Selene's POV
Kenichii: Pupunta ka ha!
Tsukino: Opo senpai.
Kenichii: Gusto ka kaya namin makita ng personal. Magevent ka na kasi.
Natawa lang ako sa message ni senpai. One year halos na din akong kasali sa otaku group pero hindi ko pa nakikita yung mga naging kaibigan ko dito.
Si Kenichii, siya ang pinakaclose ko sa group dahil sa pagiging admin niya ng page. Kapag online ako, siya yung madalas kumausap sa akin kaya naman sanay na akong kausap siya.
Kenichii: Hanapin mo lang ako sa entrance. NakaNaruto ako. :D
Then I decided to log out sa isang FB account ko. Yung Tsukino, nagustuhan ko yun dahil sa Japanese ang Tsuki ay nangangahulugang Moon. At least malapit sa pangalan ko.
Inopen ko yung isa kong FB at nagscroll ng updates. Nilike ko lang yung mga videos na pinost ni Doha nung concert na pinuntahan nila. Mukhang nagenjoy nga talaga si Leigh, evident sa trending na video niya.
Baka ikasikat ni Leighton yung video.
Biglang nagpop yung message box ko.
Doha: Saan ka pupunta bukas?Si lolo nga naman.
Selene: Megamall po. Cosplay event.
Doha: Ingat ka ha. Wag sasama sa kung sino-sino.
Natawa ako. Napakaprotective talaga nito kahit kailan. At anong tingin niya sa akin? Elementary na sasama kahit kanino mabigyan lang candy?
Doha: Goodnight Selena ;)
I laughed. Landi forever. May wink talaga ang smiley? Unconciously, I smiled. Ang galing talaga magpakilig ng isang 'to.
Naniniwala na talaga ako na kapag varsity ka, may charm kang maging habulin babae man o lalake. At hindi exemption dun si Doha.
Selene: Goodnight bestfriend.
Nang makita kong na-seen na niya yung message, I logged out. Maaga pa ako bukas.
Nakikita ko ang sarili ko na naglalakad sa hallways ng school. Wala nang masyadong estudyante sa campus nun dahil pahapon na at malapit na maguwian.
Napadaan ako sa classroom at nakita na nandun yung members ng varsity sa school namin. Dahil library naman talaga ang pinunta ko, dire-deretso akong maglakad hanggang marinig ko yung pangalan ko. "Si Selena?" At sure akong boses ni Doha yun.
Sa talambuhay ko, siya lang ata ang tumatawag sa akin na Selena. Parang haciendera daw kasi pakinggan. Curious, sumilip ako sa loob at nakita ko yung tatlo sa mga basketball guys na pinalilibutan si Doha.
"Yung Selene na kaibigan ni ate?" Tanong niya na parang kinoconfirm kung ako ba talaga yung ibig nilang sabihin. Tumango naman yung isa. "Mabait siya, matalino, at sobrang sweet."
Kung makikita lang ako ni Rya ngayon, baka napagalitan na ako nun dahil sa pakikinig ko sa usapan ng iba pero kung si Leigh yung nandito, baka napalo na ako sa kilig nun.
Hindi ko naman maitatanggi na crush ko si Doha. Ang galing niya kaya sa basketball tapos ang hilig niya ngumiti sa lahat. Naging close na nga lang kami dahil kay Paris.
"Pero parang kapatid ang turing ko sa kanya eh." Muntik ko nang mabagsak yung librong dala ko hanggang sa may dumaang lalake sa harap ko galing sa loob ng classroom kaya napatakbo ako palayo.
I woke up, sweating. Bakit napanaginipan ko na naman yun? Part na lang yun ng highschool memory ko. Ang first heartbreak ko.
Naalala kong iniyakan ko si Doha nung panahong yun pero di rin nagtagal dahil mas importante naman talaga ang friendship kaysa sa love love na yan.
Nagayos ako para maagang makapunta sa Megamall para sa cosplay event. Nakapagpaalam naman ako kina tatay at nanay at binigyan ako ni kuya ng pera panggastos.
Gusto nga ni Alex sumama pero sabi ni kuya, maiwan na lang daw siya sa bahay. Kawawa nga eh pero naisip ko din na baka hindi siya magenjoy dahil wala akong kakilala dun.
Nang makarating ako sa Megamall, agad akong pumunta sa tradehall at nakita yung mga nakacosplay. Ang daming tao at ang haba ng pila. Hala na, baka maubusan ako ng ticket nito.
"Tsukino!" Tawag ng lalakeng nakacostume ng Naruto. Akala ko nakashirt lang siya na Naruto, talaga palang costume. Pero wait, paano niya nalaman na ako si Tsukino? Nagpost ba ako ng picture? Si Tomoyo nga yung picture ko sa isang account eh.
Lumapit sa akin yung kuyang nakaNaruto at nagbigay ng ticket. "Ako si Kenichii sa FB." Pagpapakilala niya at napatango ako. "Tara, pasok ka na."
Ang awkward kasi tinitingnan ako ng lahat habang kasama si Naruto. "Senpai, pwede papicture?" Tanong ko at napangiti siya. Pabebe pa ba ako? Si Naruto na yan eh.
"Eh di sa buong tropa ka na magpapicture."
Nang makapasok kami sa loob, dali dali kaming pumunta sa booth na puro Hokage. Ang galing ng costumes nila, kuha kahit yung maliliit na details. "Si Tsukino." Pakilala niya sa lahat and they all nodded at me.
Tumayo sila at nagpicture kami. Kumpleto sila, with Naruto, Sakura, Ino, Choji, Rock Lee, at Hinata. Isa lang ang wala. "Sasuke!" Tawag nung Choji kaya tumakbo yung nakacostume ng Sasuke.
Hinawakan ako sa balikat ni Kenichii habang hawak niya yung phone ko at kumuha ng picture. Pagtingin ko sa image, nagulat ako na familiar ang Sasuke kaya napalingon ako sa kanya.
"Justin?" At mukhang nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya. Di ko alam kung dahil sa fact na nasa isang cosplay event ako o dahil sa alam ko ang pangalan niya.
Bakit hindi? Siya ang certified playboy ng academy. Ang bestfriend ni Renz na nanloko kay Paris.
"Cosplayer ka?"
Hinawakan niya ako sa baywang, pulling me close to him sabay lapit sa mukha ko. "Kung gusto mong matahimik ang buhay mo, wag mo 'tong sasabihin kahit kanino."
My eyes widened in surprise. Ano bang pinagsasabi niya? "Choose, Selene. Tatahimik ka o magiging akin ka?"
Kaya ko namang manahimik. Di ba niya alam na Most Behaved ako nung Kinder? Tinakip ko yung kamay ko sa bibig ko at napangiti siya.
Ngumiti si Justin? Gwapo din naman pala siya pag ngumingiti. Ano ka ba Selene? Kaya nga gusto siya ng mga babae eh, wag ka paapekto. Mas gwapo pa si Kento Yamazaki dyan.
Bigla niyang pinitik yung noo ko sabay lakad palayo habang tawa ng tawa. Aba. FC masyado 'tong lalakeng 'to ah.
Bigla akong napahinto, tinawag niya akong Selene? Kilala ako ni playboy?
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanfictionFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...