Partners

15 1 0
                                    

Doha's POV

From: Selena
Samahan ko lang si tatay sa clinic tapos punta na ako sa mall. Bibili ako ng gamit.

Napailing ako. Kung meron mang award ng pagiging devoted granddaughter, mapupunta na yun kay Selena. Sinayang niya yung huling bakasyon niya bilang estudyante at nagstay sa bahay nila para alagaan yung lolo at lola niya.

Agad akong nagreply habang kinukuha yung susi ko sa lamesa.
Sige. Kita tayo sa Timezone. Hihintayin kita.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni ate na nakatayo sa may pinto. Galing na naman siguro siya kina Elle.

Simula kasi umalis si Elle sa Vigan, hindi ko na siya nakita uli at si ate yung laging pumupunta sa kanila. Nagreklamo pa nga si Sydney na bitin daw yung bakasyon kaya dinala siya ni mama ngayon sa Boracay.

Napailing lang ako habang sinusuot yung jacket ko. "Bibili ng gamit."

"Kasama si Selene?" Tanong niya kaya napatitig ako sa kanya, paano niya nalaman? Sinabi ba ni Selena? "Naku Doha. Ten months na lang, pwede ka bang maghintay?"

Napangiti lang ako. "Ate, naghihintay ako. Hindi naman bawal manligaw diba?"

Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Goodluck, kapatid. Kakailanganin mo yan!" Napailing na lang ako habang tawa siya ng tawa. Baliw talaga!

Naglaro ako ng basketball habang hinihintay si Selena sa Timezone. Nasa second round na ako nang dumating siya. Binigyan ko siya ng isang bola at chinallenge na magshoot pero talagang ang hina niya sa larong 'to.

Pumunta siya sa crane machine at nakakuha siya ng nemo na keychain. Tinry kong kunin yung baymax pero nahulog yun sa crane. Nang siya na ang nagtry, nakuha niya si baymax kaya natawa siya. "Ang weak mo." Asar niya kaya inihilamos ko yung kamay ko sa mukha niya.

Naglakad lakad kami sa mall at bumili ng mga gamit. Madalas pa siyang patigil tigil sa bookstore dahil may mga bagong release na libro at binabasa niya yung likod. Kapag siguro pinatira mo siya sa library, matutuwa pa siya dahil sa dami ng babasahin niya.

Nang mapagod, pumunta kami sa Mcdo para kumain ng paborito niyang fries at float. "Ako na magbabayad." Sabi niya sabay kuha ng pera sa wallet niya. Nilibre ko kasi siya ng isang Gods of Olympus na libro, yun na lang daw kulang sa collection niya.

Umiling ako at inabot yung bayad sa babae sa counter. "Hindi kaya pwedeng magbayad yung babae." Tapos ngumiti ako. Ang kulit kulit kasi nito, tingin ba talaga niya magpapabayad ako sa kanya? Kumuha siya ng isang fries at sinubo yun agad. Gutom na siguro 'to. "Ayaw mo kumain ng chicken?"

Umiling siya at lumapit sa akin para bumulong. "Mas masarap chicken ng Jolibee." Baliw talaga!

"Tsukino!" Bigla may sumigaw sa likuran kaya napalingon siya. "Selene pala." Natawa siya at hinayaan na yakapin siya nung lalakeng tumawag sa kanya. Psh. Talaga naman 'tong si Selena.

"Hi kuya Doha." Bati niya at nagulat ako. Kilala niya ako? "Staying strong kayo ah." Napangiti lang si Selena at kinuha ko yung order namin. "Date?"

"Kayo pala?" Tanong ng lalake sa likod ko at nagulat ako na yun yung playboy ng school. Si Justin? "Bakit nagulat pa nga ba ako?" At dahil siya na yung sunod sa pila, umorder na siya.

Naghahanap kami ni Selena ng upuan at napunta sa bandang dulo ng fastfood. Magkatapat kami sa upuan at sinimulan na niyang lantakan ang fries at ketchup. Nagulat na lang ako nang nakiupo sa tabi namin si Justin at yung kasama niya na feeling kaclose namin.

Napatingin na lang ako kay Selena at ngumiti lang siya na parang hayaan ko na lang sila. Wala na din namang available na table sa loob ng restaurant. "Kailan pa naging kayo?" Tanong nung Yohan. Sasakyan ba talaga ni Selena yung trip nito?

"Highschool." Sagot ko at napailing naman si Selena sabay subo ng fries na sinawsaw niya sa ice cream ng float.

Ngumiti uli si Yohan. "Oh JC, angvtagal na pala eh. Wala ka nang pagasa." Sabi niya sabay suntok sa braso ni Justin.

Bigla naman siyang umaray. "Yohan, wag ako." Bakit si Justin? May nangyayari ba sa kanila ni Selena na hindi ko nalalaman?

Paguwi namin, matapos umikot-ikot sa mall, hinatid ko si Selena sa kanila. "Si Justin..." Pagsimula ko at napatingin siya sa akin.

Biglang ngumiti si Selena at napabuntong hininga ako. Nakakainis! Kahinaan ko yang pagngiti niya eh. "Wala yun. FC lang dahil pareho kaming nagcocosplay."

"Magiingat ka kay Justin ah." At tumango lang siya. Kahit naman sabihan ko siya na magingat siya, hindi pa rin siya lalayo sa playboy na yun.

Nang magsimula na ang klase, pareho kami ni Selena na Physics ang first class. Dahil una akong nakarating sa school, umupo ako sa huling row at may babaeng tumabi sa akin. Pagkapasok ni Selena, umupo siya sa harap dahil na rin sa labo ng mata niya at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Pumasok naman si Justin at tumabi kay Selena pero di siya pinansin nito.

Bago ako makalipat ng upuan, pumasok na yung prof namin para sa subject. Nagpakilala siya at pinakilala yung subject sabay segway ng project namin. "You will be paired with the person sitting next to you." Imbis na kabahan sa partner ko, tiningnan ko si Selena na napatingin kay Justin.

Biglang may tumapik sa balikat ko kaya napatingin ako sa babaeng katabi ko. Nakasalamin siya, nakabrace, at kulot kulot yung buhok. "Hi Doha. Ako si Erika." Pakilala niya sabay lahad ng kamay niya. "Ako na partner mo ha."

At kahit mas gusto kong partner si Selena, wala na akong magawa. Katabi mo daw ang partner mo diba?

Pero sana magingat siya kay Justin at baka maging flavor of the week siya ng gagong yun.

Pero dapat nga ba akong kabahan kung manhid naman 'tong si Selena?

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon