First five chapters done!
Introduction pa lang ng five main characters at pinagiisipan ko pa kung Third Person POV or solo POVs gagawin ko sa susunod na chapter. Ang hirap kasi gumawa ng limang iba't ibang characters sa POV kaya titingnan ko pa kung anong mas okay.
Slow update po dahil mahirap sumagap ng signal sa bundok kaya goodluck sa wifi at data connection ko. Pero pag may time at ability to connect, maguupdate po ako.
Actually, two years ago na ang kwento na 'to pero last month ko lang narevive kaya medyo kinalawang na ang memory ko. Tapos yung dapat partner ko sa paggawa ng kwento ay bigla nadegi (Rest in Peace sa laptop ko).
All names are fictional. Some scenes are galing sa experiences ni author o di kaya yung mga nasasagap kong lovestories sa tabi tabi.
Sa mga nagtatanong kung bakit may magagandang dilag sa media ng bawat chapter, sila po yung image ng characters.
Sana (Twice) as Rya
Somi (I.O.I.) as Leigh
Momo (Twice) as Selene
Tzuyu (Twice) as Elle
Nayoung (I.O.I.) as ParisOther characters include:
Chani (Boys24) as Renz
Wonwoo (Seventeen) as Chad
B.I. (Ikon) as Isaiah
Mingyu (Seventeen) as Rome
Doha (Boys24) as Doha
Joshua (Seventeen) as Joshua
Youngdoo (Boys24) as Kenichii
Nahyun (Sonamoo) as Alex
Jihyeong (Boys24) as Justin
L (Infinite) as Kenjie
Woo Siyeon as SydneyPlease support the story kahit isang malaking output of boredom lang ang lahat. Votes and Comments are appreciated, kahit nga murahin niyo pa si author ayos lang. Views are highly appreciated by the way.
Masaya na ako knowing na may nagbabasa ng mga gawa ko.
Thank you at sana magenjoy kayo.
Personal:
(Okay lang kahit di niyo na to basahin. Karandoman lang to ng author.)Kung kilala mo ako personally, malalaman mo na sobrang loner ako. Mas preferred ko ang magisa kaysa may kasama na maingay. But these people really changed who I am.
Simulat ko 'to to say thank you sa apat na kaibigan ko na nagpasaya ng college life ko. Although late na kami nagkakilala at naging close, sila lang yung mga taong sumalo sa akin nung walang wala ako. Ang mga taong nagpakita sa akin ng importance ng buhay ko. Thank you sa pagintindi niyo sa akin at sa bipolar tendencies ko. Sana magustuhan niyo yung munting thank you ko. Sana din makumpleto na tayo uli.
Sa babaeng inspired kay Rya, binasa ko lahat ng gawa mo dito at ngayon, sasabihin ko yung lagi kong sinasabi sa'yo nung college, "Idol talaga kita eh!". Advanced Happy Birthday!
Si Leighton. Actually, di tayo masyadong close pero thankful ako sa binigay mong papel nung recollection natin. Di ko makakalimutan yun at hanggang ngayon, nakatago yun sa akin. Ang ganda ganda mo lagi sa pictures mo!
Si Elle, ikaw yung pinakaopposite ko sa lahat. Para tayong magnet, minsan nagkakasundo sa trip minsan naman hindi. Pero kahit na ganun, thankful ako sa pagintindi mo sa akin lagi. Ikaw kaya favorite ko sa lahat, gusto kong maging fearless tulad mo.
Kay Paris naman na naghintay ng two years para dito at todo support sa umpisa pa lang, maraming maraming thank you. Everytime may mababasa akong character sa wattpad, laging ikaw naiimagine ko. Ikaw yung bright energy sa dark aura ko and for that, I sincerely thank you.
Kay Selene, be happy. Wag ka na masyadong madala ng depression. And don't ever ever think that you're alone. Learn to think of others before yourself and never give up sa mga gusto mo. Be positive!
May mga characters din ng kwento na di man bida, naging malaking parte na ng buhay ko.
Yung highschool friends ko na dati ko pa pilit ginagawan ng kwento. Darating tayo dyan. Sorry kung ang layo ko na pero lagi ko naman kayong iniisip. Kita kits tayo uli minsan!
Yung first group na sinalihan ko nung second year college. Sorry kung ako yung unang bumitaw sa friendship at samahan natin. Pero sa totoo lang, namimiss ko talaga kayo. Sana magkita kita tayo uli minsan. (Shoutout sa friend ko na kapag kachat ko, pinupush ako magsulat uli ng kwento. Salamat sa pagpilit. Pati na rin sa dalawang nasa abroad, chocolate lang sapat na.)
Sa kapatid ko na laging binabasa yung notebook ko at nasasabihan ko ng plot. Basahin mo naman yung story ko!
Sa parabatai at twin sister ko, sana nga magkita na tayo uli. Miss ko nang kadaldalan ka kpop man yan o hindi. Thank you din sa parating pageencourage sa akin na ituloy yung mga story ko. And alam ko na sometimes nafeefeel mo na hindi ka mahalaga sa akin, sorry kasi di ako marunong magexpress ng feelings ko.
Sa tinuturing ko na bestfriend ko, naging distant na lang tayo bigla nang hindi ko namamalayan. Dapat pala dati pa lang pinahalagahan ko na yung bond na meron tayo. Salamat sa pakikinig at pagbabasa mo sa mga kwentong di ko naman natatapos, sa mga plot na kinakikiligan mo. Salamat din na dahil sa'yo naniniwala ako na may isang taong magbabasa sa kwento ko kahit ano pa yan. Sorry kung di ako nakapag goodbye sa'yo nung umalis ka pero alam mo naman na mahal na mahal kita diba? Chocolate ko ah!
At sa lalakeng inspired ni Doha, salamat sa pagseen mo sa FB message ko. Hindi ako magkakaroon ng idea para sa kwento kung hindi mo yun ginawa. Maraming maraming salamat sa'yo.
At sa nagbasa hanggang dito sa huli, maraming salamat. Kadramahan ko diba? Don't worry, hindi mahiging ganito ang drama ng kwentong 'to.
'Till next update. 😀 Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanficFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...