Gio's POV
"Icheck mo nga kung busy siya. Hindi na naman niya sinasagot yung tawag ko." Rant ni Kenneth sa phone. Sinasabi ko nga at dapat hindi ko na lang sinagot yung tawag niya. "Gio, galit ba siya sa akin?"
Bakit kasi kailangang ako pa anh magbantay sa girlfriend niya? Ang nakakainis pa dun, si Gabriella Silang ang napili niya. Ang daming magagandang babaeng nagkakandarapa sa kanya pero pinili niya yung babaeng amazona.
Hindi ako tulad ng ibang estudyante na nangengealam sa uso. Buti pa sa St. Dominic, puro lalake kaya walang tsismisan.
"Kuya, bakit ba nagsasalamin ka pa pagpasok? Feeling genius?" Tanong ni Kit kaya binigyan ko lang siya ng masamang tingin. Mas okay nang mukha akong nerd para hindi pansinin sa school.
"Kumusta na nga pala yung crush mong volleyball captain?" Sobrang patay na patay kasi si Kit sa bestfriend ni Gab na si Paris. Sa pagkukwento ni Kit, natutuklasan ko lahat ng ginagawa ni Gab sa school.
Napailing siya na parang inis na inis. "Hindi niya ako pinapansin simula nagkaissue." Sagot niya at napatingin ako sa kanya. Anong issue? "Damay din si kuya Kenneth dun ah." Si Kenneth?
Curious, tiningnan ko yung homepage ng school at lumabas yung picture ni Kit at Paris, maging si Kenneth at Gab. Kailan pa 'to? Makatanong siya, nagkikita naman pala sila.
Pero dahil hindi dito nagaaral si Kenneth, baka hindi niya alam na may ganitong nangyari. Last week pang posted, hindi ko na rin nakita si Gab simula nun at sa totoo lang, nagaalala ako.
Ang Gab na kilala ko, isang risk taker. Nung elementary kami, parati siyang nakikipagaway sa mga bullies para lang ipagtanggol yung mga classmate naming mahihina. Pero sadyang galit siya sa tao.
Simula pagkabata, may signs na siya ng pagiging emo at loner. Ewan ko ba dun, parang lahat na lang ng problema sa mundo bitbit niya. Kaya yung parents namin lagi kaming pinaglalaro, para maging magkaibigan.
Pero dahil bata pa nga kami nun, madalas akong matakot sa kanya dahil sa mga tingin niya. Para kasi siyang mga monsters na nakikita sa pelikula hanggang natigil ang lahat dahil sa pagkakaospital ko.
Syempre hindi ko na dala yung sakit pero nakakasakit sa pride na masipa ka ng babae sa lugar na yun. Simula nun pinangako ko na magbabayad siya sa ginawa niya sa akin.
Hindi na kami nagkita uli dahil kailangan namin lumipat sa England pero nang bumalik naman kami dito, kailangan pa akong utusan ni Kenneth na maging bodyguard ng babaeng gustong gusto niya. Tadhana nga naman, sa kanya pa ako napunta.
"Bitch!" Rinig kong sigaw ng isang babae galing sa classroom namin. Kaya ayaw kong sa coed magaral eh, daming kaartehan ng mga babae. "Amin lang si Prince Kenjie!" Napailing ako. Hanggang dito ba naman sikat si Kenjie?
"At sabihan mo yang malanding kaibigan mo na sa akin si Joshua." Sabi naman ng isa.
"Una..." Pasimula ng kaaway nila. Boses ni Gaby yun ah. "Hindi ka nga kilala ng Prince Kenjie mo eh." Sagot niya at dinuro yung isa pa. "At isa pa, sino bang gumawa ng paraan para hindi ko na maging kaibigan si Leigh? Ikaw magsabi sa kanya niyan, tingnan natin kung makinig siya sa'yo."
I smiled. Yan ang Gabrielle na kilala ko. Yung babaeng magaling sa salita, yung walang sinusunod na batas. "Bitch!" Sigaw ng isa sabay hila sa buhok niya. Yung isang babae naman, sinipa yung upuan na inuupuan niya kaya bumagsak siya sa sahig.
"Hanggang salita ka lang pala eh."
Napabuntong hininga ako. Siya pa rin talaga si Gabrielle, ang babaeng hindi gumagamit ng kamao sa laban.
Naglakad ako sa hallway at naririnig ko lang yung mga classmates niya na nagcheecheer pa sa laban. Mga sira talaga.
Unfair ang laban, dalawa laban sa isa.
Kaya kahit against sa rules, binasag ko ang salamin ng fire alarm at pinindot yun para maglabas ng tubig sa lahat. Nagkagulo ang lahat dahil sa ginawa ko at pinanood ang paglabas ng mga estudyante sa classroom nila.
Pagdaan ko, naiwan si Gabrielle na nakaupo sa parehong pwesto, nakatungo at basang basa. May tumutulong tubig sa pisngi niya, hindi ko alam kung yung tubig galing sa kisame o luha.
Hinubad ko yung blazer ko at agad na pinatong sa kanya. "Labas na. Baka masunog ka dyan." Hinintay ko siyang tayo at lumabas bago ako naglakad palabas ng campus kung saan nagkakagulo ang lahat.
Nababaliw na nga siguro ako sa pagaalala sa kanya, alam ko naman na kaya niya pero wala akong magawa. Pagaari man siya ng iba ngayon, si Gabrielle pa rin ang first love ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/84150739-288-k559432.jpg)
BINABASA MO ANG
A Friendship to Remember
Fiksi PenggemarFive bestfriends formed an anti-boyfriend club for various reasons. Kasama sa club na ito ay ang pangako na papahalagahan ang pagkakaibigan sa kahit na ano mang pagdaanan. Pero paano kung ang taong ineexpect nilang makakasunod sa promise ng tropa a...