Athletic Meet

12 0 0
                                    

Kit's POV

Pagkatapos ng pekeng fire accident na nangyari, nagready ang lahat para sa Athletic Meet na gaganapin sa school. Halos lahat ng Sports Students ay hinihintay 'to kaya naman mas nakakaexcite.

Umaga pa lang ramdam na ramdam na yung pagiging fiesta ng school dahil sa mga booths na nagkalat. Nung hapon, nagsimula ang parade ng teams galing sa different schools.

Dahil ako ang pinakabagong addition sa soccer team, nilagay nila ako sa huli ng pila. Buti na lang at female volleyball tean ang kasunod namin at nasa unahan ang captain nila. "Hi Miss Paris." Bati ko pero hindi niya ako pinansin. Affected pa rin kaya siya ng picture at confession?

Hindi ko naman alam na ikakasira pala ng pagkakaibigan nila yung panliligaw sa kanya. Sabi kasi ni mama, kahit anong mangyari dapat abutin mo ang mga pangarap mo at ganun ako kay Paris. Gusto ko siyang abutin. Gusto kong pasayahin siya. Pero dapat pala naghintay na lang ako.

Ang unang laban ay female volleyball ng St. Charbelle at St. Celestine kaya imbis na magpractice para sa game namin bukas, pinanood ko ang laban sa gym. Madaming tao, mga Sports Student galing sa parehong school. Yung ibang major kasi sa school namin ay busy sa OJT o exams nila.

Nasa last quarter na pero malaki ang lamang ng kalaban, halata kasi na wala sa kundisyon si Paris at panay palya siya sa pagtira ng bola.

"Nakakaawa naman si Paris. Wala na si Rome, wala pa yung mga kaibigan niya na todo support sa kanya last year." Sabi ng babaeng katabi ko sa kasama niya at naguilty ako. Kasalanan ko ba kung bakit nasira sila?

Nang last seconds na, hindi na kami nagulat na nanalo ang St. Celestine. Halos six points ang lamang nila sa team namin kaya naman biglang nabato ni Paris yung bola at lumabas sa gym. Nagmadali akong bumaba para sundan sana siya pero di ko na siya nakita.

Dumaan ako sa likod ng school para dere-deretso sa field at hindi mahalata ni coach na tumakas ako sa practice. Pero nagulat ako nang nakita kong nakahiga sa may damuhan si Paris at mabigat ang paghinga. Kinuha ko yung bote ng tubig sa bag at inabot sa kanya.

Tiningnan muna niya ako bago kinuha yung bote at binuksan. "Nanood ka ng game?" Tanong niya at tumango ako. "Galing ko magkalat diba?"

"May next time pa naman. May laban pa kayo bukas diba?" At tumango siya. "Bawi tayo dun."

"Thank you, Kit."

"You're welcome, Miss Paris."

"Call me Paris or ate, mas matanda ako sa'yo."

I shook my head. "Hindi ko tinatawag na ate yung babaeng gusto ko."

Napangiti siya at tumayo sa pagkakaupo niya kanina. "Galingan mo sa soccer game ah, dapat manalo kayo."

"Basta manonood ka ah." At tumango lang siya bilang sagot. Nagpaalam na ako na pupunta na ako sa practice na may confidence. Ipapanalo namin ang game at magcoconfess ako ng harap-harapan kay Paris.

Nanalo ang volleyball team sa laban nila against Royal Academy the next day kaya nagkaroon ng kumpiyansa ang school. Ngayong hapon naman ang soccer game at sure akong ipapanalo namin 'to.

Nagsimula ang game pero hindi ko pa rin mahagap si Paris, sana talaga manood siya ng game namin. Nang third quarter na at kalagitnaan na ng game, nakita ko na lang siya na naglalakad sa may field habang may sumusunod na lalake sa kanya. Si Lorenz Agustin yun ah, yung last year team captain ng basketball team ng St. Dominic.

Sikat sa school yan sa pagiging tirador ng volleyball players at baka si Paris ang bagong punterya niya.

Pinasa ng isang teammate ang bola sa akin pero imbis na sipain 'to papunta sa goal, tumakbo ako palabas ng field at papunta kay Paris.

Wala na akong pakealam kung pawisan ako at tinitingnan ako ng lahat lalo na nung hinawakan ni Lorenz yung braso ni Paris, inakbayan ko siya at hinila palapit sa akin. "Bitawan mo nga yung girlfriend ko." Napatingin sa akin si Paris at natawa si Lorenz.

"Paris, akala ko pa naman kay Rome ka mapupunta." Sabi niya sabay tawa. "Di ko alam na papatol ka sa mas bata sa'yo." At umalis siya na parang contented sa ginawa niya.

"Totoo ngang nagdedate sila." Bulong ng mga nanonood ng game na ngayon ay nakatingin na sa amin.

"Mas bata pa siya sa kapatid niya diba?"

"Kaya pala ganun na lang yung galit ni president sa kanila."

Bigla niya akong tinulak. "Layuan mo na nga lang ako." Sigaw niya sabay takbo papunta sa sports building. Naiwan akong nakatayo sa pwesto ko. Ano bang nagawa ko?

Bwisit ka Kit, hindi ka talaga nagiisip.

Ngayon, mas lumayo sa'yo yung pangarap mo.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon