Thank you for being here. Enjoy! :) ang dami ko nang filler chapters. T_T
Pang-dalawampu't pito
Pista
"Take care, baby." usal niya bago pinakawalan ang kamay kong hawak niya. Ngumiti ako at tumango. Kumaway ako sa kanya at mabilis na pumasok sa bahay.
Nakangiti ako habang lumalakad papunta sa kusina. Kailangan ko nang tubig!
Hinatid ako ni Jaime sa bahay. Matapos naming mag-kwentuhan sa kwarto niya, bumaba kami ng makita niyang madilim na sa labas. Tinuruan niya akong mag-saing. Sa totoo lang, hindi ko alam 'yon. Rice cooker kasi 'yung sa amin. Dito, as in kalderong maliit ang gamit niya.
Nagluto lang siya ng Spam para sa 'kin. Bongga, 'di ba? Nakaabot ang Spam sa San Diena. Tinanong ko siya kung sa'n niya nabili. Sa Manila daw nung umuwi siya pagtapos nung nakaraang paglabas namin.
Natuwa ako at na-enjoy ko ang hapunan kahit Spam lang. Parang kaya kong tanggihan ang Spam. Masarap kaya 'yon, well, maalat nga lang.
"Aba, ngiting-ngiti ang dalaga namin, ha."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at ngingiti-ngiting humarap kay Manang. "'Nang, naman. 'Wag n'yo po ako tuksuhin. Minsan lang ako magdalaga."
"Naku, matanda ka na. Hindi ka nga pala dalaga, naalala ko." nakangiting sabi nito. "Kamusta naman ang araw mo? Maayos ba? Nagustuhan ba ni Jaime ang ginawa mo?"
"Naku, Manang. Nagustuhan niya ng sobra ang ginawa nating cookies. Sarap na sarap siya, gusto pa nga daw, e." nakangiting sabi ko bago tumabi kay Manang na nakaupo sa bar stool sa island counter.
Ngumiti siya sa 'kin at hinaplos ang buhok ko. "Anak, 'wag na 'wag kang mag-dadalawang isip kay Jaime, ha? Mabait ang batang iyon, alam kong nasa mabuti kang kamay kung sa kanya ka mapupunta."
Unti-unting nawala ang ngiti ko dahil may napansin ako kay Manang. "'Nang, b-ba't parang namayat kayo?"
"Naku, na-miss lang kita ng sobra. Nawawalan ako ng gana. Ang tagal mo ring nawala rito." tumawa siya. "Hayaan mo, ngayong nandito ka na, gaganahan na ulit akong kumain."
Inaral kong mabuti ang mukha ni Manang. Hindi, e. Iba ang pamamayat nito ngayon. Hindi naman ganito kapayat si Manang ng iwan ko. Malaki ang katawan ni Manang, mataba ito, malapad kung titignan. Hindi 'yung ganito ngayon.
"Sigurado po ba kayong wala lang gana? B-Baka may nararamdaman na po kayo at hindi n'yo sinasabi? O b-baka may sakit kayo?"
"'Nak, wala 'to. Umakyat ka na sa kwarto mo't maligo. Alam kong pagod ka at gusto mo nang magpahinga. Kaya sige na't umakyat ka na. Dito muna ako't manunuod ng telebisyon saglit."
Ayokong iwan si Manang. Pero ang titig nito't ekspresyon ay sinasabihan akong umalis. "Sige na, anak. Umakyat ka na."
Gusto kong umiling pero hindi ko na nagawa ng igaya niya na ako sa hagdan at tinigan hanggang sa makaakyat ako sa kwarto ko.
Ramdam ko ang kung anong kaba sa puso ko ng maisara ko ang pinto ng kwarto ko na nasa likod ko. Parang pinipiga ang puso ko tuwing naiisip kong matanda na rin si Manang at maaring may sakit siya.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...