[4] Andoy

570 41 2
                                    

Thank you for the 100+ reads ❤️ Enjoy!

Pang-apat

Andoy

Pasimple akong sumilip kay Jaime na nakatingin sa langit ngayon. Palubog na ang araw at mukhang gustong-gusto nito ang nakikita. Bihira akong makakita nito sa Manila, isa pa, maraming building doon. Sa condo ako nakatira e. Ngayon may umuupa na sa condo ko dahil wala ako doon.

"Mag-kwento ka." usal niya habang nakasandal sa upang kahoy na inuupuan namin.

"Anong iku-kwento ko?"

"Buhay mo sa Manila, 'di ba't galing kang Manila."

"Ah... Wala namang bago doon, normal lang." sabi ko.

"Basta mag-kwento ka. Makikinig ako." usal niya.

"Bata pa ako no'n sa pagkakatanda ko. Pumunta kaming Manila at tumira doon. Maayos naman ang buhay, may trabahong maayos si Papa at ito ring sa San Diena. Binigyan niya kami ng magandang buhay ni Mama. Lumaki ako no'n ako na nasa isip ang hacienda. Lagi pinapaalala sa 'kin ni Papa na akong mamahala doon pagtapos."

Bumuntong hininga ako at ngumiti. "Grumaduate ako, nag-highschool, nagkaroon ng kaibigan, natutuhan kong gumala, mag-boyfriend. In-enroll ako ni Papa sa Agricultural. Ayoko naman talaga 'to. Gusto ko nang fashion designing. Mahilig akong mag-drawing ng mga disensyo sa damit. Kahit ano pa 'yan."

Tumingin ito sa akin. "Hindi ka naman nababagay rito." seryosong usal niya. Napatitig ako. "You're too precious to even waste time trying to live here. Hindi ka tatagal rito."

Hindi ko alam ang isasagot. Sa totoo lang, gusto kong umuwi. "'Yon nga, nag-Agricultural parina ko kahit ayaw ko. Eto ako ngayon, nakikigulo rito."

"Sana sinabi mo sa tatay mong ayaw mo ng kinuha mong course, pwede ka namang mag-aral ulit. May pera kayo at kaya mong kunin ang nais mong kurso. Hindi ka magiging masaya rito." mapaklang usal niya.

"Problema ba 'yon? E 'di hahanap ng ikakasaya ko rito." nakangiti kong sabi habang nakatingin sa araw na papalubog. Ramdam kong ang titig niya.

"You're not good here. Hindi nababagay ang tulad mo sa lugar na 'to." usal niya. "You hate mud, you hate waste, paano pa kung pag-alagain kita ng hayop? Pagtanimin ng palay? Damn, you won't even make through it."

"Nagawa ko naman, 'di ba?" Kahit ayaw ko.

Umiling siya. "Maarte ka."

Natigilan ako. "Kasalanan ba ang maging maarte?" tanong ko. Hindi siya sumagot. "Kasalanan ko bang hindi ako sanay rito?"

"Bakit hindi ka nalang umuwi sa Manila? Doon ka nalang ulit. Mas nababagay ka roon." seryosong sabi niya. Hindi siya tumingin sa akin.

"A-A... Tss." mabilis akong tumayo at umalis. Tumakbo ako papunta sa bahay at agad na nagkulong sa kwarto ko. Tumitig lang ako sa kisame at bumalik sa isip ko ang sinabi niya.

"Maarte pa ako sa lagay na 'yon?! Ha!" inis kong usal. Mabilis akong naligo at natulog ng maaga. Ang sama sama ng loob ko.

-

"Manang, maarte ba ako?" tanong ko kay Manang habang nakain kami ng umagahan. Umubo ito at nasamid ata sa sinabi ko.

"B-Bakit mo naman natanong?"

"W-Wala lang po. Tingin ko kasi parang ganoon ang dating ko." nakangusong usal ko.

"Ganoon ka na talaga, 'nak. Likas na sa babae iyon pero meron lang talagang mga babae na sadyang simple lang. Baka kaya mo nasasabi 'yan ay dahil sa mga nakikita mo sa mga babae rito?"

The Au-Boy. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon