The First Encounter

38 2 0
                                    

Elle's POV

"Beb. Gising naaaaaa!" Narinig kong sigaw ng alarm clock ko. Sino pa bang gigising sa akin kundi ang boses ni Paris?

Pero hindi ako si Elle kung susunod ako sa gusto ng mga tao sa paligid ko kaya humiga ako uli ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Everyday scenario na din naman 'to. Parang araw araw na lang ganito ako. Nakakatamad naman kasi mag-aral. Bakit ba kailangan pa pumasok sa school kung pipilitin lang ako nila daddy na magmana ng kompanya?

Napatayo ako. Parang ako na din ang sumagot sa tanong ko. Kailangan ko mamili: ang mag-aral ako at magpatakbo ng kompanya o ikasal ako sa iba?

Yup. Apparently, my parents are still old fashioned. Nilagay na nga nila ako sa isang arrranged marriage nung baby pa ako. Imagine, nakasalalay na sa kanila yung future mo kahit wala kang kalaban-laban.

Pagbaba ko, nagiwan lang ng note si mommy na may lakad sila ngayong umaga. Ano pa bang bago? Araw-araw na lang na ganito yung buhay ko. Routine na ata 'to.

Kumuha lang ako ng isang tinapay sa loaf bread sa lamesa at umalis na. Unlike my friends, nilalakad ko lang yung school. Lalabas lang ako ng subdivision, konting lakad, tapos tawid. Minsan nga dito na lang kami naghahang out, lagi namang wala sila mommy at daddy eh.

Usual routine: ilock ang pinto ng bahay, isuot ang earphones ng ipod shuffle, at maglakad papunta sa school. Di na ako nagdadala ng bag at kung minsan sadyang iniiwan ko yung phone at wallet ko sa bahay. Kung may gala naman, pwedeng umuwi na lang ako saglit.

Araw araw ko na ring dinadaanan ang kalyeng 'to kaya kahit nakapikit, makakarating ako ng school. Medyo nalate na din ako kaya wala nang estudyante sa kalsada at hindi na rush hour kaya wala nang masyadong sasakyan.

Five seconds na lang bago maging green yung ilaw ng tawiran pero wala namang kotse at dahil sa ako nga si Gabrielle na hindi sumusunod sa kahit anong rules, tumawid ako kahit may three seconds pa sa traffic light.

The next thing I know, a car screeched and all I can see is black.

"Mommy, she's scary. I don't want to be friends with her." A little boy with piercing eyes and dark hair whined, holding into his mom na para bang kakainin siya ng buhay.

I stared at him, pissed off at his whining. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung mga mommy's boy. "And I don't like you. You're gay."

"Gabrielle, say sorry to Gian." Sabi ni mommy sabay kurot sa braso ko.

Bakit ako magsosorry sa kanya? Kasalanan ko ba yun? Siya naman nagsimula ah.

And I'm just telling the truth.

Lumapit ako sa lalakeng kausap ko and smiled, yung smile na napapasunod si daddy sa gusto ko. He smiled back that made me smirk. "I still don't like you." And I kicked him on the shin while sticking my tongue out. Kala niya ha.

Hinabol ako ni mommy sa garden habang may bitbit siyang mahabang stick. Not only is my parents old-fashioned, napakatraditional din nila.

At the age of nine, napapalo pa rin ako ng mommy ko. Mas disciplinarian kasi siya kaysa kay daddy na laging busy sa work.

Umiiyak ako, fearing that magical stick sa kamay ni mommy. Masakit yun pag tumama sa akin. Dumudugo pa nga yung kamay ko pag pinapalo ako ni mommy.

"Mommy. Ayoko." Sigaw ko. "Mommy, wag yan. Magsosorry ako sa kanya. Wag mo akong saktan..."

"Mommy!"

And everyone's eyes were on me. Anong ginagawa nila dito? Nasa kalsada lang ako kanina then...

"Beb!" Sigaw ni Paris habang yakap ako. "Akala ko hindi ka na magigising." Sabi niya na parang maiiyak.

"Nasaan ako?"

"Oh my God! Baka nagkaamnesia siya." Sigaw naman ni Leighton. Amnesia? Kilala ko pa naman ang sarili ko at ang mga kaibigan ko. Paanong amnesia?

"Pero sabi nung kuya hindi naman daw nabangga yung ulo niya." Paliwanag ni Rya. Teka, ano bang nangyari sa akin? Ospital ba 'to?

Napatingin sa akin si Selene then sa lalakeng katabi niya. "Kuya, okay na ba siya?" Kuya yun ni Selene? Bakit hindi sila magkamukha?

"Okay naman siya basta magising siya pero di ako sure about sa amnesia niya." Explanation ng lalake. Doctor yung kuya ni Selene? So nasa ospital nga ako. Pero bakit?

"Ano bang nangyari sa akin?"

"Oh my God." Sigaw ni Paris. "Kilala mo pa ba ako?" Napailing naman yung lalake habang nakatingin sa akin at tsaka ko lang naramdaman yung sakit sa paa ko. Nakacast ako? "Gabrielle Salvador, hindi mo ba talaga ako naaalala?" Paiyak na si Paris habang tinitingnan ako and I inwardly smile. Hindi naman siguro masamang maglaro muna.

"Ha? Anong sinasabi mo?" Tanong ko at kitang kita ko na ang pagiging glossy ng mata ni Paris. Sure akong after ten seconds ng sasabihin ko, iiyak na siya. "Sino ka? Sino ako?"

Nagkamali ako ng calculations dahil after a snap second lang, napaiyak na siya. Hindi yung iyak na sob, hagulgol talaga.

"Kasalanan kasi 'to nung gwapong driver na yun eh." Sabi ni Leighton habang pinapakalma ni Rya si Paris. Sorry na talaga, beb. Nabobored na kasi ako eh.

Napahawak naman si Selene sa kuya niya. "Anong mangyayari sa kanya? Hindi na ba niya maaalala lahat?" Akalain mo yun, naloko ko pati siya. This is just amazing! Entertaining as well.

"Baka temporary amnesia lang 'to. She'll regain her memories after a few days or weeks." Explanation ni kuyang doctor. "Ipaalala niyo na lang sa kanya yung mga bagay na dapat niyang alalahanin."

Biglang bumukas ang pinto and to my surprise, may lalakeng pumasok sa kwarto na nakauniform ng St. Dominic. Korni talaga ng school na yun. Bakit hindi na lang kami gayahin na hindi na kailangan maguniform?

What strike to me as odd ay kung paanong sobrang familiar yung mga mata niya. Parang nakita ko na siya dati pero di ko mapin point kung saan. Teka, may amnesia na ba talaga ako?

He smiled at me. "I'm sorry na nabangga kita pero kasalanan mo dahil bigla kang tumawid." Napansin kong nakatitig lang sa kanya si Paris na mukhang papatayin na siya. "But since may kasalanan din ako, I'll be responsible of you hanggang makaalala ka..."

It's weird. May parte ng utak ko na kinikilala siya at ang boses niya pero di ko talaga maalala kung saan. "Miss Gabrielle Salvador, let me be your slave."

"Slave?" Tanong ni Leighton. Isn't it too much? Kung hindi ako nagulat sa sinabi niya, baka ganun din ang tanong ko.

Paanong slave? Katulong ko siya?

Pero 'di na masama. Dahil sa St. Dominic siya nagaaral, it proves na matalino siya. Pwede ko siyang pagawin ng assignments and projects na tinatamad akong gawin.

Dahil nabangga niya ako, may kotse siya. Pwede na ako magpahatid at sundo sa school kapag tinatamad ako maglakad.

Pero dapat ba akong magtiwala?

"I'm Kenjie Villafuente. If you want, you can search me up." Pagintroduce niya then smiled. "I don't break promises so just let me take care of you."

Before Leigh could get her phone to search for him, nagsalita si Selene. "Villafuente?" Paguulit niya. "Eh di inyo 'tong hospital." Even si kuyang doktor tumango sa tanong niya.

Naks! Rich kid. First, may slave ako. Second, may driver. Ngayon, may wallet pa. Jackpot Gabrielle!

"Until mabalik yung ala-ala ko." I said and he nodded, smiling.

Kesa makonsensya sa gagawin ko, mas nababagabag ako ng ngiti niya. Bakit ba sobrang familiar niya?

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon