Most awaited part ko 'to ng story, haha! Enjoy!!!
Pang-dalawampu't walo
Mahal Kita
The days went by past. Bawat araw na lumipas ay ginawa kong makabuluhan kasama si Manang at Jaime. Hindi ko pinahalatang alam ko ang balak niya, I don't want to spoil it. Alam kong tama si Jaime, alam ko ring tama ang sinabi niya. If Manang doesn't want me to know then I'll pretend I don't know a thing.
I won't even know it, if it wasn't because of me, eavesdropping.
"Handa ka na sa pista mamaya, 'nak?" tanong ni Manang. Tumango ako. "Sigurado kang iyon na ang suot mo?"
"Opo, Manang."
Bumili kasi kami ng bistida. Wala naman akong makitang ibang disenyo doon sa bayan kaya simpleng puting bistida lang ang susuotin ko. Off-shoulder ang style at A-shape ang baba. Naisip kong iikutin ko nalang ang buhok ko para maging isang bun at magla-laglag ako ng ilang hibla sa gilid ng mukha para magandang tignan. Maglalagay lang ako ng light make-up tutal gabi naman.
Maganda naman ang bistida at maganda ang fitting sa 'kin. Maganda rin ang disenyo niya para sa 'kin, ewan ko na lang 'pag nakita ni Jaime.
Isang oras bago dumating si Jaime, handa na ako. Ayokong pagdating niya'y mag-antay pa siya sa 'kin. Hindi dadalo si Manang sa pista dahil mas gusto raw niyang magpahinga sa kwarto niya. Hindi ko na pinilit dahil baka mapano si Manang.
Nasa sala lang ako ng mga oras na 'yon. Natuwa ako sa ayos ko at wala akong humpay sa kakakuha ng litrato sa sarili ko. Nagagandahan ako sa ayos ko, e. Ngayon lang ata ako nag-affort ng ganito pero hindi sobra tignan ang itsura ko.
Natigil lang ako sa kaka-selfie ng tumunog ang teleponong hawak ko. Mabilis ko iyong sinagot at napangiti ako ng marinig ko ang boses niya.
"Nasa labas na ako."
"Okay lalabas na ako. Antayin mo lang ako sandali."
Pinutol ko ang tawag at mabilis na kinuha ang mga gamit na dadalin ko. Maliit lang ang sling bag na dala ko. Sapat lang para malagyan ng wallet, phone, lipstick, at panyo.
Mabilis akong luambas ng bahay at sinara ko ang gate bago sumakay sa sasakyan ni Jaime. Magko-kotse kami papuntang bayan. Medyo matagal kasi kung lakad kami.
Ngumiti ako sa kanya nang makaupo na ako ng maayos. He eyed me. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ko bago ang suot ko.
"You could've worn something comfortable. Malamig sa labas."
Ngumuso ako. "Kaya ko 'yan."
"You can even wear jeans and just shirt. You can even wear your simplest clothes. You can even let you hair loose. You can even just be simple and not wear make-up at all-"
"Ayaw mo ba ng suot ko?" sabat ko. Natahimik siya. Tumingin siya sa harap at nakita ko kung paano nag-tiim ang bagang niya.
"Hindi mo ba alam kung gaano kadaming lalaking ang nandoon sa pista? You don't know how many guy would even dare to look at you-"
"Ayaw mo ba ng suot ko?" ulit kong tanong habang nakatingin sa kanya. Lumingon siya sa 'kin at mahinang bumuntong hininga.
"As much as I love it, can't you wear-"
"Then let's go. You love this look then we'll go for this. Wala akong pakialam kung maraming lalaki doon. I only just want your eyes on me. Kahit pa maraming nakatingin, sa 'yong - sa 'yo lang ako."
Hindi siya sumagot. Tumingin ako sa harap at naramdaman ko nalang ang harap niya sa kamay ko. Pinisil niya iyon bago pinatong sa hita ko. Humugot siya nang hininga bago nagsimulang mag-drive.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...