[11] Jaime, naman!

681 37 4
                                    

Thank you for the 800+ reads! ❤️❤️❤️ sorry for my late updates.

Pang-labing isa

Jaime, naman!

Wala talaga akong alam sa harana. Ngayon lang naman kasi ako naharana ng isang lalaki. Noon iniisip ko tuwing kinukwento ni Mama kung paano siya hinarana ni Papa, ang baduy. Hindi na kasi 'yon in ngayon. Hindi na ginagawa ng mga lalaki iyon. Panliligaw siguro meron pa, pero 'yung pupunta ka sa bahay na may kasamang tutugtog, hindi na.

Kaya noon sinabi ni Joel na gano'n dito. Natuwa ako. Alam ko kasi na "kung" may manligaw sa 'kin, na alam kong meron naman talaga, mararamdaman ko iyon. Malalaman ko ang old-day courtship. Hindi 'yong sinasanay ko ang sarili ko sa takbo ng Manila na hindi naman ginagawa ang harana.

Pagkagising ko kinabukasan, may bouquet sa side table ng kwarto ko. Puno ng pagtataka ang isip ko no'n, una kong inisip si Jaime, pero hindi dapat laging umasa. Mabilis ko iyong binuhat at inamoy.

Napakabango. Ang ganda rin ng pagkakaayos ng bulaklak. Ang gaganda ng kulay na pinili. Maganda ang balot. Inabot ko ang maliit na papel at mabilis na binasa.

Have a good day, Nadila...

Clueless ako. Wala naman kasing nakalagay kung kanino galing. Tanging 'yon lang. Pero alam ko sa likod ng isip ko, alam kong si Jaime ito. Sino ba ang nang-harana sa akin kagabi? Sino ba ang maglalakas-loob na gawin 'to? Siya lang naman eh.

Binuhat ko iyon ng bumaba ako. Mabilis kong nilagay sa vase para mabuhay. Siguro kahit mga dalawa o tatlong araw ay magtatagal ito sa akin. Hinaplos ko ang talulot ng rosas na puti. Napangiti ako.

So pure, so innocent. White says clean. Alam kong hindi ibig sabihin ng puting rosas ay pagmamahal. Ang alam ko kasi, ang ibig sabihin no'n ay... malinis ang intensyon.

"Aba! Kay ganda naman ng mga rosas na 'yan." komento ni Manang ng dumaan ito sa likod ko at tumigil para silipin ang rosas na nilagay ko sa vase. "Nagustuhan mo ba?" nakangiti niyang tanong. Nakatingin ako kay Manang sa salamin habang puno ng ngiti ang aking labi.

"Opo, Manang, nagustuhan ko po." huminga ako ng malalim. "Alam n'yo po ba kung kanino galing?" tanong ko.

"Kanino ba sa tingin mo mangagaling 'yan?" usal nito. Tinapik niya ang balikat ko. "Kagabi pa ako no'n kinausap. Samahan ko daw siyang mamili ng bulaklak na ibibigay para sa 'yo. Sabi ko, hindi niya kailangan ng suhestyon ko. Ibigay niya kako ang nais niya. Natuwa ako kaninang umaga dahil maagang dumating at ipinakita sa akin ang bulaklak. Hindi daw niya alam ang isusulat sa papel. Naku, ang batang 'yon talaga." umiling si Manang.

"Humingi siya nang pahintulot na dalin ang bulaklak sa kwarto mo. Alam ko namang walang gagaiwng masama iyon kaya hinayaan ko. Hindi rin nagtagal dahil mabilis ring lumabas at nakangiting nagpaalam sa akin." tumingin sa akin si Manang. "Kilala mo na ba?"

Pinigilan ko ang ngiti sa labi ko at mabilis na bumagsak ang tingin ko. Nyete, kinikilig ako. Haist! Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Dahan-dahan naman, baka atakihin ako!

Hinawakan ni Manang ang balikat ko. "Mabait na bata 'yon, 'nak. Walang problemang gustuhin mo dahil malinis ang intensyon niya sa 'yo. Alam kong marami magsasabing hindi pwede, pero kelan ba naging mali ang umibig?" ngumiti siya sa akin. "Unawain mong mabuti ang sitwasyon mo, malaki ka na't alam mo na ang tama at mali. Alam mo na ang kinaibahan ng sa gusto mo't nararapat. Lagi mo lang tatandaan na nandito lagi si Manang para sa 'yo. Kung lahat ng tao ay tatalikuran ka, ako hindi. Kung lahat ng tao'y iiwan ka, lagi lang akong nandito para sa 'yo."

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon