Happy Birthday

35 2 0
                                    

Happy Reading po!

Selene's POV

"Happy Birthday, Leighton!" Sabay sabay na sigaw naming tatlo sabay angat ng bote ng alak.

"Nasaan na si Paris?" Tanong ni Elle habang tinuturo ang upuan sa tabi niya.

Nagshrug lang si Rya kaya napacheck ako sa phone ko. "Papunta na daw. Nahirapan umalis sa bahay."

Napailing si Leigh. "Ayos lang. Birthday naman niya bukas." Dahil Wednesday ang birthday ni Leigh, nagdecide kami na magcelebrate ng Saturday. Kaya lang bukas, Sunday, na yung birthday ni Paris.

Casually, dumating ang hinihintay na medyo badtrip. Twenty na siya bukas pero may chapperone pa rin pag gigimik?

Rya shook her head. "Naintindihan ko na kasama mo si Doha." Sabi niya sabay turo sa kapatid ni Paris na umupo three tables away sa amin. "Pero bakit pati si Rome?"

"Magiinuman daw sila ni Doha." Tapos nagtaas siya ng isang bote. "Happy twenty!" At sabay sabay kaming nagtaas ng bote.

"Maglasing tayo ngayon!" Sigaw ni Elle na nagpailing kay Leigh. Porket kasama niya lang si Kenjie kaya ang tapang niya maglasing. Paano naman yung dalawa?

"Para sa one year na lang na pagaaral!" Sigaw ni Paris sabay angat uli ng bote.

"Para sa three months na walang boyfriend!" Sabi ni Rya at napatingin kaming apat sa kanya.

Oo nga. Three months na. Three months since nagawa ang promise na yun.

"Pero girls ha, pwera biro, I'm so proud na after three months wala pa ring nagboboyfriend sa atin." Lecture ni Rya. "Hindi naman sa nagdoubt ako pero masaya ako na kahit may mga guys na malapit sa atin, hindi tayo natetempt na pumasok sa relationship at sirain ang friendship natin."

Napangiti lang ako habang napainom na naman si Leigh. "For our friendship." Sigaw ni Elle habang nagaalangan si Paris na iangat ang bote niya.

Uh oh. Bakit parang kinabahan ako bigla?

"Bakit hindi ka umiinom?" Tanong ni Leigh habang medyo sumusuray-suray na. Bakit hindi? Halos tatlong buckets na ang naorder niya. Lasing na nga sila ni Elle at naamaze pa ako sa dami ng ininom ni Paris pero namula lang ang mukha niya.

Naunang umuwi si Elle na hinatid ni Kenjie. Kahit medyo nagaalangan si Rya, mukhang hindi naman gagalawin ni Kenjie si Elle. At pinagalitan siya ni Paris na dapat matuto siyang magtiwala sa kahit isang lalake, sabay sabi na hindi naman lahat ay tulad ni Isaiah na parang bula na lang mawawala.

Dahil siguro sa realization, nagpaalam si Rya na uuwi na dahil sumasakit na ang ulo niya. Tinawagan na niya yung driver ng papa niya at nagpasundo na.

Si Paris naman napagalitan na ni Doha dahil sa kakainom. May party pa siya bukas kaya kailangan na nila umuwi. Worried pa ako dahil medyo nakainom na din si Doha pero sabi ni Rome, sasamahan na lang niya yung dalawa.

"Magsisimba pa ako bukas." Sagot ko habang inaayos yung damit ni Leigh. Sa sobrang kakagalaw niya, tumataas tuloy yung dress niya. Club outfit kasi talaga yung suot niya, niregalo daw ng daddy niya galing Hongkong. "Leigh, tatawagan ko na yung driver mo."

Umiling ang birthday girl. "Magparty pa tayo!" Sigaw niya sabay tayo at nagsasayaw sa upuan niya. I chuckled, habang umiiling. Kakaiba pala talaga si Leigh pag nalalasing. "Sayaw tayo." At pumunta pa talaga siya sa dance floor.

Sumasayaw si Leigh habang nakatayo lang ako na tinitingnan siya, di ba siya natatakot dahil sa ikli ng suot niya? Yung dress kasi niya sobrang pula, hanggang thighs lang niya kaya pag inaangat niya yung braso niya, nasasama yung damit niya. Dahil din sa heels, nagmukha akong yaya sa tabi niya.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon