Doha's POV
"Nasaan si Rya?" Tanong ni Leighton nang makarating na sina ate at Elle sa van namin. Bakit nga hindi nila kasama si Rya?
Napailing si Kenjie. "Magiging obvious pag sumama si Rya sa kanilang dalawa." Sabi niya sabay check sa mga braso ni Elle. Mas pumayat nga siya kaysa nung huli ko siyang nakita.
"Paano lalabas si Rya dun?" Tanong ni Marco at napansin na lang namin ang isang itim na kotse na paalis sa boutique. "Kotse ni Gio yun." Sabi niya sabay turo sa puting kotseng kasunod ng itim.
May tumunog na phone at kanya-kanya kaming kuha para makita kung si Rya ba yun. Napatitig si Kenjie sa phone niya at napatingin kay Elle at Selene. "Kailangan ni Gio si Elle at Selene kapalit ni Rya."
Napatingin kaming lahat kay Selene na mukhang nagulat din sa nalaman niya. Iisa lang din ang umiikot sa isip namin ngayon, anong kailangan niya kay Selene?
"Hindi na natin pwedeng ibalik si Elle dun. Baka saktan na siya ni Gio nang tuluyan." Sambit ni ate.
Napasuntok si Marco sa dashboard ng sasakyan. "Pero paano na si Rya? Paano kung siya naman yung masaktan?"
"Ililigtas natin si Rya." Sabi ko sabay harap kay Marco. "Tara iligtas natin si Rya, Marco."
Napailing si ate. "Paano kung kayong dalawa ang mapahamak?"
"Sasama ako." Napatingin kaming lahat kay Selene ulit. Anong sabi niya? Sasama siya? "Gusto kong malaman kung bakit kailangan ako ni Gio. At matatakas niyo si Rya kung nandun ako."
Napahawak ako sa balikat niya. Nababaliw na siya. "Maiiwan ka dito."
"Sasama ako." Sabi niya na nakatitig sa akin. Sa ilang taon naming magkaibigan, ngayon lang siya lumaban sa akin. "May dahilan kung bakit ako pinapapunta dun at kailangan kong malaman yun. Ikaw ang maiwan dito."
Napailing si Marco. "Sumama na kayong dalawa. Kenjie, saan kami pupunta?" Tanong niya at ako naman ang napailing.
Gamit ang kotse na pinatawagan pa ni Joshua, pumunta kami sa address na sinabi ni Kenjie. Si Marco ang nagmamaneho habang nasa passenger seat ako at nasa likod si Selene.
Kinakagat niya ang kuko niya, sign na kinakabahan siya at nagiisip ng malalim. Palaisipan din sa akin kung bakit kailangan ni Gio si Selene. May connection ba siya kay Gio?
Biglang tumunog ang phone ni Selene at napatingin kami pareho sa kanya. "Kuya?"
"Kaliwete pala si Selene." Bulong ni Marco at napatango ako. Kaya magaling siya magdrawing dahil sa pagiging kaliwete niya.
Mukhang nagulat siya at nabagsak niya yung phone. "Bakit?" Tanong ko. "Si kuya Apollo ba yun?"
"Kuya? Yung doktor?" Tanong ni Marco at napatango ako uli. "Sa totoo lang, Selene, sure ka bang kuya mo yun? Hindi kasi kayo magkamukha."
Kahit pa man highschool kami, palaisipan na din sa classroom kung talagang magkapatid sila. Hindi naman kasi talaga kamukha ni Selene yung kuya niya at sa totoo lang, minsan napapaisip ako kung sino sa kanila ang ampon lang.
"Mas iisipin ko pang kapatid niya si Gio." Nasabi ni Marco bigla. Hindi kaya...?
"Shit!" Biglang sigaw ni Selene. "Si kuya at Gio." Mukhang naisip na din niya ang iniisip ko. "Kaya nandun si Rya."
Biglang napreno ni Marco ang kotse. "Si Rya?"
"Tinatanong ni kuya kung nasaan ako tapos biglang sumigaw si Rya. Nandun si kuya."
Tahimik lang kami hanggang makarating sa warehouse na sinasabi ni Kenjie. "Ano nang plano?" Tanong ni Marco at napatingin ako sa lumang warehouse na nasa harap namin.
Akala ko tulad ng nasa mga pelikula, maraming nakabantay sa paligid ng building pero wala kaming makitang kahit na isa. "Selene, maiwan ka dito. Papasok ako. Kukunin ko si Rya tapos Marco lumayo na kayong tatlo. Naintindihan mo?"
"Nasa loob yung kuya ko. Doha, ako ang kukuha kay Rya."
"Huwag na ngang matigas ang ulo, Selena." Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. Ang tagal na din simula nang tawagin ko siyang Selena.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Bakit ba ang lamig lagi ng kamay nito? "Kaya ko 'to. Papalabasin ko si Rya tapos lumayo na kayo ni Marco." Tumingin siya kay Marco na mukhang nagulat sa suggestion niya.
Bigla siyang lumabas ng kotse at tumakbo papunta sa loob ng warehouse. Bakit ba sobrang tigas ng ulo nun? Dapat talaga lumayo na siya kay Elle eh. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng kotse pero pinigilan ako ni Marco. "Saan ka pupunta?"
"Iniingatan ko lang ang akin." Sagot ko at napabuga siya ng hangin. "Marco, lumayo kayo ni Rya paglabas niya."
At lumabas ako sa kotse at dumaan sa likod ng warehouse. Eto na yung chance ko para ifulfill ang childhood dream ko, ang maging superhero para sa babaeng mahal ko.

BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
Hayran KurguFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...