[30] Stanley Fildon

397 24 2
                                    

11 chapters left.

Pang-tatlompu

Stanley Fildon

Isang buwan makalipas ang lahat, uwuwi rin sila Lola. The two of us secretly meet up with Jaime, doon sa mall na malapit sa bahay. Lola was so happy because she met Jaime. Itong boyfriend ko, talagang nag-effort pa na mag-ayos ng magara, effortless naman ang kagwapuhan niya. No matter what he wears, he's still handsome as ever.

Hindi ko pa pinakilala si Jaime kay Lolo dahil kay Lola pa nga lang stress na siya kung pa'no niya haharapin ito, kay Lolo pa kaya?

Hinatid namin sila Lola kanina sa airport at nakauwi rin bago mananghalian. It will be in two days before I'll go back to San Diena. May dalawang araw pa ako para bilhin ang kailangan ko at kainin ang mga pagkaing wala sa San Diena.

I was thinking of buying Jaime a cake, a cheesecake from the famous coffee shop here in Manila. Gusto kong matikman niya ang cheesecake na 'yon dahil paborito ko. I'm not even good at baking kaya kahit gustuhin kong gumawa ng sarili, I still can't. I just can't.

Nang araw na 'yon, nagpunta ako ng grocery para bumili ng pagkain na stock sa bahay sa San Diena. Si Papa ang nagbigay ng pambili dahil sa bahay naman ang groceries na 'to and even for me.

I was thinking of buying a delicious chip, pero kung minamalas ka nga naman, nasa mataas na parte pa ng lalagyan ang chip na 'yon. I was about to give it up when someone reach it out. Mabilis akong lumayo sa kanya at nakita kong inabot niya sa 'kin 'yon.

"Ilan ba ang sa 'yo?" tanong nito ng tinitigan ko ang hawak niyang chips. His voice sounds familiar, may accent e. Parang mala-Jaime ang dating.

"Are you an Australian?" tanong ko. Nanlaki ang mata nito sa tanong ko kaya mabilis ko nalang na kinuha ang inabot niyang chips. "Sorry to ask you about that, nabosesan ko kasi sa accent mo. I know someone who's an Australian, pareho kayo ng accent tuwing nagsasalita ng tagalog." I smiled because I remembered Jaime speaking in Tagalog.

"Oh... yeah, I'm an Australian, half lang naman. And half Filipino, mother side."

Agad akong napalingon sa kanya ng marinig ko iyon. Half-half rin siya?

"Ahm, so. See you around." mabilis siyang tumalikod pero pinigilan ko siya.

"Thank you for getting this chip for me. M-May I know your name, mister?"

"Stanley." he smiled. "Welcome, miss?"

"Nadila."

Tumango siya at mabilis na tumalikod para umalis. Pinagmasdan ko lang siyang umalis at nang mawala sa paningin ko'y agad tumambol ang puso ko sa naisip ko.

Hindi ba't parang kamukha niya si Jaime? At kapangalan pa ng kapatid ni Jaime.

Pumila ako sa linya at nakita ko siyang nagbabayad na, I was about to call him ng may tumawag sa kanya. Isang babaeng mas batang tignan kesa kay Stanley. Mahaba ang buhok nito at kapareho ng kulay ng buhok ni Stanley. Her features was close to Stanley, probably his sister?

"Imie, where's Mom?" tanong nito sa babae.

"Eating her snacks. We better hurry, Tito Jude's on the way to pick us up."

Mabilis rin silang umalis at samantalang ako, magbabayad pala sa cashier, ni hindi pa nga na ilalabas lahat ng groceries na nabili ko.

Umuwi nalang ako pagtapos at hinayaang nasa plastik muna ang mga groceries at tinabi sa gilid ng counter sa kusina. Sa susunod na araw ko pa iyon ilalagay sa kotse, mga ilang oras bago ang biyahe ko papuntang San Diena.

Tinawagan ko si Jaime at kinamusta siya. It's been just four days since the time I've seen him. Having this kind of long distance relationship with him is hard, ayokong pagurin siya lagi ng pabalik-balik mula San Diena papuntang Manila, kaya as much as possible, we talk everyday. 'Cause that's what we really need communication.

It'll be just one month and something before my birthday comes. Paniguradong may party na naman sa bahay, uuwi nanaman siguro ako ng Manila bago ang birthday ko. I was planning on bring Jaime with me, pero alam kong hindi rin pwede.

We just need to talk about it. Gusto ko siyang dumalo sa party ko ng hindi napapansin nila Mama. Gusto kong makilala siya ng mga pinsan ko without my parents, my aunts and uncles, noticing it.

I just have to make some plans on making it work. Paniguradong kung may grand entrance ako, si Nathan ang partner ko. At kahit ba may dance intermission ako, si Nathan parin ang partner. Tss.

Exactly eight in the morning, I was up. Mamayang hapon ko kasi balak na umalis papuntang San Diena, I just want to surprise Jaime in the evening, wala kasi ako nung unang buwan namin.

As what I've said, I'll buy cake for him. Hindi ko na babalaking bumili ng ice cream dahil matutunaw. Cupcakes siguro, o kaya slices ng ibang flavor ng cheesecake.

At 9:30, I was on the way to the coffee shop I was saying. Kilala ako ng staffs dito dahil regular customer ako noon, ngayon 'di na masyado dahil nga naalis ako papuntang San Diena, at minsan I just don't like to buy coffee or frappé.

"Ms. Nadila, long time no see!" bati ng kaibigan kong kahera. Ngumiti ako sa kanya at agad na nilabas ang card ko. "The same?" tanong niya. Ngumiti ako tumango bago dinagdag ang whole blueberry cheesecake para kay Jaime. I even got the New York Style cheesecake with caramel syrup on top of it, in additional.

Naupo ako sa paborito kong lugar at nag-antay sa order ko. I was busying chatting with Jaime when my order came.

"Excuse me, ma'am. A single caramel frappé and a slice of blueberry cheesecake for Ms. Nadila?"

Umangat ang tingin ko ng mabosesan ko ito. Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Stanley iyon. He was smiling like he saw me when I entered there.

"I-Ikaw?"

"Your order, ma'am." he said before putting it above my table. He smiled again and was about to leave when I stopped him.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Working. This is my job, actually. I'm a barista and at the same time a waiter and sometimes at the cashier." he smiled again. "Enjoy your food, Ma'am."

"Sandali." pigil kong muli. "Your name, please, tell it to me."

I just want to make sure. I need to know his full name, saka ko aalamin ang kay Jaime, hindi naman pwedeng basta ko naalng sabihin kay Jaime na nakita ko ang kapatid niya. I just have this strong feeling na hindi lang basta-basta Australiano ang lalaking 'to.

"It's Stanley." he looked away. "Stanley Fildon."

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon