Letting Go

8 0 0
                                    

Selene's POV

"It's your choice, Selene. This is an offer exclusively for you and I know you want to go to Japan." Sabi ni Sir Basty sa phone kaya napabuntong hininga ako. Simula sabihin niya sa akin yung offer niya na dalhin ako sa Japan para sa animation course, syemore naexcite ako. Japan na yun, dream come true. "And I want you to send your character on my email tomorrow."

"Yes sir." Sagot ko habang tinatapos yung color ng buhok ng bagong character ko. Dahil kailangan naming gumawa ng bagong manga by the end of the month, binigay sa akin ni Sir Basty yung task to make one of the characters. "And I will think of the offer. Thank you po."

Napaupo ako sa swivel chair ko at napatingin sa mga papel na nagkalat. Tama nga si nanay, kailangan ko na magligpit ng kwarto.

Narinig ko naman yung mga yabag ni Alex na palapit sa kwarto ko. "Ate, nandito si kuya Doha." Sigaw niya at napairap na lang ako. Kailangan pa bang iwelcome yun?

Sa totoo lang inaantok na ako, dalawang gabi na akong walang tulog. Kahit naman Christmas leave ko, tambak pa rin yung trabaho na pinapagawa ni sir.

Bumukas yung pinto habang kinukulayan ko yung mata ng character ko. "Merry Christmas, Selena." Bati ni Doha sabay bato ng regalo niya. Tinuro ko yung nakabalot na kahon dun sa taas ng cabinet ko. "Busy ka pa rin?" Tanong niya habang tinitingnan lahat ng mga regalo.

"May tinatapos lang." Naramdaman kong lumapit siya sa akin at tiningnan yung gawa ko. Simple estudyante lang siya, may violet na buhok at mahilig sa puting hoodie. Nerdy at invisible sa lahat.

"Si Justine?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya. Umiling ako. Bakit niyang iisipin na si Justine yung character ko? "Violet na buhok at puting hoodie. Si Justine lang naman yun ah." Kailan pa naging violet yung buhok ni Justine? "Kanya nga 'tong suot mo eh." Sabay hawak sa hood ng damit.

Oo nga. Eto yung hoodie na binigay niya sa akin. "Malamig eh." Sabi ko sabay tingin uli sa drawing ko. "Paanong si Justine 'to? Nakasalamin kaya yung drawing ko."

"Parang si Justine nung highschool." Kung totoo ngang natatapilok ang tao pag may naguusap tungkol sa kanya, malamang nadapa na si Justine ngayon. Pero teka, nakasalamin si Justine dati?

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa kama ko at hawak si Anja. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit Anja yung pangalan ng panda na yan. "Paano mo nalaman yung itsura niya nung highschool? Hindi naman natin siya classmate ah. Ikaw lang naman playboy sa batch natin."

"Hindi nga ako nagkagirlfriend, kakabantay sa'yo." Bulong niya at napailing na lang ako. Tumayo naman siya para halughugin yung bookshelf ko. Ano bang problema nito? "Hindi mo siya maalala? Eh siya nga yung crush mo nung highschool." Crush ko nung highschool? Eh siya lang naman yung crush ko nun ah.

Binuksan niya yung highschool yearbook namin at tiningnan yung mga students ng section two. Tinuro niya yung lalakeng nakasalamin at bigla ko siyang naalala, yung library assistant.

Oo nga pala. Nung umiiwas ako kay Doha, lagi akong nasa library at nung tinanong niya kung bakit ako nandun lagi, sinabi ko na crush ko yung library assistant. Santos, Justin Christian Rivera. Yun yung nakalagay sa ilalim nung picture. Si Justine nga.

Napatitig ako sa picture. Ang nerdy niya tapos ngayon, lakas makaplayboy. Parang mas nagulat pa ako sa itsura niya kaysa sa fact na schoolmate ko pala siya. "Hindi ka ba magpapakulay uli ng buhok mo?" Tanong ni Doha kaya napatingin ako sa kanya.

Dahil sa tuwa ko sa picture ni Justine, napatabi ako sa kanya sa kama kaya sobrang lapit namin nang napatingin ako sa kanya. "Lumalabas na yung black sa buhok mo." Napangiti ako. Wala talagang epekto sa kanya kahit ganito na ako kalapit.

"Magpapakulay na po." Nagsasawa na din ako sa Chitoge hair ko. Peg ko na si Yukino Yukinoshita ng Oneigaru with her straight, black hair.

Napahikab ako. Nalapit na naman kasi ako sa kama ko eh. "Matulog ka na kaya. Sabi ni Alex, di ka daw nakatulog dahil sa trabaho mo."

"Matutulog ako pagalis mo." Tapos iniwan ko yung yearbook sa upuan ko kanina.

Hinawakan ni Doha yung noo ko at dahan dahan akong tinulak pahiga. "Matulog ka muna tapos uuwi na ako." Napailing na lang ako at kinuha si Anja sabay hila ng kumot.

"Alam mo bang crush ka nung bagong recruit sa team namin?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya. Akalain mo yun, may nagkakacrush pala sa akin. "Pero mas bata siya sa'yo kaya wag mong ientertain."

Nasipa ko tuloy siya. "Minsan na nga lang may magkagusto sa akin eh."

"Si Justine. Gusto ka nun eh." Ulit, isang sipa. "Sumosobra ka na ah." Tapos bigla niyang hinawakan yung legs ko at hinila ako pababa. "Highschool pa lang, umaaligid na sa'yo yun."

Ano bang ginawa ko sa highschool life ko at wala akong maalalang tungkol kay Justine? Habol ka kasi ng habol kay Doha nun.

Bigla siyang humiga sa tabi ko at tumingin sa akin. "Ipromise mo nga na bestfriend pa rin kita kahit ikasal ka na sa iba." Bago pa man ako magreact, naging seryoso na yung expression niya. "Bago ako ikasal sa iba?"

"Anong drama yan?" Kahit mukhang cool lang ako sa tanong niya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang lapit ni Doha at naguusap kami ng tungkol sa pagpapakasal. Pero isang bagay lang ang umiikot sa utak ko, kailangan ko na umamin sa kanya.

Ngumiti siya at mas lalong naghaywire ang puso ko. "Kahit anong mangyari, gusto kong kay Justine ka lang mapunta. Alam ko na hindi ka niya papaiyakin." At naramdaman ko na lang yung pagtigil ng puso ko. Ipinagkakatiwala niya ako sa iba?

"Ewan ko sa'yo. Goodnight!" Tapos tumalikod ako sa kanya at pumikit.

Lumalalim na ang tulog ko nang may maramdaman akong mainit sa pisngi ko sabay bulong ng 'I'm sorry, Selene.' Biglang lumiwanag at sumara ang pinto.

Si Doha ba yun? Pero bakit niya ako tinawag na Selene?

Nagfacebook ako after isend yung email kay sir kinabukasan. Ang tagal ko na din kasing hindi nagoopen ng social media. May nagsend ng friend request, Erika Celine Lim ang pangalan. May Celine pala si Erika? At nagulat ako dahil nagpakulay siya ng buhok, tulad nung akin. Baka otaku din siya.

Pagopen ko ng profile niya, nakita ko yung post niya. Engaged to Doha Alcantara. Can't wait for baby future. Si Doha at Erika? Baby future?

Inopen ko ang messenger at nakitang online si Doha.

Selene: Nakita ko yung post ni Erika. Totoo ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin?

Nakita ko naman na nagtatype siya ng reply kaya mas kumabog yung dibdib ko.

Doha: Selene, wala ka nang magagawa. Nangyari na.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang magtype. Nakakainis siya.

Selene: Doha, gusto kita.

Pero imbis magbreakdown sa balitang nasagap ko, mas nalungkot pa ako sa kasunod na salitang lumabas sa chatbox namin. Seen. Doha logged out.

Akala ko, friendzoned na ang pinakamahirap na linyang pwedeng tawirin. May seenzoned pa pala na mas masakit.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon