[29] The One

412 29 3
                                    

Gusto ko na talaga siya tapusin, promise. We're so close to the end, so bear with me please. Sobrang busy lang po talaga sa school. I'll work with the updates till Monday. I'll try my best to finish this piece as soon as possible.

Pang-dalawampu't siyam

The One

"Girl, I'm so happy for you! Like, oh my gosh! Ang haba ng hair mo, sarap gupitin, 'no?" komento ni Pepper.

"Tss. I'm so happy daw. Baka natutuwa ka dahil panibagong plot ng aksyon nanaman itong matutunghayan mo?"

"Grabe ka! You're so hard to me." nag-ala Kris Aquino ito. "Don't be like that, nakakaloka!"

"Che!" natatawang usal ko. Naging kaboses kasi nito ang artistang sinabi ko.

"Pero tama ka din diyan, friend. Panibagong action nanaman ito sa kwento ni Nadila Lorez. How will she overcome the challenges of being in a relationship with someone she can't be with? Paano niya malalampasan ang pagsubok na mismong mga magulang niya ang magbibigay." humalakhak ito na tila witch.

"Bad ka talaga kahit kelan. Kaya nakakapagtakang kaibigan kita, e. Layo-layo ng ugali ko sa 'yo."

"'Wag ka ngang ganyan. Love na love mo nga 'ko, e."

Hindi ako sumagot at ngumiti nalang. Parang makakatanggi pa ako.

Nandito ako ngayon sa Maynila. Apat na araw matapos ang pista ay pinabalik ako ni Papa sa Maynila. My grandparents are coming home. Kailangang nandito ako dahil ayaw niyang pupunta ako doon sa San Diena.

Grandparents sa mother side ko ang dadalaw. Ayaw nila sa business ni Papa na sa bukid. Ayaw din nilang pupunta ako doon dahil nag-iisang apo.

"Buti pumayag siyang umalis ka." usal nito pagtapos uminom ng shake na gawa namin.

"Naku, parang may magagawa kami." bumuntong hininga ako. "Sa ngayon, wala pa siguro. Wala naman nang sinasabi si Papa tungkol kay Jaime, e. Even with Nathan. It seems like Papa's not caring at all now. Pinagpapasalamat ko 'yon, hindi kami mahuhuli ni Jaime sa paraang ito. Pero sa inaaktong 'yon ni Papa, something isn't right."

"Ano?"

"Wala pa naman akong balak na sabihin kay Papa ang sa amin ni Jaime. Not now." tumingin ako sa kanya. "Alam mo namang boto pa sila kay Nathan."

"Oo nga pala. May Nathan pa."

Pilit akong ngumiti bago ako sumilip sa telepono kong gumalaw. Mabilis kong nakita ang pangalan ni Jaime at ang mensahe niya. Binasa ko iyon at agad na nagtipa ng isasagot.

Ako:

I'm with Pepper. Tawagan kita mamaya pag uwi ko

Nagkwentuhan pa kami ni Pepper at nang mag-tanghalian ay hinatid niya rin ako pauwi. Naglalakad na ako papasok ng bahay at paakyat na sana ng hagdan para magpalit ng damit ng may tumawag sa 'kin.

"Apo!"

Mabilis akong lumingon sa kaliwa ko at nakita ko ang lola ko na parang donya ang suot. Mabilis akong lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. Tinitigan kong maigi ang mukha niya dahil ilang taon narin simula nung umalis sila ni lolo papunta sa ibang bansa.

"How are you? It's been years. You look just like your mother before. You're really a carbon copy of her." she smiled of me. "Come with me, your lolo is waiting for you."

Ngumiti rin ako't sumama sa kanya. Nasa veranda sila sa gilid ng bahay. Kausap ni Mama at Papa si Lolo. Lumingon sa amin ang tatlo ng mapansin nila kami.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon