[17] Manila

477 31 14
                                    

Thank you everyone! Hearteu! ❤️❤️❤️

Pang-labing pito

Manila

THIRD PERSON

INIS na tinitigan ni Jaime ang dalawa. "Kainis, sinabi na ngang nagseselos ako, e." Nagtiim bagang si Jaime bago padabog na binagsak ang sakong buhat.

Nagtama ang tingin nila ni Nadila pero todo lang ang ngiti ng dalaga habang kausap si Andoy. Damn it! Wala ba talaga 'tong pakialam kahit magselos siya? Tapos 'pag ito naman ang nagseselos halos gawin niya ang lahat 'wag lang mangyari 'yon.

"Parang ginusto kong hawakan ni Maricel, ha." Tss. Tinanggal ko kaya agad ng mawala ka sa paningin ko. Tapos ngayong siya ang nagseselos wala lang para sa dalaga ang nararamdaman.

"Fvck it!" Malutong nitong mura bago mabilis na naglakad palayo doon. Ayaw niyan makita ang dalawa. Lalo lang umuusbong ang selos niya at mas lumalalim lang rin ang nararamdaman niya para sa dalaga. Pero talaga mapagbiro ang tadhana at mas gusto pa ata nitong masaktan siya.

Minsan na nga lang magmahal, masasaktan pa. Tss.

Sumalampak si Jaime sa upuang kawayan na tambayan ng mga trabahante ng mga Lorez. Mariin siyang pumikit at tiim ang bagang. Mariin niyang naikuyom ang kamao ng maalala ang tawanan ng dalawa kanina.

Masasapak niya talaga si Andoy 'pag nalaman niyang may ginawa ito kay Nadila. Sasakalin niya ito 'pag nakaalis na ang dalaga at silang dalawa nalang ng binata. Babalaan niya 'to para matahimik ang isip niya't puso.

"Pagod ka?"

Agad siyang nagmulat ng mata ng marinig ang boses ni Nadila. Nanlalaki ang matang lumingon siya sa kanan niya nang makit aang dalaga doon na nakaupo at nakadungaw sa kanya. May ngiti ang labi nito na ultimo'y good mood na good mood.

"Oo, may pakialam ka?" Inis niyang bulong.

"Oo, dinalan pa nga kita ng tubig, o." Magiliw nitong usal sa kanya. Natigilan siya at agad na umiwas ng tingin sa dalaga.

Bwisit. Humuhulas ang galit niya. Nawawala ang inis niya dahil alng sa ngiti nito. Mariin niyang kinagat ang labi para hindi mapangiti sa isiping sweet ang dalaga sa kanya. At kailanman'y hindi siya magiging ganito kay Andoy. Sa 'kin lang.

Hinarap niya ang dalagang may ngiti parin sa labi habang nakalahad sa kanya ang bote ng malamig na tubig. Gusto niyang asarin 'to. Tutal pinagselos siya nito. Pagseselosin niya rin ito.

"Ahm. No need, Maricel gave me cold water as well. 'Yon nalangg an iinumin ko." Nakangiting mapang-asar siyang nang humarap sa dalaga. Agad siyang napangiti ng nakita niyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Nadila.

Tila nakainom ito ng suka dahil umasim ang mukha niya. Inis siyang tinignan ng dalaga bago nila tinabi ang bote. Tuwang-tuwa na sana siya dahil sa reaksyon ng dalaga ngunit hindi niya naisip na pwedeng balikan siya ni Nadila.

"Well, gusto rin ni Andoy ng tubig, e. Tutal may tubig ka na, na galing sa babae mo. Kay Andoy ko nalang ibibigay 'to. Sayang naman kung hindi maiinom."

Agad na nagdilim ang mukha ni Jaime ng dahil doon. Masama ang tingin na binigay niya kay Nadila na puno ng ngiting tagumpay ang labi. Oo na, kelan ba siya mananalo? Siya lang naman ang may gusto dito at hindi naman sila pareho ng nararamdaman. Malamang talong-talo siya.

Hinablot ni Jaime ang bote ng tubig at mabilis na ininom iyon. Kahit hindi niya kayang ubusi'y pinilit niya para lang wala nang masabi ang dalaga. Inubos niya iyon at agad niyang naramdaman ang pagkapuno ng tyan niya.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon