This will be on third person pov, for what reason? Kailangan natin malaman ang iniisip ni Jaime, haha. Joke. Syempre kailangan nating malaman sitwasyon sa San Diena, pa'no pala kung pinapalapa ni Juancho si Jaime sa mga alaga niya? Haha.
This chapter is dedicated to all readers.
Pang-dalawampu't isa
'Di na ko galit
PINILIT maging masaya ni Nadila kahit mahirap. Bawat minutong kasama niya si Nathan ay si Jaime ang naiisip niya. How this date thing would be perfect is Jaime was the one she was with.
Tuwing naiisip niya ang ginagawa niya kasama si Nathan ay parang pinapatay ang puso niya. She feels suffocated by the fact that the man she's with now is Nathan and not Jaime. Pakiramdam niya'y pagtataksil ang ginagawa niya. Kung hindi siya naiipit sa sitwasyon ay hindi naman niya gagawin 'to.
Tinitigan siya ni Nathan dahil tulala na si Nadila habang hawak ang shake niyang binili kanina. Ramdam ni Nadila ang kung anong meron sa tingin ng binata. Nakakahalata na ba siya? Hindi pwede!
Mabilis na ngumiti si Nadila ng mapansin niya si Nathan. Pinilit niyang gawing masaya ang mukha para maisip ng binata na nag-enjoy talaga siya, para 'pag nag-report ito sa Papa niya'y lusot siya.
"Bakit?" tanong ni Nadila. "May dumi ba sa mukha ko? Ba't ganyan ka makatingin?"
Ilang beses kumurap si Nathan bago siya ngumiti at umiling sa dalaga. "W-Wala. Ang cute mo lang kasi."
Gustong umirap ni Nadila pero 'di niya magawa. Cute pa ba ako sa lagay na 'to? Asar na asar na ako, sa 'yo. Naisip niya. Mahina siyang bumuntong hininga habang nasa bibig ang dulo ng straw. Matapos lang talaga ang buwan na ititigil ni Papa sa San Diena'y aayos rin ang buhay niya. Magiging madali lang rin an lahat. Kailangan niya lang mag-tiis. Hindi lang naman siya ang nasa gitna ng lahat ng 'to, ang sa kanilang dalawa rin ni Jaime.
Kinapa ni Nadila ang telepono niya sa bulsa. Patay naman ito pero pakiramdam niya'y gumagalaw iyon maya't maya. Pakiramdam niya'y hindi niya pinatay ng maayos ang telepono.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Nadila kay Nathan matapos nitong uminom ng tubig. They just had dinner. Wala siyang gana kaya salad nalang ang kinain niya. At least, kahit papaano, pagkain parin. Damo nga lang.
"M-Magbabayad lang ako."
Tumango si Nadila sa sinagot ni Nathan. Sa wakas, uuwi narin sila. Matatapos narin ang kalbaryo niya. Matatapos narina ng pagpapanggap niya't makakausap niya na si Jaime ng walang sagabal o walang iniisip na iba.
Hindi niya muna sasabihin kay Jaime ito. Ayaw niya munang dagdagan ang nasa isip ng binata. Paniguradong nag-aalala ito para sa kanya, iisipin nito ang trabaho sa bukid, idadagdag niya pa ba ang balita ng ama niya? Hindi na, 'no.
Sasarilihin niya muna ito hanggang sa masabi niya na kay Jaime ng maayos. Sa Huwebes, pag-labas nila. Sasabihin niya rito ang lahat. Walang alinlangan at walang lihim. Lunes palang naman ngayon, may ilang araw pa siya para isipin ang dapat na sabihin ng napapaintindi ng maayos sa binata ang lahat lahat.
Nagbayad si Nathan at nag-excuse muna si Nadila para magpunta ng banyo. Pumunta siya roon para maghugas ng kamay. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin sa loob ng banyo. Gusto niyang palakpakan ang sarili sa maging na pag-arte sa araw na 'to. She knows there's more yet to come. Inuumpisahan palang ng ama niya ang mga balak nito.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...