[31] Boyfriend

456 30 5
                                    

Pang-tatlompu't isa

Boyfriend

Stanley Fildon

Hanggang sa pagbalik ko ng San Diena ay laman ng isip ko ang lalaking 'yon at maging ang mukha nito. I just need to know what Is Jaime's surname and everything will fall into place.

Kailangan ko pa ng ilan pang mga patunay na si Stanley nga ang kapatid ni Jaime. If he really is, then his family is just here. Wala sila sa Australia, hindi niya kailangan pang umalis ng bansa kung gusto niya itong makita. Everything will be easy.

"Hey."

Mabilis akong lumingon kay Jaime. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa 'kin. Worry can be seen in his eyes. Ngumiti ako sa kanya para sabihing wala lang ito. Pero nanatili parin ang tingin niyang gano'n.

I cupped his left cheek. "Wala 'to, promise." mabilis akong lumapit sa kanya at dinampian ng halik ang labi niya. Yumakap ako sa kanya pagtapos.

What would you do Jaime kung nandito na ang pamilya mo?

"Anak, aayusin na namin ang birthday mo." usal ni Mama mula sa telepono. "I want it just like your debut. May gusto ka bang idagdag? I'm here at the venue and I'll look for the food and even the number of guests."

"I want it as a masquerade ball, Ma. I have never tried that before, and I want to try it on my birthday."

Natahimik ang kabilang linya. Meron pang problema sa pagpili ng masquerade? That's the kind of birthday party I thought. Sa paraang 'yon, walang makapapansin kay Jaime. Hindi malalaman nila Mama na nandoon si Jaime.

"A-Are you sure with that, anak?"

"Yes, Ma." mahina akong bumuntong hininga. "I'll come home two weeks before the party, I'll be the one who'll decide for my gown."

"Of course, it'll be what you want." narinig ko ang pag-buntong hininga ni Mama. "Come home soon."

Hinawakan ko ang kamay ni Jaime habang nakatingin kami sa papalubog na araw. Kakatapos lang ng date namin. Kaninang umaga naman ay tinulungan ko siya sa bukid. We're both exhausted, itong oras na 'to ay oarang pahinga namin sa lahat ng nangyari.

Just sitting and staring at the sun was soothing. Ramdam ko ang init nito at napakasarap sa pakiramdam. Even having Jaime beside me was the best feeling. Tinignan ko ang magkahawak naming kamay at mabilis kong pinisil ang hawak kong kamay niya.

"What?" tanong niya.

Tinignan ko siya. Hinaplos ko ulit ang kamay niya bago ako tumingin sa araw.

"Malapit na ang birthday mo, anong balak mo?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya. "Uuwi ako-"

"Nanaman?"

"Jaime naman."

Hindi siya sumagot. Lumapit ako sa kanya at tinignan ang mukha niya. Kahit na kita ang inis sa mukha nito'y ang gwapo parin niya.

"Bakit nakangiti ka pa, naiinis na nga ako, nakakatawa ka pa."

Hindi ko na napigilan. Tumawa na ako bago pinisil ang pisngi niya.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon