[6] Date

658 40 2
                                    

WOW! 200+reads!

Pang-anim

Date [with Andoy]

"Siya 'yung lalaki?" tanong ni Pepper 'pag pasok ko anng mansyon. Mabilis akong bumango at naupo sa sofa. "Wow! Just great. He's handsome. Sigurado ka bang trabahante 'yon? Baka nagkamali ka lang, pang-model katawan, e. Nakita mo ba 'yung braso, just like oh my gosh!"

Mariin kong pinikit ang mata ko at hinilot ang sentido ko. Iniwan ko lang kanina si Jaime pagtapos kong sabihin annga bagay na 'yon. Hindi ko kasi alam ang iaakto, basta-basta nalang dumakdak ang bibig kong walang preno.

"Hoy! Bilisan mo't magbihis ka. Igala mo ako sa kuta ng lalaking iyon. I want to know more about him." excited na usal nito. Mabilis akong napatuwid ng upo't napatitig sa kanya.

"Heck, are you talking about?" tanog ko. "Hindi ako pupunta sa lunga niya ano. Never. Matapos naming mag-usap kanina sa tingin mo may mukha pa akong maihaharap?"

"E 'di papuntahinmo rito't ako na ang bahalang magpaliwanag na ako ang ililibot niya." usal niya bago naupo sa tabi ko. "Bago magpahinga ka't matulog sa kwarto mo."

"Wala akong number niya, sorry." usal ko bago sumandal.

"Ano ka ba! 'Wag mo nga paandarin ang jealous radar mo ngayon! Tawagan mo na dali!"

"Wala nga akong number!" inis na usal ko. Tinitigan niya ako ng masama.

"Tss. Gusto mo lang kasi masolo." tampong sabi niya.

"Pepper, wala nga akong number kaya pwede ba? 'Wag ako ang kulitin mo."

"Ma'am Pepper, ano pong gusto n'yo, juice o tubig?" tanong ni Manang kay Pepper.

"Juice nalang po." nakangiting sabi nito. Bumaling siya sa akin. "Nadila naman, ano ba pangalan nung lalaki? Ipagtatanong ko sa labas kung anong number?"

"Jaime." usal ko bago ko binuksan ang tv. Dumating si Manang Ester na may dalang juice at biscuit. Mabilis na binalingan ito ni Pepper at nagpasalamat.

"Manang, pwede po magtanong?" usal ni Pepper. "Alam n'yo po ba ang number ni Jaime? Baka ho naibigay sa inyo ni Tito Juancho."

"Oo, meron ako rito." mabilis na nilabas ni Manang ang telepono niya at ibinigay kay Pepper. Iritado kong iniwas ang tingin sa kanila. Ano naman kayang binabalak ng babaeng 'to ay pilit na gustong makita si Jaime?

Tumayo ito at mabilis na nagpasalamat kay Manang. Akala ko lalayo pero nanatili lang ito malapit sa 'kin habang nasa tenga ang telepono. She even cleared her throat before speaking softly, tss.

"H-Hello, s-si Jaime ba 'to?" tanong niya. "Ahm. Kaibigan ako ni Nadila. K-Kasama niya akong dumating kanina." ramdam ko ang tingin niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya, ngumiti siya na parang may naisip.

"Tinatanong niya kasi kung nasaan ka raw?" ngumiti ito. "Nasa malapit ka lang?" tumingin siya sa akin. "Pwede ka bang pumunta rito? May kailangan kasi siya, s-sabi niya kanina."

Kinuyom ko ang kamao ko at itinaas iyon para makita niya. "Sige. Pumunta ka naalng rito, salamat." mabilis siyang tumabi sa akin. "Magtago ka, dito lang sa sala n'yo. Basta hindi ka mapansin 'pag pumasok ng pinto."

"At bakit naman kita susundin, tss. Bahala ka pa sa buhay mo." inabot ko ang biscuit at mabilis na kumagat doon. Natigilan ako nang marinig ko si Manang sa labas.

"O, Jaime, napadalawa ka? Anong sadya?" tanong nito. Agad akong kinabahan. Mabilis akong tumayo at nagtago sa likod ng bookshelf na divider ng sala sa main door. Nagtago ako roon dahil hindi naman halata kung may tao man roon.

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon