Nadila's POV na po ulit. Haha. Thank you everyone!
Pang-dalawampu't dalawa
Trip
Miyerkules ng umaga, maaga akong nagising. Mama was up ealier than me. Sabay kaming kumain. Pinaalala niya 'yung surprise visit ko kay Pepper. Since wala akong kotse, si Nathan na daw ang bahala sa 'kin. Hindi na ako tumutol, like I can.
Naalala ko tuloy 'yung usapan namin ni Papa ng maihatid ako ni Nathan. Papa was so happy at what Nathan told him. Pinilit ko ring gawin masaya ang boses ko. Na tuwang-tuwa ako sa binalita ng ex ko sa kanya. Seriously, I hate it. Nakakairita ang pagpapanggap ng ganito.
"Nathan will be here in a moment. Sabi niya'y dadalawin ka niya. Saka mo na i-open ang kay Pepper. Alam naman no'n kung saan ang condo ng kaibigan mo." nakangiting sabi ni Mama matapos uminom ng tubig. Tumango lang ako. Ayoko na sumagot dahil baka maligaw ako ng daan sa pag-arte ko.
"Akyat lang po ako." mabilis kong pagpapaalam at umakyat na nga. Mabilis kong tinawagan si Jaime at ipinaliwanag ang lahat ng mangyayari sa araw na 'to. Sinabi ko sa kanya ang kay Nathan at pagdalaw namin kay Pepper.
"Magpaiwan ka nalang doon kay Pepper, paalisin mo na agad si Nathan." usal nito.
"'Yon din balak ko. May trabaho 'yon si Nathan kaya kailangan niya ring lumayas."
"At talagang alam mo 'yan, ha?"
"Well, sinabi lang ni Papa." I said before laying down my bed and hugging my pillow. "Kamusta ka naman diyan? Marami ka parin ginagawa?"
"Everything's fine here. Marami parin naman but not like yesterday and the passed days. Just a normal day here." bumuntong hininga ito. "I'll have a two day off. Sa'n tayo pupunta?" tanong nito kapagkuwan.
"A-Alis tayo?"
"Ayaw mo?"
"G-Gusto. P-Pero pa'no?" utal kong tanong.
"I can't bring my car. Mahahalata ako ng papa mo. Alam nila may pupuntahan ako, some relatives or like that."
Kinagat ko ang ibaba kong labi. Si Pepper kaya? May kotse ang babaeng 'yon. Pwede ko siyang yayain kasama 'yung boyfriend niya papunta sa malayo, 'di ba?
"Pwede kong kausapin muna si Pepper. Basta mamaya ko sasabihin sa 'yo." napangiti ako sa naisip ko. "May alam na akong lugar. Tatawagan kita ulit mamaya 'pag okay na."
"Okay. Take care, baby." sabi niya.
"Yes. Ikaw rin, mag-ingat ka." I said before ending the call. Mabilis akong naligo at naghanda sa pag-alis. Nagsuot ako ng simpleng maong pants at t-shirt. Nag-blower ako ng buhok at mabilis na nag-spray ng pabango.
Bumaba ako ng makaayos na ako. Nakita ko si Nathan na nag-aantay kaya mabilis akong lumapit sa kanya at bumati. Ngumiti lang ako sa kanya at mabilis na niyakag siya paalis. I know he's busy, sadyang ginagawa niya lang ang bagay na 'to para makuha ang loob ko.
"Sa'n tayo?" tanong niya. Kinuha ko ang telepono ko mula sa bulsa para hindi maipit sa 'king pag-upo. Sinilip ko kung may mensahe mula kay Jaime, ngunit wala naman.
BINABASA MO ANG
The Au-Boy. [JaDine]
Hayran Kurgu[C O M P L E T E D] Australian si boy, Filipina si Girl. Ang down-to-earth na lalaking si Jaime ay makikilala ang Manila Girl na si Nadila. Isang Australian na natutong tumira sa Pilipinas at magtrabaho sa... BUKID?! At si Nadila, ang taga-pagmana n...