Closer, You and I

31 1 0
                                    

Justin's POV

Yohan: Dude, Raku icosplay mo bukas ah.

Tapos bigla siyang nagoffline. Ayos talaga 'to eh. Utusan daw ba ako?

Ayos na nga yung Sasuke kong costume dahil Hokage kami uli bukas, bago na naman. Ang corny pa at Raku. Mas bagay nga sa kanya yun dahil mas mataba yung pisngi niya.

Biglang tumunog yung cellphone ko, message galing kay Yohan. Raku ha. Magpapasalamat ka din sa akin bukas.

Ano bang trip ng lokong 'to? Di ko na lang siya nireplyan dahil sayang sa load. Kung babae pa siya baka sinipag pa ako.

Sinabihan ako ni Yohan na agahan ko daw ang pagpunta sa SMX para tumulong sa booth pero tulad ng dati, nagpakalate na naman ako.

Paglabas ko pa lang ng village namin, napansin ko na yung babae sa may bus stop. Chicks ang potek, mukhang fashionista pa gawa ng buhok niya na medyo blonde at pink yung dulo.

Bumusina ako at tumigil sa harap niya. Napatitig ako at muntik na bumagsak sa upuan ko. Si Selene Perez? Nakasuot siya ng tshirt na Hatsune Miku at Death Note na bag kaya baka pupunta din sa event. Pero wala namang nasabi si Yohan na pupunta siya.

"Justin?" Tawag niya at alam kong hindi na ako pwedeng umalis ngayon. Naloko ako ng buhok niya ah.

Binuksan ko yung pinto sa shotgun. "Sabay na tayo sa SMX." Mukhang nag-alangan pa siya at isasara ko na sana ang pinto nang nagmamadali siyang pumasok sa kotse at mukhang nagtatago pa. "Problema mo?"

"Nandyan kuya ko. Baka patayin niya ako pag nakita niya ako." Dahil sa pagmamadaling pumasok sa kotse, di na niya naisara ng maayos yung pinto. Lumapit ako para isara yung pinto at ilock pero maling galaw yun. Naamoy ko lang yung pabango niya at siguradong papaliguan ko na naman ng air freshener yung kotse mamaya.

"Magseat belt ka." Utos ko at tumango siya. Pero mukhang ngayon lang siya nakasakay sa kotse dahil hindi niya alam kung paano isuot yung seatbelt. Napabuntong hininga ako. Kala ko pa naman ang tali-talino nito. "Ako na nga." Sigaw ko at lumapit sa kanya.

Pag ginawa ko yun sa ibang babae, kinikilig na sila pero siya, walang reaksyon. Hindi ba marunong kiligin 'tong babaeng 'to?

Pagdating namin sa SMX, naghiwalay na kami ng daan. Agad agad siyang hinila ni Yohan palayo kaya nagpalit na ako. Raku yung costume ko at Shu naman sa kanya. Nang dumating si Cyril, nagulat ako na nakacostume siya ng Onodera. "Sino ang Chitoge?"

Napalingon na lang ako nang napatili yung Marika namin. "Ang cute ng Chitoge." Hindi ako pwedeng magkamali. Siya lang naman yung may iba't ibang kulay ng buhok eh at yung Death Note na bag.

Maganda naman pala siya pag naayusan eh. Mas maganda pa nga ata siya sa mga babaeng nakadate ko na dati. Akalain mo 'tong nerd na 'to.

Biglang binunggo ni Yohan yung balikat ko. "In love ka na niyan?" Kaya nasuntok ko yung braso niya. In love? Agad? At bakit ako? Siya nga 'tong laging nagpapacute dun. Asa siyang pansinin siya ng babaeng yan.

"Picture na. Raku-Chitoge." Sabi ni Dustin habang inaangat yung camera niya. Pinagdikit naman kami ni Yohan kaya hinawakan ko siya sa bewang. Pero wala pa ring reaksyon sa mukha niya, masyadon pinapanindigan ang pagiging Chitoge niya.

Nakakapagod. Picture dito. Picture doon. Lakad dito. Lakad doon. Sa susunod, hindi na ako magcocosplay. Kung hahanap ako ng chicks ngayon, baka mas masaya pa ako.

"Thank you, ate." Narinig kong sabi ng isang lalake kaya napangiti si Selene at nagbow lang sa kanila. Baka nagpapicture sa kanya? Naayusan lang, sumikat na agad.

Napangiti ako nang makitang papalapit siya sa akin. Bagay naman sa kanya yung buhok at costume niya. Mukha talaga siyang si Chitoge na galing sa manga na nabuhay at naglalakad sa harap ko.

Ang cute niya pala pag naayusan. Kung sana nagmemake up siya ng ganyan sa school, hindi siya matatabunan nung mga chicks niyang kaibigan. At sana, hindi siya laging sa likuran ng klase nakaupo.

Pwede na nga siyang ilaban sa Ms. St. Charbelle eh.

Ngumiti siya at hindi ko alam kung sa ilaw lang yun o may diperensya ako sa paningin pero bigla siyang lumiwanag. Na para bang wala na akong makitang ibang tao kundi siya lang.

Napakurap ako. Bakit nakaputi na siya? Bakit ang bagal niya maglakad habang may tumutugtog na piano sa background? Bakit may hawak siya na bouquet ng bulaklak at may belo sa ulo?

"Justin, will you marry me?"

"I do!"

"Ha?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. "Anong sabi mo?" Nakita ko naman si Yohan na tumatawa sa may likod ko. Narinig ba niya ako? Ano na naman ba kasing kabaliwan 'tong pumapasok sa isip ko?

"Oh ate." Sabi ni Dustin sabay abot ng bote ng tubig sa kanya. "Nabingi na ata si kuya Justin." Natawa na lang siya sabay bukas sa bote niya at inom. Napalagok ako habang umiiling. Siguro minsan ang sarap maging bote.

"Oh si Kaito Kid!" Sigaw niya habang tinuturo yung isang cosplayer na dumaan sa booth. "Dustin, papicture tayo." Sabi niya sabay hila sa kapatid ko. Aba, sila na close.

Mukhang kinikilig pa siya habang kinakausap siya nung lalakeng nakacosplay ng L ng Death Note. Next event talaga, yun icocosplay ko. Tingnan natin kung hindi siya kiligin.

"Cute niya, diba?" Tanong ni Yohan habang nakatingin sa kanya. Type ba niya si Selene? "Hindi na rin masama."

Napailing ako. Masama sa kaisipan ang katulad niya. Sila yung mga tipo ng babaeng hindi dapat pinapaiyak kundi iniiyakan. Sa tulad kong ayaw ng commitment, mahirap mapalapit sa isang tulad ni Selene Perez.

Nakita kong nakipagkamay siya dun sa cosplayer ni L at todo ngiti nang tumingin kay Dustin. Psh. Humanda talaga siya next event, mas papakiligin ko siya.

Napailing ako. Masama talaga sa kaisipan 'tong babaeng 'to. Nakakatakot. Baka mamaya mapikot ako.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon