[15] Responsibility

493 34 11
                                    

Still, thank you everyone for the support. Sorry dahil hindi ako makapag-update lagi. I'm trying my best to do that, pero hindi ko makaya ngayon. We're all enjoying our vacation, at ilang weeks nalang pasukan na ulit.

Shout out kay hallowmebae check out her stories, if you have time :)

Pang-labing lima

Responsibility

"Papa, ano pong ginagawa n'yo rito?" tanong ko.

"May mali ba sa pag-bisita dito?"

Lumunok ako. "W-Wala naman po." sumulyap ako kay Jaime na nakatingin parin ngayon.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ni Papa. "May nangyari ba?"

Nagtinginan kami ni Jaime. Mabilis akong ngumiti kay Papa. Ayokong magsinungaling pero kailangan, mahirap na pagkinutuban si Papa. Alam kong wala namang namamagitan sa amin. P-Pero nahuhulog na ako kay Jaime. A-Ayokong malaman ni Papa 'yon.

"Kasi ano, Pa... Tinuruan kasi akong magtanim ni Jaime. Alam mo na, 'd-di ba gusto mong matuto akong mag-manage dito, kaya sabi niya tuturuan niya na ako." lumunok muli ako. "Nandiri kasi ako sa putik kaya dumiretso ako sa putikan. Hindi ako nakadiretso agad sa bahay kasi 'di ko na matagalan 'yung putik. K-Kaya sa bahay ni Jaime kami dumiretso. Pinahiram niya ako ng damit tsaka pinaligo."

Kumunot ang noo ni Papa. "Bakit doon pa. Kay lapit ng bahay ko sa bahay ni Jaime."

"Pa, alam mo naman kung gaano ako kadiring-diri sa putik, 'di ba? Halos iyakan ko nga 'yung sapatos kong naputikan, what more kung katawan ko na? I can't take the feeling, Pa."

Tinitigan ako ni Papa bago sumilip kay Jaime. Titig na titig ito sa akin. Tiim ang bagang niya ngayon. "Jaime, salamat sa pagbantay ng anak ko. Maaga kang pumarito bukas. Nandito pa naman ako hanggang susunod na buwan."

"P-Po?" gulat kong tanong. "Hanggang susunod na buwan? P-Pero pa'no si Mama?"

"Umalis muna ang Mama mo. Niyakag ng lola mo sa ibang bansa, babalik rin iyon sa susunod na linggo." ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking buhok. "Pumasok ka na't mag-uusap tayo mamaya."

Tango lang ang sinagot ko. Sumilip ako kay Jaime na nakapasok sa buls ang dalawang kamay. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Paano ko siya makakasama kung nandito si Papa? Like how?

Lumakad ako palapit sa gate at tumingin kay Jaime na ngayo'y nakatingin kay Papa. Ramdam ko ang kakaibang kaba sa sistema ko. Hindi naman ako dapat makaramdam ng gano'n pero 'yon ang nararamdaman ko. Para kaming may tinatagong relasyon at nahuli kami ngayon. Gano'n 'yung kaba ko ngayon.

Tinitigan ko siya na nakatitig kay Papa. Gusto kong hilahin na si Papa papasok. Paniguradong pagod ito sa biyahe at gutom na rin. It's just noon. Gutom rin ako at paniguradong pati si Jaime kaya dapat nang hayaan ni Papa ito. Pero ano bang problema at nandito parin ito at hindi pinapaalis ni Papa.

"Mag-usap rin tayo mamaya, Jaime. Bumalik ka rito pag tapos ng tanghalian. Marami tayong dapat pag-usapan." mabilis na humarap si Papa sa akin at hinila ako papasok. Nakalingon lang ako kay Jaime. Nag-aalala ako. Anong pag-uusapan nila?

Nagtama ang tingin namin ni Jaime bago pa man ako makapasok ng main door. He gave me a smile but that smile didn't reach his eyes. Hindi iyon ang ngiti na nakita ko kanina noong magkasama kami. It was like a forced smile telling me that everything's going to be fine.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon