Pang-dalawampu't anim
Life
Dinala ako ni Jaime sa bayan ng San Diena. Totoo ngang abala ang lahat sa pag-aayos ng kanilang lugar. Dito sa bayan, parang may square na malaki naman at kayang makagawa ng maliit na stage at meron parin sapat na lugar para sa mga taong pupunta.
Kita ko ang mga lalaking nagkakabit ng banderitas sa mga poste. May tarpaulin narin sa parke, nandoon kung kelan mangyayari ang pista, maging ang mga aktibidad na inihanda nila.
May ibang naglilinis ng mga tabi tabi. May ibang nag-aayos sa dekurasyon ng mismong parke at square. May nag-aayos rin ng ilaw sa poste.
Isang linggo nalang kasi at gaganapin na ito. Hindi ko maiwasang matuwa, excited narin ako. Ano bang pakiramdam ng makisama sa pistang 'to. Paniguradong puno 'to ng saya. Marami rin paniguradong tao.
"Sa'n tayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa parke. Ngumiti siya at tinitigan ako sa mukha. Nilagay niya ang ilang takas na buhok sa likod ng tenga ko.
"May contest sa mismong pista, gusto mo sumali?" tanong niya. Tinitigan ko siya. A-Ako, sasali? Sa ano naman? "But I don't want you to join in any contest or any kind of thing that will expose you to too much guys. Hindi ka pwede ma-expose, ayoko ng maraming kaagaw."
Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko nalang ito. Nakakainis. 'Wag siyang ganito. "Ano bang contest?"
"Singing, talent portion, muse and escort, those kind of things."
"E 'di, sumali tayo. Muse and escort." nakangiti kong sabi. "Pwede tayo doon."
Umiling siya. "I don't want to waste time, you'll get expose, too. 'Wag nalang. Hayaan mo nang maging audience nalang tayo at pwede ring maging hurado." He cupped my left cheek. "It's better to waste my time on you than on other things."
Ngumuso ako sa kanya. Kainis parin. Pinisil ko ang kamay niyang hawak ko at ngumiti sa kanya. Mahal kita, Jaime. Mahal na mahal.
"Wala ka bang trabaho ngayon? Puro tayo gala, e."
Ngumiti siya at mabilis na tumalikod sa 'kin at hinila ako para maglakad ulit. "Meron, pero dahil dumating ka't nandito ka ngayon. Nag-absent nalang ako."
Pinigilan ko siya sa paglalakad. "Sana sinabi mo. Wala namang problema kung pupunta tayo sa bukid, e. I'll watch you work, hindi ako ma-bo-bored. Tsaka nakaka-miss rin naman ang bukid dito."
Tinitigan niya ako. Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit. "You know what, there's times when I regret being a farmer. Nanghihinayang akong hanggang dito lang ako rito."
"But you're not just that, you're something more, Jaime."
"Alam ko." bulong niya. "Pero alam mo 'yon, hinihiling ko na sana naging maganda nalang ang buhay ko. Sana sa Manila tayo nagkita, sana doon ako nagsimula. Sana may maayos akong trabaho, may sariling bahay, may ipon. Dito? Meron din naman, but you know, I don't have that much. Hindi ko magagawang ibigay agad ang nais mo."
I buried my face on his chest. "Kahit wala sa 'yo ang lahat. I'll always find that one reason to be with you. Kahit pa ikaw ang pinakamahirap na tao o pinakamayaman, just knowing that you love me so much is enough to make me happy by your side."
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...