawala sa isip ko si Jaime ng gabing 'yon. Naiisip ko ang matang ipinakita nito sa akin. Ang nangungusap nitong mata.
Gusto ko lang mag-isip isip. Gusto ko ring malinawan, pero hindi ko alam kung kelan? Handa bang ipaalam ni Jaime ang lahat? Handa ba siyang ibahagi ang nakaraan sa akin na hindi naman niya ganoon ka kilala?
Baka hindi pa. Hindi pa siguro ngayon.
Kinabukasan, ginising ako ni Manang. Kahit naman maaga akong nagising nagpanggap akong tulog para lang hindi bumangon at lumabas ng kwarto.
Paano kung nasa labas si Jaime? Paano kung nandoon siya at nag-aantay? 'Wag naman sana.
Mahina akong bumuntong hininga bago tumitig sa repleksyon ko sa harap ng salamin. Hindi ako nag-make up ngayon. Naka-pambahay lang rin ako. Bumaba ako na si Nadila na simple lang. Si Nadila na hindi man lang nag-abalang mag-ayos. Walang make-up, laglag lang ang buhok, simpleng damit.
Tanghalian na ng bumaba ako. Parang tamad na tamad ako. Ayokong umalis sa kama. Parang mas gusto ko naaln mahiga dahil pakiramdam ko, masama ang pakiramdam ko ngayon. Ayokong sabihin kay Manang, mamaya sabihin pa kela Papa mag-alala pa 'yun.
Kumain ako para lang hindi mag-alala si Manang. Nagtaka rin ito kung bakit naka-pambahay lang raw ako. Bakit daw hindi ako nag-ayos ngayon.
I get it! I look so plain. Okay na 'yon. Wala munang arte arte ngayon dahil nag-se-senti ako.
Mabilis akong pumunta sa sala at kinuha ang telepono ko. Mabilis akong humanap ng mababagal na kanta at mabilis iyong pinatugtog. Naka-sandal lang ako sa sofa at nakapikit ang mata ninanamnam ang kantang tagos 'di lang sa puso kundi pati narin sa buto.
"'Di lang ikaw. 'Di lang ikaw ang nahihirapan."
"Aish! Bakit ba ganito?" usal ko sa sarili konang maramdaman ko ang kilabot sa aking sistema. Mabilis akong naghanap ng tipong mga rock na kanta. Mabilis kong kinonekta ang telepono ko sa bagong speaker na binili ni Papa. Mabilis kong pinindot ang kanta at sinuguradong malakas iyon at kayang tanggalin ang nararamdaman kong lungkot.
"Party rock is the house tonight! Everybody just have a good time."
Mabilis akong napa-headbang sa kanta. Natutuwa ako't umaabot sa sistema ko ang beat ng kanta. Agad akong napangiti at mabilis na nag-crazy dance ng matapos ang intro. Mabilis akong natawa sa kabaliwan ko. May sapak na ata ako.
Mabilis kong pinalitan ang kanta. 'Yung tipong mabagal na makakapag-sayaw ako na parang nagba-ballet. Paniguradong 'pag nakita ako ni Manang rito ay tatawanan niya ako.
Nababaliw na ako!
Bigay todo pa ako sa pag-ikot ikot at tiptoe tiptoe. Tanging tawa lang ang ginagawa ko tuwing naiisip ko ang kabaliwan ko. Mababaliw rin siguro ang Papa ko 'pag nalaman niyang ang nag-iisang anak niya'y baliw, may sapak sa ulo.
Nakapikit akong umikot at mabilis kong inangat ang dalawangg kamay ko sa ibabaw ng ulo ko. Mabilis akong nag-tiptoe at mabilis ring napahiyaw ng tumama ako sa isang bagay. Matutumba na sana ako pero may sumambot sa akin.
Ramdam ko ang bisig nito na nakapulupot sa bewang ko. Para akong nag-yo-yoga dahil naka-bend ako patalikod at hila ng nakasambot sa akin ang bewang ko palapit sa kanya. Nakabaliktad ang tv namin sa paningin ko. Mabilis kong inangat ang sarili ko at nanlaki ang mata ko nang magtama ang aming tingin.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...