Rya's POV
Typical Friday for us but a Valentine’s Day for everyone. It’s been a month since ginawa namin yung promise and so far, we were getting really great sa pagbabalewala ng guys sa campus.
Maraming attractive sa school namin lalo na yung mga jocks pero ngayon ko napatunayan how strong the power of friendship is.
Nasa may field kami at nakaupo sa damuhan habang kumakain ng chocolates na binigay kay Leigh.
"Saan ba talaga nilalagay yung apostrophe sa Valentine's Day? Before S o after ng S?" Curious na tanong ni Selene kaya napatingin kami sa kanya. Kanina pa kasi yan nagsusulat, di lang namin malaman kung ano.
"Saint si Valentine diba?" Tanong naman ni Elle sabay subo ng isang kisses.
Nakakatawa na nagshrug lang si Leigh. Ano nga bang pakealam namin? Hindi naman kami affected ng Valentine's. Masaya lang dahil maraming chocolates.
Halos lahat ng dadaan sa harap namin ay may dalang flowers na kahit yung tinatawag ni Leigh na nerdy sa class nila named Olivia, may dalang bouquet. What's the use of flowers? Mamamatay din naman yun. Parang pagmamahal ng boyfriend niya.
Oo na. Ako na bitter.
Last Valentine's kasi may pakulo pa si Isaiah para sa akin. Who would have thought na mamimiss ko ang lalakeng bigla na lang ako pinagpalit sa pin-up model?
Two years of relationship tapos biglang hindi na lang siya magpaparamdam. The next thing you know, may kaakbay na siyang obviously mas matured sa kanya.
"Friend, isuko mo na." Suggestion ni Paris upon seeing the new girl while Selene was looking at her na parang manghang-mangha siyang makakita ng babaeng may coca-cola body. "Wala kang panlaban eh." And I remembered laughing that time.
Kung ayaw na niya, ipipilit mo pa ba ang sarili mo? Tulad nga ng laging sinasabi ni Leighton, I'm too gorgeous for someone like him.
Napasigaw si Paris kaya sabay sabay kaming napatingin sa kaniya. “I feel stupid. Ang ganda natin pero wala tayong flowers.”
“Pupulot ako mamaya para sa’yo.” Sabi ni Elle and we chuckled.
Mula sa gym, narinig namin yung hiyawan ng mga girls at immediately alam na namin ang nangyayari, nandyan na si Rome. He is the basketball captain at ang ultimate enemy ni Paris kaya imagine our surprise nang makita namin siyang palapit sa aming lima, even stopping in front of us at nakiupo pa sa tabi ni Leigh. “Valentine’s pero mukhang Biyernes Santo yung mga mukha niyo.” Pangaasar niya and we all just rolled our eyes at him.
Tawa naman nang tawa si Doha habang umuupo sa tabi ni Rome. “Ang cute niyo talagang lima.” Comment niya habang pinipisil yung pisngi ng ate niya. The older revolted kaya pinalo ni Elle yung braso ni Doha. It was his job to piss off Paris. Pinanganak nga daw siya para itorment yung ate niya.
Mula sa pocket ni Rome, may kinuha siyang limang papel which looked like concert tickets. “Gusto niyo sumama? I have extra tickets.” Sabi niya while showing off the tickets.
Si Leigh ang kumuha ng tickets and read the band performing. "Unstoppable?"
“No way.” Reaction ni Elle while snatching one ticket para icheck kung legit ba talaga yun. “Sold out na ‘to ah.”
Rome winked. “I have my ways.” Napailing na lang si Paris, obviously pissed off. Ang greasy nga naman kasi talaga ni Rome.
"Paris, sama ka na!" Pangaaya ni Elle and the other shrugged, wala naman daw siyang gagawin tonight.
May isa pang ticket na naiwan. Dahil sa pagsama ni Paris, hindi pwedeng maiwan si Doha or sasabihin na naman ng mommy niya na sumasali siya sa rave parties. "Selena, ayaw mo sumama?" He asked and there's an evident smile from the guy. Oh well, kailan ba siya hindi ngumiti?
I swear may something sa dalawang 'to pero never pa naman silang umaamin at kapag nagtatanong kami, tatawa lang si Selene as if everything is a joke. I shook my head. Kung wala, eh di wala. Ano bang ipaglalaban ko?
Nakita ko na lang na umiling si Selene. "May pupuntahan ako sa Sunday eh. Magenjoy ka na lang para sa akin." Sabay ng pagsabi niya nun ay ang pagngiti niya kay Doha.
Sana sila na lang. Ang cute kasi nila tingnan.
"Langgam. Nilalanggam ako." Pangaasar ni Rome. Bakit ba nandito pa rin siya?
"Maligo ka kasi." Retort naman ni Paris.
"Bango ko kaya." And to prove it, niyakap pa niya si Paris. Kailan pa siya naging close sa amin? "Pag nashower kasi ako, sabay ka sa akin para..."
Ayan, nahampas tuloy siya ni Leigh. "You're so gross." Then tumingin siya sa akin which made me curious. "Punta ka sa concert?"
But I shook my head. "May dinner kami ngayon." And they knew what I meant.
Minsan lang kasi umuwi ang parents ko dito sa Philippines dahil sa seminars and conferences abroad. Kapag nandito naman sila, madalas ay nasa probinsya sila. They are both surgeons. Si mama hand surgeon and papa is a brain surgeon. Only child din ako kaya yaya lang ang laging kasama ko sa bahay so dinner meant something special for me.
"Akin na lang yung isang ticket." Sabi ni Leigh sabay kuha ng isang ticket at tago sa bulsa niya. We all looked at her. It's an underground band, unlike Coldplay or Chainsmokers, baka hindi siya magenjoy.
But then, nandyan naman sina Paris at Rome. Ang cities of love na laging nagaaway. Baka silang dalawa pa ang magentertain sa kanya.
When was the last time na nagdinner kaming tatlong magkakasama? Wala namang okasyon but whenever nasa Manila sila, dito sa bahay magdidinner sina mama at papa.
"How's school, Brianna?" Tanong ni papa and I forced a smile. Ano ako? Elementary?
Nagsabi lang ako about sa council duties and yung General Education Course ko but what mama asked surprised me. "May balita ka ba kay Isaiah?"
Ano bang tamang sagot sa tanong ni mama? "Ma, wala akong pakealam sa kanya. Move on."o "Ma, iniwan na niya ako. Ano pa bang gusto mo?" Ayoko naman magtunog bitter o desperado kaya umiling na lang ako.
"Alam mo naman amiga ko yung mommy niya diba?" Tanong niya and I nodded. Yun naman talaga ang dahilan kung bakit naging kami in the first place. Bata pa lang daw kami may chemistry na kami. Like hello! Anong chemistry? Subject? "Bibisita sila dito and I offered na dito muna sila sa bahay."
Kinabahan ako bigla. Bakit nila sinasabi sa akin 'to? "Coincidentally, nataon na may conference kami sa Singapore that time so ikaw munang bahala sa kanila."
I inwardly scream. Hindi naman sa ayaw ko. Pero yung parents ng ex ko? Ang bumuhay sa halimaw na Isaiah?
But being the nice girl I am, ngumiti na lang ako. Sana pala sumama na lang ako sa concert para di ko nalaman 'to. Yeah Rya, Happy Valentine's Day to you!
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
FanfictionFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...
