THANK YOU!!! (^_^)
Pang-labing anim
Salamat
Tinitigan ko ang lugar kung nasaan si Jaime ngayon. Nandito kami ni Papa sa bukid at kinakamusta niya ang lahat ngayon. Nakasunod lang ako dahil 'yon rin naman ang gagawin ko kahit wala si Papa.
Hindi ko maalis ang tingin ko rito dahil macho-macho itong tignan habang nagbubuhat ng mga sakong hindi ko alam ang laman. Naliligo ito sa sariling pawis at kumikislap iyon dahil sa tama ng sikat ng araw.
"N-Nadila, okay ka pa ba?" tanong ni Papa. "Natulo 'yang laway mo. Mainit ba?"
Nanlaki ang mata ko at mabilis na sinipat ang gilid ng labi ko pero wala naman. Bumuntong hininga ako at tumitig sa mga rosas na nakatanim sa gilid. "Okay lang po ako, Pa." huminga ako ng malalim bago lumunok. "Naiingit lang po ako sa mga bulaklak rito. Gusto ko rin ng ganito sa bahay maging sa Manila."
"Hayaan mo't magtatanim tayo niyan pag-uwi."
Tumango nalang ako at tinuloy ni Papa ang pakikipag-usap sa ilang trabahante. Inabala ko ang sarili ko sa pasulyap-sulyap kay Jaime. Ramdam kong parang tinatambol ang puso ko tuwing magtatama ang tingin namin. Lihim akong napapangiti.
Para akong highschool student na nagkakacrush. Aish! Kinikilig ako sa simpleng pagtama lang ng tingin namin. Malala na ako.
Kahit hindi ito ngumingiti sa akin at ngumingiti parin ako. Kahit alam kong malamig parin ang turing nito sa akin dahil na rin sa hindi niya man lang ako pinansin kanina. Hinayaan ko na. Hindi naman ako matitiis ni Jaime.
Lumakad kami ni Papa patungo kila Jaime ng matapos siyang makipag-usap sa mga trabahante. Tinignan nito ang ginagawa ni Jaime at tinanong ang mga nangyayari.
Hindi ko pinansin ang usapan nila dahil abala ako sa pagtitig kay Jaime. Ang gwapo niya talaga. Nakagat ko ang labi ko nang magtama ang tingin namin at agad na namula ang pisngi ko. Para akong tinakasan ng hininga sa tingin niyang 'yon.
Naputol ang titigan namin dahil sa isang babaeng umepal. Nagtiim bagang ako at tumitig sa kanyang parang linta kung makakapit kay Jaime. Pinunasan niya pa 'yung pawis ni Jaime sa braso at maging ang sa noo't gilid ng mukha nito.
Ako dapat gumagawa niyan!
"Nadila, tara na." yakag ni Papa. Lumunok ako at tumingin muli kay Jaime na nakatitig parin sa 'kin ngayon. Sumunod ako kay Papa at mariing kinuyom ang kamao ko. Lumingon ako sa kanila at nakita ko parin siyang nakatingin sa akin.
Hindi mo ba tatanggalin ang hawak ni Maricel sa 'yo? Please tanggalin mo.
Mabilis akong umiwas ng walang ginawa si Jaime kahit nakipag-usap ako sa isip. Alam kong hindi niya ako maririnig pero umaasa akong nahalata niya ang bagay na 'yon. Pero wala.
Hanggang naka-uwi kami ng bahay. Dala ko parin ang isiping 'yon sa utak ko. Kaya ba naging malamig sa 'kin si Jaime dahil mas gusto niya si Maricel? Dahil malayong-malayo ang ugali ko sa tipo niya, at ang tipo niya'y si Maricel?
Para saan pa ang pagseselos niya kay Andoy? Para sa'n pa ang pagyakap niya sa 'kin? Ang paghaharana niya? 'Yung cellphone? Para sa'n lahat ng 'yon? Sa wala lang?
Hirap akong lumunok at agad na natigilan ng maramdaman kong pumatak ang luha ko. Hinawakan ko ang butil ng luhang dumausdos pababa ng pisngi ko at mapaklang tumawa. "Mahal mo na, 'no?" tanong ko sa sarili ko.
Bakit ba lahat ng gusto ko naaagaw? Bakit lahat ng mahal ko may mahal na? Hindi ba pwedeng ako naman ang mahalin? Hindi ba pwedeng ako naman ang piliin?
![](https://img.wattpad.com/cover/65206299-288-k316972.jpg)
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Hayran Kurgu[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...