[5] Maarte

612 40 2
                                    

Paano ba talaga maging maarte? Seriously. Hindi ako maarte. Sinabihan akong ganoon pero never akong naging maarte.

Pang-lima

Maarte

Bumaba ako mula sa kotse nang huminto iyon sa garahe ng mansyon sa Manila. Natigilan pa nga ako nang matitigan ang labasan at ang hardin namin.

Naalala ko ang San Diena dahil sa hardin. Para naman akong sinampal ng katotoohan ng matitigan ko ang labasan. We live in a subdivision. Tahimik ang paligid, puro katulad ng bahay namin ang nakikita ko.

I clenched my fist. 'Wag mo isipin ang San Diena, Nadila. Napakasandali ng oras na naririto ka sa Maynila, make it memorable at least.

Mabilis akong pumasok sa bahay at agad na niyakap si Mama't Papa. "I missed you." usal ni Papa. Nangilid ang luha ko.

"Kakasabi mo lang kanina, Pa, na wala pa akong isang linggo doon. Bago ikaw pala 'tong naka-miss sa akin."

"Mahirap na wala ka sa bahay, 'nak. 'Wag ka muna mag-aasawa ha. Hindi ko pa kaya." usal nito bago humalik sa aking noo.

"I'm too young, Pa." nakangiti kong usal.

Nagkwentuhan kami nila Mama at Papa tungkol sa nangyari sa San Diena, syempre filtered iyon. Hindi ko sinabing nawala ako, na natutuwa akong kasama si James at ang nangyari kahapon.

Nagpahinga ako pagtapos. Mamayang hapon ay pupunta ako sa salon kasama si Pepper. Paniguradong na-miss ako ng bruha na 'yon. Ang tagal naming hindi nagkita dahil na rin sa bakasyon niya.

And I forgot to mention. San Diena is a place where there's no wifi, no internet, just freaking data. That place has a whole lot of source of signal, syempre sa hacienda namin malakas. Wala doon sa kabila e, kung saan ako nawala.

Nagising ako at agad kong nakita ang bruha kong kaibigan na nakaupo sa single couch na nakalagay sa sulok ng kwarto, katabi noon ang maliit na table na may iilang libro, may malaking lamp shade din para tuwingg magbabasa ako sa gabi.

"You scared me." usal ko nang umayos ng upo. Kinamot ko ang ulo ko habang mapupungay ang mata kong nakatingin sa kanya. "Anong oras na ba?"

"It's three in the afternoon. Kung balak mo pang mag-salon, aba'y bumangon ka na't mag-ayos. We have a lot of things to talk about. Marami akong gustong malamang chismis."

Tumayo ako at ngumiti sa kanya. "Oh my gosh," tinakpan ko ang bibig ko habang nanlalaki ang mata ko. "Is that you Krissy?" tanong ko.

He smiled devilishly at me. "Yes, Ai Ai, it's me, darling." pagsakay niya sa biro ko.

"Damn you." biro ko. Tumawa lang siya at sinenyasan akong mag-ayos na.

Naka-alis rin kami paglipas ng 30 minutes. Naglinis kasi ako't nag-make up pa. Ayokong lumabas ng walang make-up. Sa San Diena nga light lang. Buti nalang maganda ang make-up ko at hindi gaanong huhulas kahit mabasa ng pawis o maging oily ang mukha.

Siya ang nag-drive papunta sa mall, tutal daw at bagong dating ako, siya na ang magmamaneho at sasakyan niya na ang gagamitin. It's fine with me if I drive and use my car. I just missed her.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Salon, of course. Look at my nails, there ugly as hell." nakangiti kong sabi.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon