Six chapters left. Sorry for the delay of the update. I will do my very best to finish this until Monday.
Pang-tatlomput apat
Reunite
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ng maalipungatan ako. Naramdaman kong nawala ang kabili ko sa kama. Kinapa ko ang lugar niya at agad na napatingin sa paligid dahil wala siya.
Bukas ang kurtina na nagsisilbing pinto ng kwarto niya. Agad kong naisip na oras na nang bangon ni Jaime. He has work, we both have.
Mabilis akong tumayo mula sa matigas na kama at dahan-dahan na nag-ingat. Mahina akong dumaing sa pananakit ng likod ko. I don't want him to know about this. Ano naman kung matigas ang kama? Kung sa sahig man kami matulog o kahit sa upuan lang. Embracing him till I fall a sleep gives happiness, iyon lang ang mga oras na masasabi kong tunay akong masaya.
'Cause through that I felt it. The thing you feel seeing the person you want to be with forever, first thing in the morning. Seeing his sleeping face while he's hugging you close to him.
Bumaba ako mula sa hagdan at narinig ko na ang tunog na parang may ginigisa. Napangiti ako ng maamoy ko ang pamilyar na amoy ng pagkain.
"Corn Beef?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Mabilis kong pinulupot ang braso ko sa bewang niya bago ako sumilip sa niluluto niya. "Morning, baby." nakangiti kong bati.
Hinihaan niya ang apoy bago siya humarap sa 'kin at pinisil ang pisngi ko. Ngumuso ako sa kanya bago ko tinapik ang pisngi kong pinisil niya. "Bad ka."
Ngumiti siya bago hinaplos ang pisngi ko. Nilapit niya ang mukha niya at binigyan ng halik ang magkabila kong pisngi. Lumayo ang mukha niya sa 'kin at tinitigan ako. Ngumuso ako sa kanya. Tumawa siya at hinaplos ng hinlalaki niya ang pisngi ko.
"Good morning, baby." he leaned in to give me a peck on the lips. Nanatiling malapit ang mukha niya kahit wala naman siyang ginagawa. Naduduling ako kaya nilapat ko ulit ang labi ko sa kanya at hinalikan siya. I smiled when he kissed back.
Humiwalay ako ng maalala ko ang niluluto niya. Tinignan ko iyon at hahawakan na sana ang sianse ng pigilan niya ako. "You don't want to burn my house, right?" tanong niya. Tumango ako. "Then, just wait there and let me finish this."
Ngumuso ako sa kanya at mabilis na tumabi. Sinunod ko ang sinabi niya. Masunurin ako, e. Naupo ako sa upuang sinabi niya at nag-antay sa pagkaing ihahain niya. Parang batang nag-aantay sa pagkaing ihahain ng magulang.
I watched him as he gracefully work in the kitchen. Para sa 'kin, mukha itong hasang-hasa sa kusina. Maybe that's because of his life here living alone. He learned how to do things because he's alone.
Nawala ang ngiti ko ng maisip ko 'yon.
For five years, Jaime lived alone. Ang isiping mag-isa si Jaime at sumusubok na kayanin ang buhay ng mag-isa ay nagpalungkot. sa 'kin. He endured the pain of not being with his family.
Tinitigan ko siya na nakangiting nilapag ang plato na may pagkaing niluto niya. Tumingin siya sa 'kin at kumindat. Ngumiti ako sa kanya bago ko mabilis na kinurap-kurap ang mata ko. Suddenly, I just felt the loneliness.
Bumalik siya na dala ang isang platong may laman na kanin. Nilapag niya 'yon sa mesa at naupo sa tapat kong upuan. "Eat now. Marami pa tayong gagawin." nakangiti niyang usal sa 'kin. Tumango ako at mabilis na naglagay ng pagkain sa plato ko.
Masaya ko siyang tinignan matapos kong sumubo. Nag-thumbs up ako para sabihing ayos ang luto niya. Tumawa siya at pinisil anpisngi ko.
I can't help but think about this moment like the future. Ganito rin siguro kami pagtapos naming ikasal, 'no? We'll live here in his house, do stuffs in the farm, eat breakfast like this, and sleep with him at nights.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Fanfiction[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...