[20] Sorry

530 38 89
                                    

Thank you, everyone. Ang cute n'yo lahat! <3 <3 <3 Ready na ba kayong sa nalalapit na pagtatapos nito?

Pang-dalawampu

Sorry

"Surprise, baby. Hoped you like it." usal niya gamit ang malambing na boses. Tinitigan ko siya sa mata ng may ngiti sa labi kahit mahirap. Nakangiti rin ito sa 'kin at halatang-halata doon ang galak.

"I don't like it." hinaplos ko ang pisngi niya. "I love the fact that you're here." mabilis akong tumingkayad at hinalikan ang pisngi niya. Lumayo ako para tignan ang mukha nito at bahagya akong natawa sa reaksyon niya.

It's just a kiss, Jaime. Grabe ka maka-react!

"Hoy." natatawang tanong ko. "Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko. Ilang beses siyang kumaral bago tumango at lumayo sa 'kin. Tumingala ito habang nasa batok niya ang kanang kamay. Naka kagat siya sa ibabang labi niya habang nakatingin siyang sa langit.

"Jaime?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang inaakto niya. M-May masakit ba sa kanya?

"Didn't you know?" tanong niya pagkuwan. Nakaharap na ito sa 'kin at tila pinipigilan ang ngiting kumawala sa labi niya. Mariin niyang kagat ang ibabang labi niya habang nasa batok pa rin ang isang kamay. "That move you just made..." bumuntong hininga siya.

"It made my heart flutter." ngumiti siya. "Fvck it. I can't keep my feelings." umiwas siya ng tingin. "Kinikilig ako, fvck."

Nang mapagtanto ko ang sinabi niya'y natawa ako. As in sobrang tawang-tawa. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng gano'n ka-OA. Ramdam ko pa ang luha sa sulok ng mata ko.

Tinitigan ko siyang nakatitig sa 'kin. "I felt that, too. When you kissed me on my cheek." usal ko bago ako umayos ng tayo. "Pero nilito mo 'ko nung tinawag mo 'kong "baby". Akala ko tinuturong mo 'kong nakababatang kapatid. 'Yun naman pala, endearment." paliwanag ko.

"Seriously?"

Tumango ako. "Yep. Nathan used to call me sweetheart. My boy cousins call me baby. Kaya akala ko talaga, nababatang kapatid tingin mo sa 'kin."

Tinitigan niya ako. "Ano namang ginawa ni Nathan rito?" tanong niya sa 'kin gamit ang seryosong boses. "Nagkausap na ba kayo at nagkaayos?"

"Hindi, 'no. Ayoko ng magpakatanga sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Ilang beses kong pinaliwanag sa Mama ko at sa kanya na wala na talaga." bumuntong hininga ako. "Kung napaaga siya nang pakikipag-ayos, I would have accepted him. Pero hindi, e. Nag-antay pa siya nang ilang taon. Too late for me."

Umiling siya sa 'kin at mabilis na humarap sa tapat na bahay. Inangat niya ng tingin sa langit kaya ginaya ko rin siya at ngayo'y magkatabi na kami.

"Tama lang na nalate siya, Nadila." panimula niya. "You were to meet someone better than him. Isang taong hindi ka gagaguhin katulad niya. Isang taong mas mamahalin ka kesa sa pagmamahal niya. Someone who's willing to fight no matter how hard the battle is," bumuntong hininga siya. "Kahit sumuko ka."

Napalingon ako ng dahil doon. Tinitigan ko ang lungkot sa mata niya nang sabihin niya iyon. Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang dahil doon. Ramdam ko ang kung anong humaplos sa puso ko nang makita ko iyon.

"Nathan isn't worth the fight, Nadila." humarap siya sa 'kin. "Kalimutan mo na siya." malungkot nitong sabi. "Kahit ba ayaw sa 'kin ng magulang mo at mas gusto nila si Nathan, I don't care. Basta ba gusto mo 'ko at kasama kita, I'm willing to fight."

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Pero kung ikaw na mismo ang umayaw sa 'kin, agad akong susuko. Kasi kung gusto mo 'ko, kahit pa sumuko ka na sa 'ting dalawa dahil sa dami ng humahadlang. Handa akong lumaban ng lumaban basta sa 'kin ka lang, basta dito ka lang sa tabi ko, basta gusto mo sa buhay ko."

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon