Arrangement

14 0 0
                                    

Kenjie's POV

"Kahit ayaw mong pumunta dito, can you please act decent Kenneth?" I nooded then sighed, bored to death. Sana pinanganak na lang ako sa middle class family para hindi kami umaattend sa mga corporate events na ganito yearly.

Eto na ata ang pinakaayaw kong araw sa buong taon. Wala akong dapat gawin kundi maglakad, ngumiti, at batiin yung mga taong hindi ko naman maalala yung pangalan. "Kenneth, you look more handsome than last year." I smiled sa compliment ni Cristal.

Para namang hindi niya ako nakikita araw araw. Eh lagi nga siyang pumupunta sa school namin para makita ako. Lumapit pa yung ibang mga kaedad ko at pinuri yung suit na suot ko. Eto din naman yubg suot ko last year.

Napatingin ako sa pamilyang kapapasok lang sa hall at nakita ang familiar na black dress. Akala ko yun na ang huling beses na makikita ko siyang suot ang damit na yun pero habang tumatagal mas lalo siyang gumanda.

"Excuse me." Sabi ko sa mga dalagang nakapalibot sa akin. Dere-deretso akong pumunta sa mga Sandoval na binabati yung ibang mga businessman na invited sa party. "Hello po. I'm Kenneth Gian Villafuente." Pagintroduce ko sabay ngiti sa parents ni Elle. "I'm Gabrielle's friend."

Napatingin yung papa niya sa akin and I flashed a smile. "Can I excuse Gabrielle for a moment?" Tanong ko and they nodded. Hinawakan ko yung kamay ni Elle and dragged her outside.

Sa labas, nakita namin ang mga Ford na kausap ang parents ko. "Si Leighton." Sabi ko pero natahimik lang si Elle. Baka totoo nga yung sinabi ni Gio, on the rocks sila ngayon. "Are you alright?"

Pero natahimik pa rin siya. "May nangyari ba sa inyo ni Leigh?" Halata kaai na gusto niyang kausapin si Leigh at napapansin ko din yung panay na pagtingin ng kaibigan niya sa amin.

She shook her head as answer. "Friend pala ng parents niyo sina Leighton." I nodded. Sila ata yung bagong company kung saan naginvest si daddy.

Napatigil ako sa paglalakad, in front sa garden kung saan ang daming ilaw na sinadya para sa party. "Gabrielle, I miss you." Sabi ko pero hindi siya tumitingin sa akin.

"Is there something wrong?" But fhe just shook her head at tumingin lagpas sa akin. Napalingon ako sa tinitingnan niya, yung gitarista ng Unstoppable. Bakit siya nandito?

"Kilala din ng family niyo yung mga Navarro?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya. Navarro? Hindi ba't ang mga Navarro yung original na sporst manufacturing na kinuha ng mga Ford? "Bakit nandito si Joshua?"

I shook my head, hindi ko alam yung plano ng parents ko pero sa tingin ni Elle pa lang, kinabahan na ako. Paano nga kaya kung may pinaplano man sila?

Biglang may nagsalita from the stage, nandun yung parents ko at hawak ni daddy yung mic. "This is a party for Villfuente group investing for the Ford Sports." The other businessmen clapped, congratulating Leighton's dad.

"And with that, we're happy to announce a marriage between our heirs." Napatigil ako, holding Elle's hand tightly. Bakit hindi ko man lang natunuggan na mangyayari 'to?

"Our son, Kenneth Villafuente and Miss Leighton Ford." Nanginginig yung kamay ni Elle habang pinapakinggang yung announcement ni mommy.

Leighton turned to us at alam kong pareho kaming ng iniisip. Hindi 'to pwedeng mangyari. Hindi ako pwedeng ikasal kay Leighton, magkaibigan sila ni Elle.

I let go of her hand and stormed to where my parents are. "Mom, you can't do this to me."

"Bakit Kenneth? Are you even aware na nasa arranged marriage na din ang babaeng kinalolokohan mo?" She asked that made me surprised. Nakaarrange na din sa marriage si Elle? Pero hindi niya sinabi sa akin yun.

Napansin kong biglang nawala si Leighton at nakita si Joshua na hinihila siya. Kailangan kong gumawa ng plano para hindi matuloy ang engagement na 'to. Kung pwede lang makipagtanan kay Elle, gagawin ko.

Tama! Yun na lang ang gagawin ko. Tatakas kami dito at lalayo. Pagbalik ko kung nasaan siya, wala na si Gabrielle. Nagulat na lang ako nang makita si Gio na nakahawak sa bewang niya habang kausap ang parents nila.

Si Gio? Si Gio ang fiance ni Gabrielle?

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon