Could it be?

28 1 0
                                    

Elle's POV

"Mas bagay 'to sa kanya."

"Mas maganda nga sabi 'to."

"Mas babagay nga kasi 'to sa kanya."

"Mas style niya 'to."

"Alam mo, ang kulit mo. Bahala ka na nga dyan."

At bigla siyang lumabas sa shop. Kulit kasi nitong isang 'to, sinabi nang mas bagay kay Paris ang royal blue na kulay pero pinagpipilitan niya yung sky blue.

Aaaaaargh! Nakakabadtrip na talaga siya. Tapos ngayon, iniwan na lang ako bigla. Talaga namang nakakainis yung lalakeng yun.

Hoy Gabrielle, bakit kasi hindi mo na iwanan?

Ayoko nga. Ineenjoy ko pa na may driver at alalay.

Isa pa, siya lang ang taong nakakasakay sa trip ko maliban kay Paris. Feeling ko nakilala ko yung katapat ko o ang boy version ko.

Hindi lang siya driver. Sa almost one month na lagi kong kasama si Kenjie, naging parte na din siya ng araw araw ko. Baka nga mamiss ko siya pag nawala siya.

Teka, sinabi ko nga ba talaga yun?

"Ano? Hihintayin mong magsara yung mall?" Tanong niya sabay hablot ng damit na napili ko kay Paris.

Mamaya na yung party niya pero ngayon lang ako bumili ng regalo. Nakakatamad kasi at tsaka kapos ako sa budget dahil wala pa yung allowance ko.

Dinala ni Kenjie sa counter yung damit. "Miss, pabalot." Sabi niya at inabot ang credit card niya.

Hala. Madali kong kinuha yung pera ko. Hindi sa tinitipid ko ang bestfriend ko pero sakto lang para sa damit na 'to yung pera ko.

Maganda naman talaga yung royal blue na damit at mukhang magbabagay talaga yun kay beb pero di kaya ng bulsa ko.

"Ako na. Ikaw na lang magbayad sa gas mamaya." Sabi niya at napabuntong hininga ako. Di niya naman ako pinagbabayad ng gas at kung siya pala ang magbabayad, sana yung royal blue na lang kinuha ko.

Simula nakasama ko 'tong si Kenjie never akong nakahawak ng pinto ng kotse o ng bill sa restaurant, never akong nakabuhat ng kahit anong mabigat. Pag kinukwento ko yun kay beb, todo kilig naman siya pero wala lang sa akin. Ganun naman talaga dapat pag lalake eh.

Hanggang ngayon hindi nawawala yung feeling na sobrang familiar siya, parang nakita ko na siya dati. Lagi lang namang sinasabi ni Leigh na baka nakita ko daw sa TV si Kenjie. Famous ba siya?

Imbis na ibalot yung binili namin ni Kenjie, nakatingin lang sa kanya yung mga tindera. Aba, binabayaran ba sila para magfangirl?

Yung aura naman kasi talaga nito, sobrang kakaiba. Kahit saan yan pumunta may babaeng lilingon para bigyan siya ng second look. Napagkakamalan pa nga siyang artista minsan eh. Kahit si Selene na bihira lang makaappreciate ng gwapo, 'kuyang pogi' ang tawag sa kanya.

Si Rya lang ata ang may ayaw sa kanya pero kahit sino naman atang lalake, aayawan nun. Grabe kasing promise yan. Anti-boyfriend lang yan nung una, naging man-hater na ng huli.

Unlike Rya and Paris, hindi ako bitter sa break-up namin ni Chad dahil naniniwala ako na kapag wala, wala talaga. Bakit mo pipilitin ang wala kung wala na talaga in the first place?

Masyado akong nagbago nung kami para lang magfit ako sa standards niya at slowly, nagiiba ako. Lagi akong pumupunta kay Leigh para magpatulong kung ano bang magandang suotin sa date namin para magustuhan niya ako lalo.

But it was Paris who told me na dapat itigil ko na. Na sa isang relasyon, mahalagang mahalin ko muna kung sino ako. Pag nagawa ko yun, makakayanan kong magmahal ng iba. And I realized na hindi pala si Chad ang talagang para sa akin.

A Friendship to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon