Epilogue

23 1 2
                                        

"Kailangan pa ba nating gawin 'to?" Yan ang mahiwagang tanong na sumira sa katahimikan ng buong kwarto. Buti na lang at nandyan si Leighton na sadyang matapang sa mga ganitong pagkakataon.

Napailing si Rya. "Palibhasa mga kasal na kayo." Tanging nasabi niya na nagpatawa lang kay Mrs. Navarro.

"Magkakaroon na nga ng pinsan si Luna eh." Comment ni Elle na nakatingin kay Mrs. Salvador na nakangiti lang habang hinihimas ang tyan niya.

Napapangiti lang siya habang nararamdaman ang malikot na paggalaw mula sa loob. "Sa March nakadue na ako. Ayokong magsuot ng wedding gown uli na buntis."

"MagJune brides tayo!" Exclaim naman ni Leighton na mukhang excited sa pagpaplano.

"Paano kung ikaw naman ang mabuntis?" Tanong ng future Mrs. Palma na ngayon ay nagbibigay ng papel sa mga kaibigan niya. "Sulat niyo ang pangalan ng fiance niyo."

"Paano kung wala pang fiance?" Tanong ng girlfriend ni Kenjie.

Napailing na lang si Paris. Kahit kailan talaga, ang kupad ni Kenjie. "Siya na din yun, beb. May iba pa ba?" Napashrug na lang si Elle sabay bulong ng 'malay mo' na ikinatawa nilang dalawa.

"Tapos susunugin na naman?" Tanong ni Leighton na nagsindi ng kandila at sinimulang sunugin ang papel niya.

Tumango si Rya at sumunod sa kaibigan. "Oo, para walang urungan. Walang hiwalayan."

Napangiti na lang ang kanina pang nanahimik at sinunog ang papel niya. "Bakit ang familiar ng scene na 'to?" Bulong ni Selene at napatingin sa kanya ang apat. Hanggang ngayon, hirap pa rin siya makaalala ng mga nangyari noon nang dahil sa aksidente.

Biglang hinampas ni Paris ang braso ni Selene. "Ginawa natin 'to nung third year college tayo. Bawal magboyfriend something. Dapat maalala mo yun."

Napangiti si Selene. Hindi sa ayaw niyang makaalala pero ang madalas sa panaginip niya lang nakikita lahat ng nakaraan niya.

"Akala namin hindi na namin 'to magagawa ng kasama ka." Sabi ni Leighton sabay yakap sa braso ni Selene. "Buti na lang at ang tagal nagpropose ni Marco."

Natawa naman si Elle habang umiiling. "Drama talaga ni Leigh." At bigla siyang nabato ng unan ng nabanggit. Natawa naman si Selene. Bakit hindi? Eh theater actress na ata siya.

Kakauwi lang ni Leigh galing sa Korea para sa theater performance niya ng Legally Blonde sa Seoul. Si Joshua ang music director ng nasabing play simula nang umalis siya sa Unstoppable at nagkaroon ito ng bagong guitarist na si AJ.

Si Elle, busy sa pagiging CEO ng kompanya nila habang nakipagpartner sa mga Villafuente. Sa ngayon, hinahayaan na lang siya ni Kenjie na gawin ang gusto niya habang busy 'to sa pagmomodel.

On leave naman si Paris sa pagsusulat ng sports articles para sa magazine na pinamumunuan ni Renz. Ang star ng reports niya, walang iba kundi ang basketball star na si Rome. Minsan lumalabas din si Doha na coach ng basketball team ng St. Charbelle at si Kit na soccer player sa Japan.

Pumapangalawa sa kanila ang pediatrician na si Rya at si Marco na English teacher sa St. Charbelle. Hindi na natuloy yung one year lang sana na chance ni Marco dahil nung minsang umuwi siya sa Boston para ituloy yung course niya, mas naging lost si Rya at sumunod sa kanya after ng isang buwan at hindi na sila nagkahiwalay uli.

Dahil may hawak na ballpen, nagsimula na namang magscribble si Selene sa papel na nasa ibabaw ng lamesa. "Ano na namang sinusulat mo?" Tanong ni Paris at agad namang pinunit ni Selene yung sinulat niya at tinupi para ilagay sa bulsa.

Napailing si Leigh. "Story na naman yan?"

"Sabi ni Justine, may bago ka daw gagawin. Anong kwento nun?" Tanong ni Elle.

Napangiti na lang si Selene habang pinagmamasdan ang mga kaibigan niya. "Tungkol sa limang magkakaibigan." At napatingin sa kanya ang apat. "Tutulungan niyo naman ako diba?"

Napangiti na lang si Rya. "Don't worry, susuportahan pa namin ang book launch mo."

Napangiti si Selene.

Dahil kung may isang memory man na pinakainiingatan niya ngayon, yun ay ang ala-ala ng apat niyang matalik na kaibigan.

Paano kung hindi niya nakilala ang apat na 'to, magkakaroon kaya ng adventure ng buhay niya?

Paano nga kaya kung hindi siya nanaginip ng tungkol sa kanila at tuluyan na niyang kinalimutan ang lahat, kung sumuko na sila at kinalimutan na siya, magkakaroon kaya ng ganitong kwento?

Dahil para kay Selene, kahit wala na ang pamilya niya, wala na ang kanang kamay niya, wag lang mawala ang mga kaibigan na nagmamahal sa kanya...

Alam niyang magiging masaya siya.

Kaya para kay Rya na idol niya, kay Leigh na inaadmire niya, kay Paris na laging nakasuporta sa kanya, at kay Elle na pinapatibay lagi ang loob niya, magpapakatatag siya at haharapin ang lahat.

Wala na din naman siyang dapat hanapin pa dahil sa pagkakaibigan na parati niyang maalala.

A Friendship to RememberMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon