Friends

18 0 0
                                    

Justin's POV

"Kailangan na palang ipasa yung prototype sa Monday. Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Selene na parang worried na worried. Dahil sa OJT namin, bihira na ako magkaroon ng balita sa mga classmates ko lalo na kay Selene.

Simula lumabas kasi yung picture namin, iniwasan na niya ako kaya hindi na kami nagkausap uli. Nagulat na lang ako na bigla siyang tumawag para sabihin ang tungkol sa project namin.

"Kailan ka ba hindi busy? Para magawa na natin."

Napabuntong hininga siya. "Ang dami ko pa ngang trabaho dito sa bahay eh." Reklamo niya kaya napasuntok ako sa inuupuan ko, makakapatay talaga ako ng tao nito eh. "Gusto mo bang pumunta na lang dito bukas?"

Gusto niyang pumunta ako sa kanila? Pero imbis na kabahan, hiningi ko na lang yung address nila. Chance ko na din naman na makita siyang uli.

Hindi naman ako naligaw sa subdivision nila at tama nga siya na sila lang yung may yellow na gate sa buong kalye nila. Pakatok pa lang ako nang may lumabas na lalakeng nakasalamin mula sa bahay. "Ikaw ba yung bisita ni Andrea?" Tumango na lang ako, siya kaya yung papa ni Selene? Parang ang strikto naman at doktor pala siya. "Andrea."

Lumabas naman si Selene. "Kuya?" Tanong niya at napanganga ako, kuya niya yun? Parang ang laki naman ng agwat ng edad nila. May kasunod pa siyang babae na nakatitig sa akin. "Nandito ka na pala. Buti di ka naligaw."

"Hindi naliligaw ang aakyat ng ligaw." Sabi ng kuya niya habang binubuksan niya yung gate. Napailing na lang siya kaya napangiti ako.

"Kuya, si Justin classmate ko." Pakilala niya at kinamayan ako ng mas matanda. "Kuya ko at si Alex." Kinamayan ko din yung isang kapatid niya na todo ngiti sa akin. Nagpaalam na umalis ang kuya niya at pumasok kami sa loob.

"Ate, dun na lang ako sa school niyo magaaral. Ang gwapo ng mga lalake." Bigla tuloy siyang pinalo ni Selene sa balikat. "Aray! Si kuya Doha tapos siya, ang gagwapo ng manliligaw mo." Tapos bigla siyang pumasok sa bahay bago pa siya mahampas ng ate niya. May kakulitan din pala talaga siya.

Pinakilala niya ako sa lola niya na nagluluto sa kusina at sa lolo niya na nakaupo sa sala at nanonood ng TV. "Dun na lang kayo sa kwarto mo gumawa ng aralin, buksan mo lang yung pinto para marinig namin kayo."

"Tatay naman."

"Aba, mahirap na." Napabuga siya ng malalim na hininga at tinawanan ko lang siya habang paakyat sa kwarto niya.

Unang beses kong pumasok sa kwarto ng babae pero walang pinagkaiba yun sa kwarto ni Yohan, mas maayos nga lang 'to. Puro posters ng anime yung dingding ng kwarto niya, may bookshelf sa gilid na konti na lang mapupuno na ng libro. Puro papel yung kama niya, sketch ng iba't ibang character.

"Di pa kasi ako nagliligpit. Kakatapos ko lang kasi magdrawing." Sabi niya at kumuha ng materials sa isang cabinet. Dun ko lang napansin yung panda bear na binigay ko sa kanya, nakaupo sa harap ng desk niya. Kinuha ko yung bear at napangiti. Inaalagaan nga niya yung manika.

Nilapag niya yung materials at inexplain yung dapat naming gawin. Ako yung gumawa ng stand habang siya sa details. Nakaupo kami sa sahig at nagkalat yung gamit sa paligid namin. Si Anja, nasa taas ng upuan niya.

"Kumusta ka naman sa OJT mo?" Tanong ko habang ginuglue yung art paper na ginupit niya para sa details.

Napangiti lang siya. "Mahirap pero masaya. Hinahayaan lang nila akong gumawa ng gusto ko."

Mukha nga siyang nasisiyahan sa ginagawa niya. "Tsaka pangarap ko talaga pumasok sa Dream Publishing. Nagulat pa ako nang tawagan nila ako at hiningi yung portfolio ko." Napangiti lang ako. "Ikaw? Saan ka nagOOJT?"

"Web designing yung ginagawa ko kaya madalas sa bahay lang ako. Isesend ko lang naman kay kuya yung trabaho ko."

Napailing siya. "Rich kid talaga!"

"Kumusta naman yung mga katrabaho mo?"

"Ayos lang. Mabdbait lahat ng kasama ko sa department. Si Sir Basty nga lang, masyadong masungit." Tapos bigla siyang natawa. "Ano ba yan? Bigla akong nagrant. Feeling ko si Doha kausap ko."

At natahimik ako. Anong meron kay Doha na wala sa akin? Hindi ba siya pwedeng magrant habang kausap ako? Nakikinig naman ako sa kanya ah.

Inaya ako ng lolo at lola niya na kumain kasama sila pero ako na ang tumanggi. Wala na din naman kaming mapagusapan at natapos na yung project. Dito na nagtatapos ang lahat, hindi ko na siya partner.

Hinatid niya ako sa kotse na nakapark sa labas. "Yung hoodie mo nga pala." Pero bago pa siya makatakbo papasok sa loob, hinawakan ko yung kamay niya.

"Iyo na yun." Pero hindi ko pa rin binibitawan yung kamay niya. "Selene, sorry nga pala sa issue sa school."

Pero umiling siya at ngumiti. "Wala na yun. Makakalimutan na din naman ng lahat yun pagbalik natin sa school."

Napabuntong hininga ako at napahigpit yung pagkakahawak ko sa kamay niya. "Wala namang mali sa sinasabi nila. Gusto ko talaga mapalapit sa'yo." At bigla akong napabitaw sa kamay niya. Ano bang sinasabi ko?

Nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko. "Justin, let's be friends." Proposal niya and I nodded, repeating the term 'friend'. Okay na yun, dun naman nagsisimula lahat.

Pauwi na ako at inopen yung phone ko, dialling yung number ni kuya. Sa pangatlong ring pa lang, sumagot na siya. "Bawasan mo nga yung kasungitan mo." At natawa siya.

"Nagsumbong na pala ang girlfriend mo."

"Hindi ko siya girlfriend." Paulit ulit na lang naming paguusap 'to.

"Bakit hindi pa? Justin, gusto ko si Selene para sa'yo." Sabi niya na nagpatahimik sa akin. "At dalian mo bago ko siya ipadala sa Japan." Bigla kong napreno yung kotse.

Japan? Bakit dadalhin niya si Selene sa Japan? "Gago ka, Basty."

"Isasama naman kita, Justin." Sabi niya. Ano namang gagawin namin sa Japan?

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon