[8] Selos

678 42 12
                                    

Thank you so much everyone! Those two still have a long way... parang si James at Secret lang, haha! Marami pa akong plans. Nandiyan pa si Andoy at Maricel para makigulo. Pepper is a friend, readers. [cupid natin 'yon, haha!]

Question for all the readers, thoughts n'yo lang po. [May girlfriend ba talaga si Jaime sa Australia? O single na siya nang pumunta ng San Diena.]

Pang-walo

Selos

Maayos ang naging tulog ko noong araw na 'yon. Nawala sa isip ko ang lahat ng agam-agam. Lahat halos ng inisip ko na baka may girlfriend ito'y nilipad na kasama ng hanging umihip ng nasa balkonahe kami.

He won't hug me like that, or kiss me like that if I was just nothing. If I was just purely and just a freaking acquaintance. He won't say those words to me if he doesn't mean it.

Gumising akong may ngiti sa labi. Nagulat si Manang at Pepper sa ngiting ibinigay ko sa kanila. Masaya talaga ang araw ko ngayon. Nasa mood akong mag-ikot ikot sa labas at tumulong sa lahat.

"Good mood ang princess. May nangyari?" tanong ni Pepper nang tumabi siya sa akin dito sa sofa. Nilingon ko siya at ngiti lang ang isinagot ko.

Hindi parin kasi nawawala sa isip ko na mahalatang may gusto ang babaeng 'to kay Jaime. Ako ang nauna kaya dapat akin lang.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "May gusto ka ba kay Jaime?" tanong ko. Ngumiti siya nang nakakaloko sa akin.

"Ano sa tingin mo?" nakangiting sabi niya. Pinaningkitan ko siya nang mata. Siya rin naman ang umiwas. "Sabihin na nating meron, anong gagawim mo?" tanong niya.

"Ilalayo ko sa 'yo si Jaime. Ako ang nauna sa kanya kaya akin siya."

"Wala pang sa 'yo dahil 'di pa naman kayo." usal niya bago kinuha ang telepono niya. "Bakit hindi natin tignan kung sinong mas lalamang kay Jaime? Let's play a game. Syempre, kung sinong mas gugustuhin ni Jaime 'yun ang panalo."

My friend can ba evil sometimes, but not like this. Never ko naman siyang inagawan, pero bakit niya 'to ginagawa sa 'kin? Ito na nga lang ang kasiyahan ko, hahati pa siya.

"Alam mo, pinagsisisihan kong dinala kita rito." sabi ko ng puno ng tampo ang boses. "Inaagawan mo ako ng lovelife."

"Oh, dear. You'll thank me after this." bulong niya sa 'kin bago ako niyakap ng mahigpit. "Doon muna ako sa kusina. Magba-bake ako ng cookies para kay Jaime."

Sunundan ko siya nang tingin. Cookies? Napakagaling mag-bake ni Pepper. Sobrang taas ng marka nito noon sa TLE, lalo na sa cooking at baking. Ako? Aba, pasang-awa lang ako.

Hindi ako pwedeng iwan sa kusina dahil baka masunog ang bahay. Hindi ako pwedeng mag-bake dahil baka sumabog ang oven. Na-try ko na isang beses sa school, nasira lang ang appliances at binagbayad kami ng school.

I don't want to repeat the same mistakes again. Ayokong sunugin ang kusina't bahay.

Pero paano ako lalamang?

Sumilip ako kay Pepper na nagsusuot na ng apron.

Sa galing ng kaibigan kong 'to, tiyak na mas gugustuhin ni Jaime ang gawa niya. Matatalo lang ako sa usapan namin ni Pepper. Paniguradong sasama ang tyan ni Jaime kung luto ko ang ipapakain ko.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon