[37] Love

577 32 3
                                    

Pang-tatlomput pito

Love

Naging maayos ang takbo ng lahat matapos naming bumalik sa San Diena. Binisita ng magulang ni Jaime ang San Diena para magpaalam sa kanya. Sumama si Jaime sa Maynila para ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya nito at kamag-anak. Ako naman, umuwi rin ng Maynila para samahan sina Mama.

Pinagdiwang namin ni Jaime ang Pasko at Bagong Taon na malayo sa isa't isa. Na tanging tawag at mensahe lang ang ginawa ng mga oras na 'yon. Alam kong nakabantay sa 'kin ang magulang ko, maging si Nathan na halos tumira na rito sa sobrang dalas na pagpunta.

Sa unang nakakairita, hindi ko gusto ang pangbabakod ni Nathan, wala namang kami kaya hindi ko nakikita ang punto ng paggawa no'n. My parents would always tell how good we look together, isa sa mga nakakairitang gawain ng magulang ko. I respect them so much, pero tuwing binabanggit nila 'yon, pakiramdam ko, hindi nila ako nirerespeto sa desisyon ko.

I don't want him. Kung gustong-gusto nila si Nathan, they should be the one to have him, not me. Ayoko sa katulad niya. Once is enough, I don't want to repeat the history again.

"You're spacing out." usal ni Nathan. Tumitig ako sa kanya at pilit na ngumiti. The thing I really hate is pretending, yet here I am doing that freaking thing, the thing I really hate.

"Pagod lang 'to." humigop ako ng shake. "Araw-araw mo kasi akong nilalabas, pwede naman kasing kahit sa susunod na araw na. My gosh, Nathan. What the hell is this all about? Imbes na nag-re-relax ako sa bahay, I'm here sitting beside you, obviously doing nothing. Walking around this freaking mall, saulong-saulo ko na ang lahat ng stores rito sa kakalakad natin."

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. Na-concious ako kaya tumingin ako sa kanya at kinunotan ko siya ng noo.

"Anong problema mo?" tanong ko.

"You really do have flawless skin."

This isn't right. Sh't.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mabilis na lumayo sa kanya. "What the hell?" umiling ako sa kanya. "Stop it!" sigaw ko. Nagtinginan ang ibang tao sa amin.

Ngumiti sa 'kin si Nathan at mabilis na hinawakan ang braso ko. Nilapit niya ako sa kanya kaya kinabahan ako. Natuod ako sa lugar ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano ko siya itutulak.

"Uuwi na tayo." mariin nitong usal. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami n parking lot. Mabilis ang patakbo niya dahilan para mabilis kaming makauwi. Hinila niya ako papasok ng bahay na parang bagay lang na hila-hila. Marahas, mariin, mapusok.

Dinala niya ako sa library ni Papa at pinaupo sa sofa. Nandoon ang magulang ko sa loob pero parang wala lang sa kanila ang makita akong ginaganoon ni Nathan. Parang wala lang.

Tinitigan ko sila ng nanlalaki ang mata. I can't believe my own parent scould really be this cruel. Nagayuma ba sila? Nausukan? Sinuhulan? I don't know!

"Ma... Pa... Ano 'to?" 'di makapaniwalang tanong ko. Hindi sila sumagot at tinitigan lang ako. Nang tumingin ako kay Nathan ay nasa likod siya nina Mama at Papa. Nakatayo siya doon. Hawak ng kamay niya ang headrest ng sofang inuupuan ng magulang ko. Nagmukha siyang pinuno na nasa harap ang tauhan.

Parang akong inatake sa puso. Ang sakit ng kurot noon ng marinig ko ang lumabas sa bibig ng ama ko.

"You have to marry Nathan, Nadila." malamig nitong usal.

Napaawang ang bibig ko. How could they do this to me? Umiling ako kay Papa. Ayoko! Ayaw ko!

"We have given you so much time, anak. Tama na ang ilang buwan na pagsama mo kay Jaime. We think that's enough time of freedom. Those months was your way, now it's our way. Kami naman ang sundin mo, binigyan ka naman namin ng kalayaang makasama mo si Jaime. I think that's enough. Si Nathan naman ngayon... at hanggang sa huli siya na." usal ni Mama.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon