Kit's POV
Rinig na rinig na naman ang pagdamba ni ate Elle sa pinto niya pero wala lang kay kuya. Nagaalala na ako, hindi na siya pumapasok gawa ng pagkakakulong niya sa kwarto.
"Hindi naman 'to mangyayari kung sumunod lang siya sa akin." Bulong ni kuya habang kumakain ng almusal. Napailing ako.
Kahit ako, pinapabantayan niya. Hindi man lang ako makalapit kay Paris para sabihan siya ng nangyayari kay Elle.
Maagang umalis si kuya dahil may meeting pa daw siya kasama ang magulang ni Elle. Napatingin ako sa paligid. Daig pa namin ang prison cells sa dami ng mga bodyguards na mukhang bouncers sa club. I can't believe na pati ako, pinapabantayan ni kuya.
He's crazy. Hindi ko alam kung nababaliw siya dahil sa pagmamahal niya kay Elle o sa kagustuhan na mapasakanya si Elle pero delikado 'to. Kahit si mama, nagaalala na kay kuya.
Kumatok ako sa pinto ni Elle at rinig na rinig ko ang pagiyak niya mula sa loob. I've known her as the tough girl. Naalala ko pa nung una silang nagkita ni kuya at bigla niyang sinipa yung harapan ni kuya. Todo iyak pa nga si kuya nun kay mama kasi masakit daw. Pero ngayon, umiiyak siya sa likod ng pinto.
Kumatok ako sa pinto. "Ate Elle, kumain ka muna." Sabi ko habang hawak yung tray ng pagkain. Binuksan ng isang guard niya yung pinto para ipasok ko yung pagkain.
Ang gulo ng kwarto at mukhang wasted si ate. Nilapag ko yung tray sa lamesa at umupo ako sa harap niya. "Ate, kumain ka." Sabi ko at umiling siya. "Please."
"Christopher, ayoko dito." Sabi niya habang umiiling. "Palabasin mo ako."
"Sana pwede kong gawin yun, ate." Sana talaga. "Papasok na ako." Pero hinawakan niya yung kamay ko at may inabot na papel. "Ano 'to, ate?"
"Christopher, ibigay mo yan kay Paris. Kailangan niyang mabasa yan." Utos niya kaya napatango ako.
Lunch na nang makita ko si Paris na kasama si Council President. Nagulat pa nga sila nung nakiupo ako sa tabi nila sa cafeteria. Inabot ko yung papel na binigay ni Elle habang nakatingin sa mga matang nakabantay sa akin.
Mukhang nagulat naman si Paris sa nakita niya. "Saan mo nakuha 'to?" Tanong niya kaya napahawak ako sa kamay niya para itago yung papel. Mahirap na, baka biglang dumaan si kuya at makita yung note ni Elle.
"Nasa bahay namin si ate Elle." Bulong ko. "Please, wag kayong lilingon dahil may nakatingin sa atin." Sabi ko kaya napatango sina Rya at Paris. "Nababaliw na yung kuya ko, kinulong niya si ate Elle para hindi na sila magkita ni kuya Kenneth."
"Pinilit ni kuya Gio na magpakasal si Leigh kay kuya Kenneth para pakawalan si ate Elle kaya pumayag si Leigh." Sabi ko at napatingin lang sila sa akin, hinihintay ang kadugtong ng kwento. "Pero hindi alam ni ate Elle yun. Hindi ko masabi sa kanya dahil ang daming bantay sa bahay."
"Oh my God!" Sigaw ni Paris kaya napatingin kami sa kanya. "Gusto ng kuya mo na isipin ni Elle na pinagpalit siya para kay Leigh." I nodded. That's possible. "Rya, we need to do something."
Rya nodded. "But we need Christopher's help in this." I hesitatingly nodded, anong matutulong ko kung may nakabantay sa kilos ko? "Kailangan malaman ni Elle ang plano namin."
"Ganito." Sabay turo ni Paris sa papel na nasa kamay niya. "Ikaw magbibigay ng mga papel kay Elle to communicate with her."
I nodded. Simple task at sana makayanan ko. "I'll try my best."
Dinner. At unlike other days, ako ang naghatid ng pagkain ni ate Elle. Sana hindi makahalata si kuya sa ginagawa ko or baka maging trouble 'to. Inabot ko yung papel na pinabibigay ni Paris na nasa ilalim ng pinggan niya. Kinuha ko ang reply kinabukasan at iniwan sa locker ni Paris na parang love note.
Feeling ko nasa isang spy mission ako dahil sa ginagawa namin. Si Leighton, hindi na siya pumapasok na parang si Elle lang at madalas kong makita sina Selene at Paris na pumapasok sa council room kahit hindi naman sila officers.
Friday nang dumating yung wedding invitation nila Leighton at kuya Kenneth. Umiiyak si ate Elle nung makita niya yung invitation dahil nakasulat na isa siya sa bridesmaid. Nang gabing yun, pinalabas na siya ni kuya sa kwarto pero nilock niya ang bahay para hindi makatakas si ate.
Saturday, dinala niya si ate Elle sa isang boutique para ipasukat ang gown na susuotin niya. Kasama din namin si Rya at Paris sa shop para sukatin ang damit niya.
Napatingin ako sa bintana and noticed Selene at Leigh na nasa loob ng isang kotse. Eto na nga siguro ang plano nila na patakasin si ate. Buti na lang talaga at busy si kuya sa phone niya.
"Naiihi ako. Beb, samahan mo ako." Sabi ni Paris kaya napatingin sa kanya si kuya. Kasabay ni ate Elle ang pagtayo niya. "Hala, hanggang sa CR sasama ka?"
Napailing si kuya. "Paano kung itakas mo si Elle?"
"Thank you sa idea ah." Sabi niya at hinila si ate Elle papunta sa CR.
Dahil nakatalikod si kuya sa bintana, hindi niya napansin yung pagtakbo ng dalawa kasama si Marco. Tumayo si President habang hawak ang phone niya. "May inuutos pa pala ang council." Sabi niya. "Una na ako, pakisabi na lang kina Paris na magkita na lang kami sa Monday."
Pero umiling si kuya. "Hindi ka aalis hanggang hindi sila bumabalik." Cold na pagkakasabi ni kuya kaya napatingin kami sa isa't isa. Naku, delikado 'to.
Biglang may usok na nanggagaling sa taas at biglang dumilim ang paligid. Bumagsak ako sa sahig at naramdaman ko na lang na may bumubuhat sa akin.
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
ФанфикFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...